Kabanata 1

147 16 2
                                    

"Muli bang naulit ang pangyayaring hindi na dapat pang mangyari?"


"Vera! Tara na, hindi yan si Juan wala na siya. Ikaw nalang ang natitira kaya tara na"

"Juan! Umalis na kayo, pumunta na kayo sa lugar kung saan hindi kayo mahahanap ni Malus, magiingat kayo. Pangako ako na ang bahala Kay Laura"

"Juan!"
"Emilio!"
"Lucena!"

"Hindi pwede!" Sabi ko habang umiiyak

"Malus! Ako ang harapin mo huwag mo silang pakialaman, wala silang alam sa nangyayari. Tayo naman ang may problema dito kaya sa akin mo na ibuhos lahat ng galit mo"

Hindi..

Hindi..

Ahh!

Napabangon ako at pawis na pawis, simula makabalik ako ay lagi ko nalang silang napapanaginipan.

Sa loob ng sampung taon sila parin ang laman ng mga panaginip ko.

Gusto ko na sanang takasan pero bumabalik lahat.

Halos sampung taon na din ang makalipas, matapos ng isang hindi ko nakakalimutan na pangyayari.

Simula noon ay hindi ko na muli pang hinawakan at binuksan ang diary.

Natatakot ako.., natatakot akong mangyari ulit lahat.

Hanggang ngayon sariwa pa rin lahat ng ala-alang iyon sa akin.

Pagkatapos ng nangyari ay tumigil na din ako sa pagsusulat ng mga kwento sa mga notebooks at diary ko.

"Alanaaa kamukha ng palakaa---" habang kinakanta niya, bungad na pag-aasar ng Kuya ko sa akin tuwing Umaga.

"Wala akong naririnig" Sabi ko habang papunta kusina.

"Wow ang bango naman po, anong niluluto mo mama?" Sabi ko habang papunta Kay mama.

"Ano pa, edi ang paborito niyong Pancake!" Masayang sabi ni mama sabay yakap sa akin.

"Ang tanda na niyan mama, ginagawa mo pang baby. Kaya isip bata pa yan hanggang ngayon eh" Sabi ni kuya.

"May naririnig ka pong nagsasalita mama? Baka may nakapasok na ipis dito sa bahay? Alam mo po yun ma? yung ipis na filingero akala mo gwapo hindi naman" pangasar ko pabalik kay Kuya.

Natawa naman kami ni Mama sa reaction niya nung sinabi ko yun.

"Hoy! Bawiin mo nga yung sinabi mo" Sabi niya.

Sasagot pa sana ako kaso nagreferee na si mama.

"Kayong dalawa kailan ba matatapos yang asaran niyo? Ikaw Aiden Twenty-Seven years old ka na at ikaw naman Alana Twenty-Five. Hindi na kayo mga maliliit na bata" Biro ni mama sa amin.

"Halika nga kayo" Sabi ni mama

Pumunta naman kami ni Kuya at niyakap si mama.

"Arayyy!" Sabay na sabi namin ni kuya.

"Ano? Magaaway pa kayo ha?" Sabi ni mama habang pinipingot niya yung Tenga namin ni Kuya.

"Arayy! Hindii na po maa"

"O sige kumain na kayo at pupunta muna ako sa palengke" Sabi ni Mama.

"Halaa! Anong oras na?" Tanong ko

"Alas-otso bakit?" Sabi ni kuya.

"Haa! Late na akoo!" Sabi ko

Habang nagmamadali akong kumilos napansin ko na tinatawanan lang ako ni Kuya.

Hindi ko na siya pinansin dahil nagmamadali na ako, palagi nalang akong late ayoko namang matanggal ako sa trabaho.

Simula Antipolo ay babiyahe ako papuntang MOA, nakasakay na ako ng 2 tricycle at isang jeep at nagaabang naman ako ngayon ng bus papunta sa trabaho.

Parang wala ata masyadong pasahero at sasakyan ngayon?

Hays, ang hirap magabang dito wala masyadong bus. Late na late na ako.

Habang nagaantay ay nagulat nalang ako ng biglang bumuhos ng malakas ang ulan.

Agad naman akong sumilong sa isang bus stop.

Umupo muna ako ng saglit para patilain yung ulan.

Napangiti naman akong bigla, dahil naalala ko yung part na naabutan din ng ulan si Vera. Kaya ko nilagay yung part na Yun dahil noong araw din na iyon habang papauwi ng school ay naabutan din ako ng ulan..

Napaisip nalang ako habang ang tanging ingay lang na naririnig ako ay ang mga patak ng ulan.

Ano kayang nangyari sa kanila? Kilala pa kaya nila ako? Galit kaya sila sa akin?

Hindi ko na malayan na sumasabay na pala sa patak ng ulan ang luha na dumadaloy sa aking mukha.

Hindi ko alam pero kahit karakter lang sila ng kwento ko ay nasasaktan ako na nangyari sa kanila yun.

Hindi ko ginusto na mangyari iyon, gusto ko na talaga matapos to, gabi-gabi akong kinukulit ng konsensiya ko, lagi akong umiiyak tuwing gabi.

Hindi ko rin makalimutan silang lahat..

HAHAHA

Nakakainis naman kasi, nagsisi ako na ang kinuhanan ko pa ng Facial features ni Juan ay si Kuya pa. Ayan tuloy tuwing nakikita ko siya naaalala ko lahat.

Napansin ko na tumila na ang ulan, kahit papaano ay may reason ako kung bakit ako nalate.

Nagulat naman ako ng biglang nagsalita yung street sweeper "Nako hija masyado ka atang masipag" Sabi niya habang tumatawa.

"Po? Ano pong Ibig niyong sabihin?" Nagtataka ko namang tanong.

"Ay nako hija sabado ngayon" Sabi niya.

"Po!?" Sabi ko sabay kuha ng cellphone ko sa bag.

September 15, Saturday 10:16 AM

"Salamat po manong, akala ko po ngayon ay may pasok ako. Nagmadali pa ako, sayang pa pamasahe. Sige po manong ingat po"

Habang naglalakad ako pabalik sa sasakyan, hindi ko alam kung namamalik mata ako pero nakita ko si Malus.

Dala ba ito ng pagkataranta ko? O dulot ng pagod at puyat?

Nagpaparamdam na yung diary...

May bagong kwento nanaman ang maguumpisa..

Kwaderno Where stories live. Discover now