My Destined XXIV

4.2K 270 41
                                    

Sorry mga bibilabs for not updating for two days. Babawi po ako ngayon. May kasunod pa po ito later kaya abangan niyo po☺️☺️☺️

Salamat sa support at matiyagang paghihintay.

And pkease do support my "Probinsiyano's Series" Somebody to Love.... Ito po ang next pafkatapos nina kamahalan at disaster. Alam kong maguvustuhan niyo din siya. Salamat na agad in advance.

Happy reading😘😘😘

Pamela

HINIHINTAY ko siya dito sa labas ng aming bahay. Nagmessage na kasi siyang malapit na daw ito. So, i'd rather pick him up, para mabilinan ko muna ito bago kami makapasok. Base kasi sa mga ngiti at tinginan ng tatlo? I'm sure--- they are planning something. At bago pa mangyari 'yon ay maagapan ko na. Nagmana ata ako kay Inang nang katalinuhan.

Napabaling ako sa may gate nang bumukas ito. Here we go again. The hot and dazzling kamahalan on his motorcycle. Nagpupuso na naman ang aking mga eyes habang nakatitig sa papalapit na kamahalan.

Hindi ko na naalis pa ang titig ko sa kanya hanggang sa huminto ito medyo malapit sa kinaroroonan ko.

When he removed his helmet. God! Mas lalo lang akong natulala at hindi na nakakilos pa sa kinatatayuan ko.

Nang umulan ata ng kaguwapuhan, eh, nasalo na ata niya lahat. Jusko! He's perfect! The eyes, his nose, his body at lalo na ang kanyang mga labi. Ang sarap papakin.

Napapilig nalang ako ng aking ulo dahil nag uumpisa na namang magnasa ang katawang lupa ko. Iba talaga ang impluwensiya ng kaguwapuhan niya sa akin.

Naiintindihan ko na ngayon kung bakit natulo ang laway ni Asher kapag nakatingin ito kay Papa Doc.

Hindi ko na namamalayang nakalapit na pala ito sa akin at nakangiti nang nakatayo sa aking harapan. Ang sumunod nitong ginawa ay hindi ko napaghandaan.

Hinawakan niya ako sa aking bewang at hinalikan ako sa aking pisngi na nakapagpalaki ng aking mga mata. How could he kiss me like that!

"Stop drooling, My Disaster. Get yourself together. Pinapanood ka ng mga tao sa loob. Baka gusto mong kumilos diyan." Bulong nito sa aking tenga. Hindi ko alam pero may kakaibang kiliti ang hatid nito sa aking sistema. Shocks! Aatakihin na ata ako sa lakas ng tibok ng aking puso. He has that effect on me.

Nakatulala pa din akong nakatingin dito. We are just pretending to be a couple pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

"Hey," tawag nito pero lumilipad pa rin ang utak ko sa kung saan. It's my first kiss kahit sabihin nating sa pisngi lang niya ako hinalikan. Pero, halik pa ding matatawag iyon. "If you're not going to move. Then, i'll just go back home. Nakakahiya na ako. Kumakaway na sila."

Natauhan ako sa sinabi nito. Gusto ko siyang samaan nang tingin pero hindi pupwede.

"Why did you kiss me?" bulong ko dito at pinisil nang medyo malakas ang pisngi nito.

"You ask me to be your boyfriend, right?" He whispered too. Ano naman ang connect nun?

"Yes, pero hindi kasama ang HALIKAN ako. That's out of the line." Pinagdiinan ko talaga ang salitang halikan para maiparating dito na hindi ako natutuwa sa ginawa niya. Kahit na naghuhurumentado na ang aking puso.

"That's just a show. Alangan naman kamayan kita sa harap nila. Think, my Disaster. " He said sarcastically pero nakangiti pa rin habang nakatingin sa bandang likuran ko. 

Nang tignan ko ang tinitignan nito ay napangiwi na lang ako nang makita ko ang tatlo na kumakaway nga sa may gawi namin.

"Umayos ka, my Kamahalan. Sinasabi ko sa'yo. May mga hidden agenda ang mga 'yan. Mag iingat ka." Mas ako ata ang kinakabahan sa plinaplano ng tatlo sa kanya. "Lalo na sa nakapulang babae."

My Destined Love [FOUR SISTERS SERIES II]Where stories live. Discover now