Chapter 17

62 0 0
                                    

Chapter 17

*The Closure*

"Babe anong gusto mo?" tanong sa akin ni Ron nang masaya at puno nang ngiti. :) Kahit naman ako e. Masaya ako. Kasi ang tagal na naming hindi nagawa ang ganito. Ang tagal na naming hindi nagbobonding. Well. Pagbigyan na. Pagbigyan na ang pusong matagal na naghahangad ng ganitong saya.

Tama kayo. Nasa isang Diner kami. Bukas pa kasi. :) 24 hours kasi bukas ang Diner na to. Kaya naman dito namin napagpasyang pumunta dahil wala namang kaming ibang mapupuntahan.

"Uhmm. Teka ano ba gusto mo? Ano ba kakainin mo?" Tanong ko sa kanya.

"Light lang kakainin ko. Siomai lang mga 4 na order." nakangiti nyang sagot sa akin.

"At light pa pala yun sa lagay na yun ha? Mag-siomai na din ako."

"Okay, okay. Wait for me."

Dali dali syang pumunta sa counter para umorder. Gutom na siguro sya. :) Nakatitig lang ako hanggang sa makapag-order sya ng kakainin namin. Tinititigan ko lang sya. Di ko alam bakit, pero nararamdaman kong muli ang saya. Nanumbalik yung saya na matagal ko nang gusto maramdaman. Yung saya na matagal ko nang hinahanap. At higit sa lahat yung pakiramdam na maging kumpleto.

Ang Ron dati at ang Ron na kasama ko ngayon. Wala pa ding pinagkaiba. Nananatili pa din syang gwapo. Matangos ang ilong, macho, singkit ang mata. At higit sa lahat moreno pa din sya. Tall dark and handsome pa din. Walang pinagkaiba nung una ko syang makilala. Nung una ko syang makita.

Nakikita ko at nararamdaman ko na parehas kami ng nararamdaman ngayon. Ngayong magkasama kami. Parang pag-aari namin ang mundo, walang humahadlang, walang nasasaktan, walang mahihirapan. Kami lang. Parehas kaming masaya, parehas kaming naging kumpleto. At nararamdaman kong naging kumpleto ang ngiti nya. Ganito ba talaga kasarap ang mga nakaw na sandali?

Kahit man magkasama kami. Kahit naman masaya kami ngayon. Nararamdaman ko pa din ang distansya sa aming dalawa. Distansyang nabuo nang dahil sa sakit, at nang dahil na rin sa mga pagkakamali. Nalungkot ako nang bahagya ng maramdaman kong kumirot na naman ang puso ko at nararamdaman kong nadudurog ito nang dahil sa mga pagkakamali. Hindi ko alam bakit nanumbalik ang lahat ng yun ngayon. Pero ngayon ang nararamdaman ko lang. Napakaraming bagay ang gusto kong linawin ngayon sa pagkakataong ito. Ayoko nang palagpasin pa ang lahat ng ito.

Pabalik na si Ron dito sa table namin at dala dala na nya ang mga inorder nyang siomai.

"Babe, eto na yung all-time favorite natin. Si-yo-may." nakangiti nyang sabi sabay lapag ng tray at umupo sa harap ko. Gusto ko nang maluha sa nararamdaman kong kirot sa dibdib ko. Gusto ko syang simulan ng tanong pero parang mali naman ata. Parang mali naman na sirain ko yung magandang ngiti nya sa akin.

Inialis nya sa tray yung siomai at drinks. Napayuko na lang ako, at pinigilan ang pag-agos ng mga luha sa mata ko.

"Oh bakit natahimik ka ata babe?" pag-aalala nya pa. Pinahid ko na lang ang luha ko habang nakayuko at muling tumingala sa kanya.

"Ah, wala wala. Wag mo akong intindihin no. Okay lang ako." tumingin ako sa malayo.

"Uhmm. Di mo ba nagustuhan tong siomai? Teka. Ioorder kita. Ano ba gusto mo ha? Name it."

"W-wala. Okay na to. Ano ka ba. Busog pa nga ako e." sinagot ko sya ng nakatingin pa din sa malayo.

"Busog ka pala e. Akin na lang." natatawa tawa nyang sagot. Gusto ko man matawa. Pero mas nananaig pa din ang lungkot at sakit na nararamdaman ko. Ewan ko ba pero gusto kong malinawan kung ano man itong nasa isip ko.

Pain of Love (On-Going Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon