Chapter 26

15 0 0
                                    

Neil's POV


"Are you Steven? Steven Neil Cross?"

"Uhm..Yes I am... What can I do for you maam? "

"....."



"WHAT? Y-you're kidding... Right?"

Ito na yata yung pinakamasamang bagay na narinig ko sa tanang buhay ko. Pinakamasamang balitang narinig ko. Basta pinakamasama sa lahat ng pinakamasama.

Nakakainis na buhay to. Are you kidding me??!

"Neil...Son... *sob*" walang tigil sa pag-iyak si mama. "Hinde..Huhu.." Humahagulgol na sya. "Ayoko.. Huu bakit kailangang ganto huuu ginawa naman natin ang lahat... Ginawa natin ang lahat..."

"Dear..." Sobrang higpit ng yakap ni papa kay mama habang pinipigil ang luha nya. "Bakit pati sya!!!Hindi ko maintindihan!!!Lahat na kinuha nila!!!Huuuu!!!" Ngayon ko lang nakitang ganto si mama.. Nagwawala sya sa kakaiyak. "Shiela pakikuha naman ng tubig si maam mo"

"Ah..Y-Yes sir."

"Pa....Ano bang...ibig sabihin nito? Hindi ko maintindihan...Nagbibiro sya...diba?"


"In case you don't know, my name is Emerald Cross. And I'm your grandmother. "

"....Po?"

"....Bukas na bukas magpapadala ako ng susundo sayo. Iempake mo na ang lahat ng gamit mo at kami ng bahala sa iba"

"....."


Speechless ako sa mga oras na yon. As in.. I don't know how to react. After saying that, bigla na lang syang umalis katulad ng kung paanong bigla lang syang dumating.

"Huu... Ano bang kasalanan natin sa kanya?? Huhu dear please.. Wag kang pumayag.. Please... Huhu.. Dear..." todo makakapit si mama kay papa. Nasasaktan ako sa nakikita ko. "Shiela pakisamahan mo muna si maam mo sa kwarto nya please"

"Yes Sir.. Ahm.. Maam tara po punta muna tayo sa kwarto nyo.."

.

.

.

"Its true, anak. Undoubtedly, that's my mom."

"...."

"Ang mga kapatid mo...ang kuya at ate mo..hindi totoong mas ginusto nilang kasama sa main house ang lola nyo...Dahil ang totoo..Lahat sila... nagsilbing sakripisyo sa pagmamahalan namin ng mama nyo."

"..."

"Against si mom sa relasyon namin ni Millie. Bukod kasi sa ten years ang tanda ko sa kanya, yung pagitan pa ng estado naming dalawa...sobrang layo. Sa buong angkan natin, si mom ang pinakamataas. Ang pinakamalakas. Ang pinakamakapangyarihan. Hindi nya matanggap na tinanggihan ko ang lahat ng marriage interviews ko at naglihim ng tungkol sa amin ni Millie. By the time na ipinanganak si Aizabelle, ang panganay sa inyo, kinuha sya ng lola nyo at sinabi sa aming isang malaking pagkakamali ang ginawa namin. Dahil sa nangyari para na din akong nagtaksil sa buong pamilya at sa kanya. Bilang parusa at kabayaran sa ginawa namin, wala akong karapatang magsilang ng tagapagmana. Kahit isa. Kaya lahat ng isisilang na anak sa dugo namin ni Millie, sa ayaw at sa gusto namin, kukunin nya. " Seryoso to. Ano bang meron sa pamilya namin?? Ganto na lang habang buhay?? Kung ganon... yung mga kapatid ko, anong nangyari sa kanila?? Nasan sila??

Hindi ako yung tipong magpapa-cute sayo [Ongoing...]Where stories live. Discover now