Chapter 15

158 3 7
                                    

Hello ate KhrisZayn. :) Para sayo to. Hahahaha!!! :)

Happy 3K reads. :) Thank you po sa inyong lahat, kahit hindi ko na ti masyado naaupdate e. Lagi nyo pa din sinusubaybayan. Thank you!

Teka. Sa mga readers neto, may mairerecommend ba kayong artista na pwedeng maging characters ko? For pictures resons. :D

----------------------------------------------------------

Chapter 15

"Sweet Escape"

"Babe, I missed you so much!" sabi sa akin ni Ron habang nababasag ang boses nya. T__T Please naman Ron wag ka umiyak. Nagiging mahina ako. T__T di ba dapat galit ako sayo kasi may kasalanan ka sa akin? Bakit ganito na ngayon? Nawawala na lahat ng sakit sa puso ko. Ang gusto ko lang ay maging masaya ka kahit pa nasasaktan na ako ng sobra.

Di ko na napigilan pa ang sarili kong umiyak. T__T Dahil nasa piling ko ulit yung taong nagpapasaya sa akin ng sobra. T__T

"Pssst! Pssst!" Naririnig kong may sumisitsit sa akin mula sa balcony ng kwarto ko. Tumingala ako para tignan kung ano yun.

Nakita ko si yaya na sumisenyas na parang pinapaalis nya kami. Nakita ko na parang pinagtatago nya kami. Di ko maintindihan kung bakit. Pero naintindihan ko nang marining ko na ang mama ko ay hinahanap ako.

"Scarlet? Asan ka? Scarlet?" paghahanap pa sa akin ni mama. Binulungan ko si Ron.

"Tago ka muna sa likod ng upuan." nagtago naman sya doon habang sinasabi ko.

"Dyan ka muna pansamantala. Wag ka maingay ha? Hintayin mo akong bumalik." sabi ko sa kanya. Tumango lang sya para sa pagsang-ayon. Maya maya pa ay naririnig kong lumalakas ang boses ni mama sa pagtawag sa akin. Umupo ako sa clubhouse. At binukas ko ang ilaw para mapukaw ang atensyon ni mama sa ilaw ng clubhouse at malaman nyang andito ako.

"Scarlet anak! Bakit andyan ka? Gabing gabi na ahh?" Papalapit sa akin si mama kaya naman sinalubong ko na ito. Para di na sya makarating pa sa garden. Sinalubong ko sya ng pangiti.

"Mama, nahihilo na po kasi ako sa lamig ng AC kaya naman nagdecide ako na lumabas muna at magpahangin. Papasok na din po ako maya maya." sabi ko sa kanya.

"Oh sige anak. Nataranta lang ako nung sumilip ako sa kwarto mo e wala ka. Kala ko e napano ka na. Basta ha? Wag masyadong magtagal at baka lamukin ka pa dyan at mahamugan. Mahirap na magkasakit anak."

"Opo mama."

"Oh sige, maiwan na  muna kita. Umakyat ka kaagad ha?"

"Opo mama."

Hayy.. Salamat buti na lang at di na pumunta si mama sa garden at di na din nya kinailangang paakyatin pa ako dun sa kwarto ko. -___- Mabuti na lang.

Bumalik na ako sa garden kung saan nagtatago si Ron. -___- Nang makarating na ako sa may upuan kung saan ko pinagtago si Ron e wala akong nadatnan dun. Kahit man lang sana anino nya. Pero wala naman akong napansin na lumabas ng gate. Hay nako.

Lumingon lingon ako at hinahanap ko sya. Pero wala pa din akong makita. Pastilan Ron. Asan ka na ba? Baka makita ka ni mama.

"Bulaga babe! Wahahaha."

"Ayy kabayong bundat! Ikaw talaga sira ulo ka. Baka makita ka ni mama dyan. Patayin ka nun." di na kasi kami naging legal simula ng magalit si mama sa kanya noon nung nag-away kami at nagkaroon ng world war II sa pagitan naming dalawa.

Pain of Love (On-Going Series)Where stories live. Discover now