Ang EASTWOOD ay isang mundo kung saan naninirahan ang labing-dalawang lahi (Arian, Taurean, Geminian, Cancerian, Leo, Virgoan, Libran, Scorpio, Sagittarian, Capricornian, Aquarian at Piscean) na kung tawagin ay Zodiacs at pinamumunuan ng mga Maharlika. Ang mundong ito ay aksidenteng mapapasok ng binatang si Evan Kendrick Salazar at dahil sa layunin niyang hanapin ang kanyang mga magulang, pipiliin niyang manatili rito upang gawin ang kanyang misyon. Sa kanyang paglalakbay sa Eastwood, hindi lamang pagkamangha ang babalot sa kanyang damdamin, kundi maging takot at pangamba rin. Hanggang sa isang bagay ang kanyang matutuklasan na siyang babago sa kanyang buhay at pagkatao.