KABANATA 31 • Shaxa

18 1 0
                                    

•••★•••
Kabanata 31
Shaxa

  
   
NAMALAYAN ko ang aking sarili na nakatulala sa loob ng aking silid. Ang mga sahig ay binabasa ng mga tubig na tumutulo mula sa aking kasuotan.

'Di mapakali ang aking mga paa dahil pilit akong binabagabag ng pangyayari sa loob ng kagubatan.

Isang nilalang ang naisip kong makatutulong sa akin upang masagot ang tanong sa aking isipan, kaya dali-dali ko siyang pinuntahan.

"Ayahara," banggit ko ng kanyang ngalan.

"Anong maitutulong ko, Evan?" tanong niya.

"May nais akong ikonsulta," sambit ko. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng aking bibig bago ko isiwalat sa kanya ang nangyari sa loob ng kagubatan. "Kanina, sa kakayuhan, narinig ko ang tinig ni Enoch sa aking isipan. Hindi ba't kayong mga Capricornian lamang ang may kakayahang gawin 'yon?"

"Imposible," sambit ni Ayahara na tila sinasang-ayunan ng isipan ko.

"Totoo ang aking sinasabi, narinig ko ang kanyang tinig na nagpapahiwatig ng matinding pagkasuklam sa akin. Sa palagay mo, anong nangyayari?"

Ang ekspresyon ng kanyang mukha ay masasabi kong kapareho ng naging ekspresyon ko rin nang marinig ko ang boses ni Enoch sa aking isip. Ilang segundong walang imik ang kaharap ko, habang paikot-ikot ang kanyang mga tingin. Sa palagay ko ay pinag-iisipan niyang mabuti ang aking sinabi. Maging siya ay nagulat sa bagay 'yon.

"Kung gayon nga ang nangyari, isa lang ang rason sa likod nito," saad niya.

"Ano?"

"Ang Tahaklaw," tugon niya. "Malakas ang kutob kong ito ang dahilan kung bakit nangyari ang bagay na 'yon."

"Ibig mo bang sabihin ay nagsimula nang taglayin ng sistema ko ang kakayahan ninyong mga sea goat na marinig ang isipan ng iba?" paniniguro kong tanong at inaasahan ko ang pagsang-ayon niya.

"Gano'n na nga."

Kung tama nga ang hinala ni Ayahara, masasabi kong maganda ang balitang ito at hindi ko dapat ito ipag-alala.

Ibig sabihin nito ay anim na kakayahan na ng mga Zodiac ang taglay ko. Subalit may anim pa ring natitira na kailangan ko ring taglayin sa lalong madaling panahon.

Agad na naghiwalay ang aming landas ni Ayahara dahil kinailangan niyang maglakbay patungo sa kanilang kuta kasama ang iba pang Capricornians. Habang ako ay sinigurong nasa mabuting kalagayan ang aking kapatid na si Enoch.

Nakita ko siyang mag-isang nakatulala sa loob ng kuwartong malapit sa silid ko. Habang pinagmamasdan siya, sinubukan kong pakinggang muli ang laman ng kanyang isip. Kung totoo ngang may kinalaman ito sa Tahaklaw, muli kong mapapasok ang kanyang utak.

Hindi nga nagkamali si Ayahara, sa ikalawang pagkakataon, nadinig ko ang daing ng isip ni Enoch. Ayon sa aking nadinig, nakararamdam na siya ng gutom at nais na niyang malagyan ng laman ang kanyang kalamnan.

Dali-dali akong nagtungo sa kusina upang ikuha siya nga kanyang makakain at maiinom na mainit na sabaw.

"Enoch, kumain ka muna," saad ko nang makumpleto ko ang kanyang pagkain.

Eastwood: The World Of ZodiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon