KABANATA 25 • Ang Pinuno

80 7 1
                                    

•••★•••
Kabanata 25
Ang Pinuno
   

[ IKATLONG PANAUHAN ]

  
     
SA loob ng kaharian na pawang maniningas na mga apoy ang nagpapaliwanag, matatagpuan ang isang hari na animo'y mayroong munting selebrasyon sa isang madilim na tagpong siya mismo ang lumikha.

Kung ipinagluluksa ng buong Earth Sector ang pagkamatay ng kanilang tagapangalagang si Freda, kabaligtaran naman ito kay Haring Vyen, dahil napaslang niya ang isa sa mga bumabalakid sa kanyang maitim na balak.

"Ngayong patay na ang tagapangalaga ng Earth Sector, walang sino man pa ang makahahadlang sa mga layunin ko," pagdiriwang nitong salita habang hawak ang isang basong gawa sa ginto na lulan ang isang nakalalasing na inumin.

Kaharap ng hari ang dalawang nilalang na nagmula pa sa Sektor ng Tubig.

Kapansin-pansin sa isa ang matutulis nitong mga galamay sa ibabang parte ng kanyang katawan. Habang ang kanyang mga kamay ay tila mga sipit ng isang talangka. Hindi maikakailang isa siyang CANCERIAN. "Nakasisiguro ba kayong hindi magiging balakid ang mga Taurean sa inyong pamumuno?" tanong nito sa Hari.

Kilala ang mga Cancerian sa taglay nilang matalas na pang-amoy. Nagagawa nilang langhapin ang halimuyak ng bulaklak, sangsang ng kalawang, nakatutusing na alak, at iba pang uri ng amoy ng kapaligiran kahit pa sila ay nasa makayong distansiya. Kaya rin nilang amuyin ang sakit na iniinda ng pisikal na katawan ng anumang nilalang.

"Ngayong wala nang namumuno sa kanila, nasisiguro kong matatakot na ang mga Taurean na kalabanin ako. Isa pa, hindi ba ninyo naisip na ilang taon na ang lumipas nang simulan ng Earth Sector ang pagtiwalag sa akin? Ngunit, hanggang ngayon ay wala pa rin silang nagagawang aksyon. Kung sakaling magkaroon pa rin sila ng lakas ng loob na pabagsakin ako, sisiguraduhin kong hindi sila magtatagumpay. Dahil ako mismo ang magpapabagsak sa kanila," mariing saad ng hari sabay ngiti at para bang may balak muling gawing masama.

"Haring Vyen, mas sisiguruhin naming hindi na magkakaroon ng ano mang pag-aalsa mula sa Earth Sector. Bilang hukbo, tungkulin naming sila ay matiyagan sa kanilang mga ikinikilos. Mas lalo pa naming paiigtingin ang pagbabantay sa kanilang kuta," saad ng isang SCORPIO--isang nilalang mula sa Sektor ng Tubig na kilala sa kanilang wangis na maihahalintulad sa isang alakdan. Ang kanilang matutulis na buntot ay nagtataglay ng isang kakaibang kamandag na sino mang pasukin nito ay agad na babawian ng buhay sa saglit na panahon lamang.

Kilala rin sila sa pagkakaroon ng malakas na pakiramdam na kahit anong kaluskos ay agad nilang matutukoy kung ano o sino ang may gawa.

Isa sila sa mga kinatatakutan hindi lang dahil sa dala nilang panganib kundi pati na rin ang katotohanang si Haring Vyen na muli ang nagmamay-ari ng kanilang katapatan.

Noon, naging tutol rin ang mga Scorpio sa pamumuno ng Huwad Na Hari. Minsan na silang nakipag-ugnayan sa Air Sector at doon rin nanahan nang matagal na panahon. Subalit, isang 'di inaasahang pagtatalo sa pagitan nila at ng mga Aquarian ang sumiklab at ito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng lamat ang relasyon ng Air at Water Sector.

Eastwood: The World Of ZodiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon