Chapter 10

185 8 2
                                    

Normal POV

Napapikit silang dalawa.Sa pang-aasar kasi ni Neil kay Lin,pareho silang tumumba.Neil....on top of her.

Nagpakiramdaman muna sila.Si Lin,sa kisame lang nakatingin.Tae.Ang harot naman kase.

Si Neil naman,pilit kinokontrol yung tibok ng puso nya na parang bigla na lang nagwala.Hindi nya alam kung bakit..Damn.May sakit na yata ako sa puso ah.Parang anumang oras titigil ang pagtibok nito eh.Pa-check up kaya ako bukas?Ah.Tama.

Maya-maya,tumayo na din sya. "S-Sorry..." Naiilang na sabi nya kay Lin.

".....

Sayang yung Donut ko" Tanging sagot nito. "Pfft ! Haha.Sige na nga,magbihis ka.Bili na lang ulit tayo.."

"Tsk.Nakahubad ba ko? Ikaw kaya ang magbihis.."

Lumabas nga silang dalawa para kumain ng Donut.Ang hindi nila alam,may dalawang matang lihim na nakamasid sa kanila.

Hmm...Should I start with them?

Neil's POV

Walanjo talaga.

Sa buong sembreak namin,Lahat na ginawa ko na.Lahat na sinubukan ko na.Halos ipalapa ko na si Lin sa mga liyon at tigre wala pa din syang emosyon.Kahit yata magkatotoo yung 2012 na palabas eh kalmado pa ding mamamatay ang malditang to.Takte talaga.

"WOOOH!HAAAAAH!"

Niyaya kong gumala si maldita.Nagpunta kami sa amusement park.Isinakay ko na sya sa maraming makalaglag-pangang rides pero wala.Wala syang reaksyon.Para bang napakanormal lang sa pang-araw-araw na buhay nya ang sumakay sa mga Crazy Rides habang yung lahat ng laman-loob ko pati yata kaluluwa ko eh naiwan na dun sa ere.Sigh.

Tinetesting ko pa naman kung hanggang saan tapang nya.Eh mukang walang kinakatakutan ang isang yun.Kahit first time nya dun eh wala pa din.(=__=)Tao ba talaga sya ?

Takte yan.

Sinubukan ko na ding pakainin sya sa mang-inasal,baka sakaling umiral ang pagkababae nya at masiyahan akong panoorin sya na hindi marunong kumain ng manok at nahihiya na parang totoong dalaga,pero ang nangyari eh....

"Kuya extra rice pa daw sya"

"Kuya extra rice pa daw sya"

"Kuya extra rice pa daw"

"Kuya extra rice pa daw" Amputcha,sandamakmak yung alaga nya sa tyan!Extra rice pa daw ako samantalang sya tong kain ng kain na para bang bulsa lang ni Doraemon yung tyan nya!Tapos ako pa yung pinagmukha nyang matakaw sa aming dalawa!Ako pa tuloy yung nahiya!

Pasimple ko na din syang tinapunan ng pekeng ipis,gagamba,daga,alupihan,lahat na,wala pa din!Hindi sya takot dun! Eh sa totoong malaking ahas kaya?Erm..Syempre di ko naman gagawin yun no.

Pina-nood ko na nga din sya ng horror,ng thriller,ng suspense eh.Yung mga cannibal cannibal something din habang kumakain sya!

"Ah.Parang longganisa lang pala yung bituka.."  With matching Now-I-Know tone pa! Geeez.Ni hindi man lang din sya nagugulat don sa Paranormal Activity,Insidious,The last exorcism,Sinister,o nate-tense dun sa House of wax,wrong turn,Autopsy,etc.Takbo na nga ng takbo yung mga bida eh,parang mas kinakampihan nya pa yung mga ewan na killer.Sigh...Makalaglag bituka na nga yung pinapanood nya wala pa din,parang di nya tuloy naaappreciate yung pinaghirapan ng direktor at ng mga artista.Hindi kasi effective yung mga pananakot nila sa kanya eh.Haist.

Sinubukan ko na ding panoodin sya ng movie na may Passionate kissing scene.Eh diba awkward daw sa mga babae pag nanonood ng mga ganun lalo na pag may ibang nakakakita?Ewan ko lang kung bakit.Kaya lang,as usual,"Ah.Nanonood ka pala ng ganyan aso?BADUY mo naman" Isang malaking tarak sa aking puso at lalamunan.(=___=) Di ko malaman kung slow talaga ang babaeng yun or what eh.Eh matalino naman sya diba.Sigh.Bakit kaya ? Nawala na ba talaga lahat ng klase ng pakiramdam nya?

Pinag-hiwa ko na din sya ng sibuyas.Baka sakaling magpanic sya pag sumakit yung mata nya..

Kaya lang...(-____-)<

Si Lin na Epic Fail pagdating sa kusina..Ayun.Kamay nya ang nahiwa.And guess what..?

Ako pa yung nagpanic para sa kanya at ginamot yung sugat nya.

Sigh.

Takte talaga nagbackfire sakin lahat.Dahil sya yung tipong hindi nagpapanic.

Damn! Where's her senses?

Hindi ako yung tipong magpapa-cute sayo [Ongoing...]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant