Chapter 16

139 2 8
                                    

Hello twinnie. Para sayo to.:))  Kasi kahit papaano e natuwa ka sa story ko. I love you. :**

I hope you enjoy this chapter! :D

----------------------------------------------

Chapter 16

"Eh saan tayo pupunta?" nagtataka kong tanong.

Eh di ba gabi na? Saan kaya ako dadalhin nito? -_____- Pero ano. Naguguluhan ako kung sasama ba ako o hindi. He is my EX. A part of my past. Naging part sya ng past ko kasi nasira ang tiwala ko. Ngayong gabi tama pa bang magtiwala ako?

*Desiree's POV*

Ano kaya ang masarap na lutuin ko para kay kuya? Ang hirap naman mag-isip ng papakain dun. Teka. Ano nga ba ang lulutuin ko?

Pumunta ako sa drawer at kinuha ko ang cookbook. Binuklat ko ang libro at tumungo sa table of contents. At nakuha ng isa sa mga nakasulat dun ang atensyon ko. Ang Chicken Cordon Bleu. Oo napukaw nito ang atensyon ko. At bahagyang bumigat ang loob ko.

*FLASHBACK*

-- Bianca's Birthday --

Inihanda ko na ang sarili ko sa gagawin kong pagsalubong sa pamilya ni Ron dahil ngayong araw daw na ito nya ako ipapakilala sa mama nya.

Nakangiti akong pumunta kung saan ang party ng dahil na nga sa excitement, at unang hinanap ng mga mata ko si Ron.

Nakita ko si Ron sa may buffet table at kumukuha ng Chicken Cordon Bleu. At nakita ko nang papalapit sya sa table kung nasaan ang mama nya. Nagulat ako sa nakita kong katabi ng mama ni Ron, si Scarlet Valderama.

"Ma, check this out!" kinalabit ni Ron si Mrs. Salvador at inaaktuhan subuan ito ng Chicken Cordon Bleu na hawak nya.

"Mmmmm. Mmmmm. This is definitely nice. Ang galing mo talagang magluto dear! Scarlet anak...." Si Ron ay umupo na sa tabi ni Scarlet.

"Tikman mo yung Chicken Cordon Bleu ni Ron. Ay napakasarap! Alam mo bang sya ang nagluto nyan?"

"Aheee. Sige po tita." nakangiting sagot ni Scarlet kay mama. Abay napaka kapal talaga ng mukha ng babaeng yan. Mang-aagaw. Si Ron ay nakikita kong masaya. At parang ang hirap nang tanggalin ang mga ngiting yun sa mga labi nya. Mga ngiting hindi ko manlang nakita tuwing ako ang kasama nya. Kaya siguro tama na munang di muna ako magpakita magpapalipas muna ako ng sama ng loob.

Naramdaman ko na lang ang sarili ko na naglalakad na papalayo sa party at papatungo sa Comfort Room. Napakahirap nang ganitong pakiramdam, na parang nilulunod ako ng sarili kong luha at umiinit ang pakiramdam ko sa paligid pero ang puso ko ay sadyang di makaramdam ng kahit na ano.

Ron, bakit ganito? Ginawa ko naman ang lahat ahh. Bakit ginagawa mo sa akin to? Bakit di na lang ako ang mahalin mo? Andito naman ako para sayo, handa akong baguhin lahat lahat para sayo. Pero bakit mo parin ginagawa sa akin to? Bakit di mo parin matanggap ako? Bakit di na lang ako ang mahalin mo? Kaya ko namang maging higit pa sa kanya? T^T

Ano pa ba ang kailangan mo? T^T

*END OF FLASHBACK*

"Des, Desiree!" sabi ni yaya Ising sa akin.

"Bakit ka tulala dyan? Tignan mo tuloy naluluha na ang mga mata mo." dagdag pa nya.

Napansin na nya na lumuluha na naman ako. Nasasaktan pa din ako. Bakit ganun? Di ba dapat tinatanggap ko na ang totoo? Na siguro hindi pa din kami para sa isa't isa? Kahit pa na may laman na ang tyan ko. Alam kong hindi pa rin kami para sa isa't isa.

Pain of Love (On-Going Series)Where stories live. Discover now