Chapter 10

281 10 10
                                    

Hello ate JiselleIsSoHungry! :D

Sana mabusog ka ng Update ko na to! ♥

-----------------------------------------------------

Chapter 10

Im on my way para hanapin sila Blake dahil natatakot ako na baka may gawin syang masama kat Scarlet. But malaking traffic ang nakasalubong ko dito sa highway. Di pa ako nakakalayo mula sa village namin at traffic na agad ang sumalubong sa akin. May natanaw akong ilang ambulansya at mga truck doon banda kung saan nagsimula ang traffic. Nakita ko din na madaming nakapalibot na tao doon. Kaya sa sobrang inis ko. Ipinark ko nalang ang kotse ko sa malapit na parking lot at pinark ko ito sa parking lot ng isa sa mga fast food.

Naisipan kong kumuha ng taxi. Pero narealize ko na wala ding silbi dahil nga traffic. No choice kundi lalakarin ko hanggang Hill-Top Restaurant. Medyo malayo layo pero. Nakakasigurado naman akong doon dinala ni Blake si Scarlet.

Sinimulan ko na nag paglalakad at naiinis ako dahil bukod sa pagpapawisan ako. Mapapagod pa ako. At naiirita ako sa mga text ni Desiree na "saan ka na ba?" "Bakit mo ako iniwan dito?" at lalo na yung mga pa "Oy" nyang mga text. Naabala ako sa dahilang nagvavibrate ang phone ko na nakalagay sa bulsa ko. Lalo na tuwing nagmimisscall sya o tumatawag. Wala talagang ibang ginawa ang babaeng yun kundi abalahin ako. >__< Sino ba naman ang may ganang sagutin ang tawag ng babaeng yun? Baka kayo gusto nyo nang sagutin. Ako kasi hinde e.

Nang papalapit na ako sa pinangyarihan ng aksidente. Nakiusyoso muna ako sa mga  taong nakikiusyoso din.

 "Kawawa naman yung batang yon. Sana maisalba pa ang buhay nya. Naku napakabata pa naman nya. Sayang ang buhay." sabi ng isang matandang babaeng nakikiusyoso din.

"Talaga po? Sino po ba yung naaksidente?" sabat naman nung isa.

"Di ko kilala e. Pero narinig ko sa mga sabi sabi na Samuel Parker ang pangalan ng naaksidente." sagot naman ng matanda. Natigilan ako ng marinig ko kung sino ang taong naaksidente. Si Samuel, nanginig ang buo kong katawan at naramadaman ang sobrang pagkatakot at sobrang pag-aalala sa kanya. >__< Maya maya pa ay hinila na ng isa sa mga truck ang kotse na naaksidente. At lalo ako nagulat sa nakita kong patotoo na si Samuel talaga ang naaksidente ngayon.

Nagising ako sa pagiging hibang nang maramdaman ko ang patuloy pagvavibrate ng cellphone ko sa bulsa ko at tinignan ko ito agad.

Calling..

Desiree

I take the chance na sagutin ang tawag habang hindi pa namamatay ang tawag. >___<

"Hello asan ka ba? Bakit mo ba ako iniwan? Sana man lang nagsabi ka na aalis ka, or kung saan ka pupunta para di ako nagaalala! Di mo manlang sinasagot ang mag tawag at text  ko kanina. Asan ka ba?" wala pa rin ako sa sarili na sabihin ang nangyari di ko alam kung paano ko sasabihin ang lahat kay Desiree. "Hello? Ron! Ron! Anu ba? Magsalita ka nga!"

"D-des.."

"Ano? Asan ka ba? Umayos ka nga!" sigaw nya pa.

"A-ano kasi. Si Sam...."

"Bakit? Ano ba ang nangyari kay Sam!" sagot nya.

"D-des. Naaksidente si Sam..."

"Ano? Wag ka nga magbiro ng ganyan!" biglang syang napatigil sa paninigaw at mababatid mo ang pagkabigla sa tono nya.

"Oo. Totoo ang sinasabi ko." maya maya pa ay narinig kong umiiyak si Desiree.

"Asan ka? Pupunta ako dyan." tanung pa ni nya ng gumagaralgal ang boses.

Pain of Love (On-Going Series)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora