My Destined VIII

7.3K 252 54
                                    

Sorry mga bhebhe's kung matagal ang UD ni  Sexy Otor, ha. Hindi ko na talaga hawak ang oras ko. Don't worry, 11 months to go at ujwi na ako ng Pilipinas. Mauumay kayo sa update ko kapag nagkataon.
For now, tiis tiis muna po tayo and sana po andiyan pa di. Kayo para suportahan ako.
Thank you so so much and keep safe always😘😘😘
Enjoy reading mga bhebhe's😘😘😘

Pamela 

It's been a rough week for all of us. Nakahinga kaming lahat nang maluwag ng sabihin ni Cristy'ng succesful at naniwala naman ang pamilya niya. That makes our worries gone.

And now, papunta ako ng mall to meet my friends. Manlilibre daw si baklitang si Asher na once in a blue moon lang mangyari kaya sunggab kaming lahat. NApatingin ako sa relo ko ng makitang late na pala ako ng two minutes sa usapan. 

As expected, my phone begin to ring. The special alert tone is on kaya alam ko kung sino ang tumatawag.

I immediately picked it up, "hello..." magsasalita pa sana ito ng inunahan ko na siya. "Late na naman ako. Bakit ba kasi lagi akong late? Dapat hindi na ako naligo at dapat mas maaga akong nagising. Bakit kasi ako nagpuyat kagabi sa kakapanood."

"Nyeta!" Tawang tawa si Asher sa kabilang linya. Hindi niya kasi expected na  uunahan ko na siya and this is the first time kaya siguro tawang tawa ito. "Wala na akong sinabi. Just be here. Ikaw na lang ang kulang at si Elly'ng bansot. Ngayon lang nalate 'yon kaya nakakapagtaka. Anyways, bilisan mo..."

"Bilisan mo kasi Pamela kung hindi pipingutin kita sa tenga, real hard." Mas humagalapk nang tawa si Asher sa mga pinagsasabi ko. Mga linyahan niya kasi 'yan kapag pinapabilis niya kami sa meeting place. "Andito na ako sa parking lot. See you."

Agad ko ng pinatay ang tawag at naghanap na ng paparkingan. Nang makakita ako ay agad akong nagpark at nagmadaling pumasok sa elevator pataas. Buti nga naabutan ko pa ang pagsara nito dahil kung hindi ay  maghahagdan na naman ako.

Nang makita kong nakapindot na ang floor na pupuntahan ko agad akong humarap sa glass panel ng elevator. Makikita mo kasi ang iba't ibang stores at ang mini stage na nasa unang floor . Nalibang ako masyado sa kakatingin at hindi ko na namalayang lumagpas na pala ako ng floor. Nang marinig ko ang pagtunog ng elevator, mabilis akong lumabas not knowing na nakalagpas na pala ako ng floor.

I cursed, "Oh shit! 'Yan kasi Pamela-- sight seeing pa more."

Dahil ilang floor pa bago bumalik ang elevator mas minabuti kong maghagdan na lang. Kung hihintayin ko pa-- baka matagalan ako mas lalo at magbunganga na naman ang speaker ng taon.

And, speaking of, my phone ring. Agad ko itong sinagot. Uunahan ko na ulit sana ito ng bigla na lang itong nagsalita at parang nagpapanic pa ang boses.

"Condo! Now! Elly..." halos pasigaw na sambit ni Asher.

"Wait! What? Anyare?" NAguguluhang tanong ko.

"Elly is crying over the phone and we don't know why. Sunod ka na doon sa condo. I've been texting you but you didn't even bulge to reply, " he said. He's starting his engine, so, nasa parking na sila and about to leave.

Napanguso ako, "I didn't see it. Lumagpas ako ng floor." saad ko at nagmamadaling tinungo ang exit patungong hagdan.

"Okay, just be there. We know, she needs us. Malapit lang ang condo kaya doon na tayo magkita." Tumango ako na para bang nakikita nito ang pagtango ko. Ilang minuto lang kasi ang condo nito sa mall kaya mabilis lang.

Agad kong pinatay ang tawag at nagmamadaling binuksan ang pinto ng backdoor. Sa pagmamadali ko, dire-diretso lang ako and to my grimace. May nabangga ako--nanlaki talaga ang aking mga mata. Tunatak talaga sa isip ko na may nabangga ako!

My Destined Love [FOUR SISTERS SERIES II]Where stories live. Discover now