Chapter 11

318 8 12
                                    

Hello ateng maganda! dyosangkagandahan as promised this is for you! :>

Enjoy! :)

------------------------------------------------

Chapter 11

*The Patient*

"Tol, di ko pwedeng iwan sayo ang kotse ko. Kasi kasama ko si Scarlet. Saan ka ba pupunta?" nagtatakang tanong ni Blake, at tila nakakatunaw ang mga pagtitig nito na parang sinasabi ay umalis na lang ako magisa at wag na silang guluhin. Pero anong magagawa ko? I really need his help dahil wala na din akong natitira pang pera sa bulsa ko at malayo pa ang ATM machine para makapagwithdraw. Naubos ang pera ko dahil sa pagbili ko ng gamot para kay Sam.

Kinakabahan akong nagsalita dahil alam kong magtataka si Blake. Di ko pa magagawang ipaliwanag sa kanya ang mga pangyayari dahil nagmamadali ako at maigsi nalang ang oras para ipaliwanag pa sa kanya ang lahat.

"Pupunta ako ng hospital" I rolled my eyes down para makaiwas sa tingin nya at para di na humaba pa ang usapan. Naglakad na ako papunta ng back seat ng kotse. Sumunod na din si Blake.

"Huh? At bakit ka pupunta ng hospital?" nagtatakang tanong nya. At medyo mabagal siyang naglakad na nakasunod sa akin. Nakita kong napatingin mula sa loob ng kotse si Scarlet kaya naman lalong kumabog ang dibdib ko sa iniiwasan kong tanong ni Blake.

"I will explain it to you when we got home okay? I really need a ride on your car. I badly need your help." bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ng backseat nang hawakan ni Blake ang braso ko.

"You should drive." sabi ni Blake ng malalim ang boses. Napatingin ako sa kanya pero madilim na aura lang ang nakita ko sa kanya. Halatang galit sya at masama ang loob sa akin.

Sumakay na ako sa driver's seat at si Blake naman ay umupo sa tabi ko. Nararamdaman kong malamig ang pagtanggap nya sa akin. Nakakailang at hindi ako mapakali sa nararamdaman kong pagkabalisa. Inayos ko muna ang rear view mirror at nakita ko na nakatingin si Scarlet sa ginagawa ko.

Umusog ngpagkakaupo si Scarlet at tumapat sa likod ni Blake. At niyakap ni Scarlet mula sa likod si Blake.

"Bess. Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Scarlet na isinandal ang ulo sa upuan. Bumigat ang pakiramdam ko sa nakita kong ginawa ni Scarlet. At nararamdaman kong lumabo ang paningin ko. Nararamdaman kong babbagsak na ako mga luha ko. Pero I've tried my best to make it stop.

"Sa hospital po." Hinawakan ni Blake ang kamay na nakayap sa kanya at hinalikan ang likod ng palad ni Scarlet.

"Ehh? Hmm. Bakit?" >___<

"I don't know. Malalaman natin mamaya. Kung bakit tayo papunta doon" masiglang sabi ni Blake. Please naman po. T__T tama na yung kasweetan. Nakakamatay yung nakikita ko.

"Ohh okay." luminga linga si Scarlet na parang may hinahanap. "Ayt. Wala ka bang unan dito bess? Inaantok pa naman ako. Yawn!" napangiti si Blake.

"Inaantok ka? Ayy sige. Saglit. Tatabi ako sayo." humakbang si Blake papunta sa Backseat at umupo sa tabi ni Scarlet. Maya maya pa ay nakita kong yumakap si Scarlet sa bandang tyan ni Blake. T___T Di ko alam kung nasaan na ang pakiramdam ko.Nagmanhid ang pakiramdam ko at nawawala sa sarili. Maya maya pa ay napayuko ako ng konti at hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko.

Nakita kong masayang masaya si Blake sa mga nangyayari. At hinihimas pa ni Blake ang ulo ni Scarlet.

"Ayy ngee. Tulog agad. Mukang pagod na pagod talaga." nakangiting sabi ni Blake at bahagyang napatingin sa akin na parang nararamdamang nakikiramdam ako.

Medyo malapit na kami sa hospital na pupuntahan namin. Kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari. Baka kung makiita ni Scarlet kung sino ang nasa hospital baka lalo pang sumama ang tingin ni Scarlet sa akin. Mahal ko si Scarlet. Pero alam kong mas kailangan ako ngayon ni Desiree. Tutal mukhang masaya naman na si Scarlet kaya di na ako dapat mag-alala kay Scarlet.

*Scarlets's POV*

Binukas ko ng dahan dahan ang mga pagod kong mata. >__< Kahapon kasi. Crying lady. Yan pagod tuloy mata.  At narinig kong nag-uusap ang magkapatid na Ron at Blake.

"...Tol salamat ha?" sabi ni Ron.

"Wala yun tol." sagot ni Blake. Isinarado ni Ron ang pinto at ako ay napaangat ang ulo ko. Dahil  sa lakas ng kalampag ng pinto. "Ohh gising ka na pala!" masiglang bati ni Blake sa akin.

"Syempre naman. Uuwi na ako e." nakangiti kong sagot.

Mayamaya may nangatok sa bandang side na window ni Blake si Ron. "Tol. Pwedeng patulong? Bigat e."

"Oo sandali." lumabas sya pumunta sa bandang likuran ng kotse. Maya maya biglang nagpaalam si Blake. "Dito ka lang ha? Samahan ko lang si Kuya na dalhin to sa loob."

"Teka! Ayoko mag-isa dito! Sama ako." Lumabas na ako ng kotse at nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Ron.

"Huh? Wag ka na sumama at sandali lang naman kami e." sabi ni Ron na parang natatakot.

"E basta! Sasama ako. Natatakot ako mag-isa sa kotse." giit ko. Luuh! >___< Ayaw ako pasamahin.

"Oo nga isama na natin si Scarlet tutal sandali lang naman tayo e." giit ni Blake. At si Ron ay napabuntong hininga sa pagpilit namin sa kanya. Halatang wala na syang magawa kundi isama ako. Yehey! (^__^)v effective ang pangungulit ko.

Naglakad nakami ng hallway at naunang nagpunta si Ron sa may front desk. At nakipagusap sa mga nurse doon. Siguro magtatanong. Maya maya lang ay nakita na namin naglakad si Ron at nauna. Mukhang galit sya. Pero sorry. >___< Wala kang magagawa Ron. Di effective yung powers mo sa akin.^___^

Nagpunta kami sa room 324 kasi doon daw ang room napupuntahan namin. Hmm. Kung sino man sya. Sana nasa mabuti syang kalagayan para naman yung mga naiwan nya ay di malungkot.

Nang makarating na kami sa 3rd floor. Natunton na din namin ang room na pupuntahan namin. Naunang pumasok si Ron sa loob ng kwarto habang dala dala ang mga gamot. Sumunod na din si Blake. Kaya naman sumunod na din akong pumasok.

Pinagmasdan ko si Ron habang nilalapag nya ang mga gamot. Ganun na din si Blake. Umupo ako sa couch na katabi ng pasyente para makaupo at makapagpahinga. Pero nagulat ako sa nakita ko kung sino ang pasyente. -_____-

Napatayo ako sa kinauupuan ko at nilapitan ko ang pasyente.

"K-kilala kita." tinitigan ko pa lalo ang mukha ng pasyente dahil di ko matandaan kung saan ko nakita ang mukha nya. Nang maalala ko..-_______-

"Ikaw yung lalaking sumusunod sa akin!"

--------------------------------------

Pabitin! :)

Ahahaha. Sige magalit na kayo. Pero wala kayong magagawa kasi ako ang author.xD Ahahahaha.

Mahal na mahal ko kayo readers ko! :))

Kindly, click VOTE, leave a COMMENT, and be POL'S FAN!

Godbless! ♥

Love. MissDropDead.

Pain of Love (On-Going Series)Where stories live. Discover now