Chapter 48

2.5K 212 56
                                    

PAMELA

Lakad takbo ang ginawa namin ni Lira. Dahil sa sobrang kasarapan ng aming tulog, hindi namin namalayan ang oras at doon na kami nagpalipas ng gabi. And now--- thirty minutes nalang bago ang kasal. Napapamura na lang kaming dalawa ni Lira habang tumatakbo.

Kinakabahan ako dahil ilang minuto na lang, tapos sabi ni Lira medyo malayo layo pa kami. Putik naman! Bakit kasi ngayon pa ako tinamaan ng katamarang magising ng maaga. To the fact na nasa eroplano pa kami. Bakit ba kasi napakakomportable ng posisyon namin at ni hindi namin namalayan?

"Malayo pa ba?" Hingal na hingal na tanong ko kay Lira na tumatakbo din gaya ko.

"Just keep running, Ate Pamela. If we stop---we can't make abot na to that wedding and that's frustrating!" Hirap na hirap ding saad niya at hila hila pa ako sa aking kamay.

"Ngayon ko lang talaga sinusumpa ang mahimbing kong pagtulog." Naiiyak na saad ko at patuloy pa ding sinasabayan si Lira sa bilis ng takbo nito. Naiiyak ako dahil sa pagod at mas lalo sa kaba. Paano kapag hindi kami umabot?

It means---hindi na akin si kamahalan ko at hawak na siya ng iba. Ang sakit sa heart 'yan at ang hirap isipin.

"Me too, Ate!" May sasabihin pa sana ito nang tumunog ang phone niya. Agad niya ito sinagot. Nagmamadali pa siya---ibig sabihin that call is important.

"What!" Sigaw nito at napatigil sa pagtakbo kaya ako na nasa may likuran nito ay nabunggo ko siya. Bakit ba bigla na lang itong titigil. Sabi niya kapag tumigil kami---hindi na kami aabot sa kasal.
"Don't you fucking joke me around! I tell you!"

Halata sa boses nito na galit talaga siya. Even her face reaction is angry. Kulang na lang ay pumatay na ito.

"I don't believe you! I'll take a look! Just shut up!" Galit na sigaw niya sa kausap at pinatay na iyo ng tawag. Tumingin ito sa akin, the way she looks at me? Parang may kakaiba. Guilt and hurt at the same time. "Aabot tayo!" Nagulat ako sa sigaw niya.

"What's with that call at bakit ganyan ka nalang  kagalit?" Nagtatakang tanong ko at huminga nang malalim para kahit papaano ay makapahinga ako.

"The wedding started," natulala ako sa sinabi niya. Anong nagsimula? Eh, anong oras pa lang. Tinignan ko ang relo ko and I was right twenty minutes pa bago ang kasal. So, I have the time. Tapos, sasabihin niyang nag umpisa na ang kasal. That's bullshit!

"Huwag mo akong binibiro, Lira." Umiiling na saad ko at bumitaw sa pagkakahawak ko sa kamay nito.

"I'm not, Ate Pamela. I'm sorry," yumuyukong hingi nito ng tawad na hindi ko matanggap dahil wala naman itong kasalanan. She's helping me now.

"Don't be sorry, Lira. Aabot pa tayo," malakas ang loob kong sabi dito at hinawakan na naman ang dalawa nitong kamay. "Which way to go?" Tanong ko at tumingin tingin sa paligid. Ang daming likuan.

"That way," turo niya sa kaliwang bahagi.

"Then, what are we waiting for? Aabot pa ako and I will stop the wedding. Ako ang pakakasalan niya at hindi ang ibang babae." At bago pa ito makasagot ay nahila ko na siya sa kanyang kamay at nag umpisa na namang tumakbo. Kung kanina ay mabilis na ang takbo namin. Ngayon, mas binilisan ko pa. Buti na lang ay nakarubber shoes ako kaya hindi ako nahihirapan. Same as Lira.

My heart is pounding very fast. Sa kaisipan pa lang na nag umpisa na ang seremonya ng kasal nito at hinayaan niya lang na magpakasal siya sa iba ay kakaibang sakit na ang nararamdaman ko. Tila dinudurog nang pinong pino ang puso ko.
Hindi ko na naisip pa ang pagod o pagsakit ng buo kong katawan, ang importante sa akin ngayon ay ang makaabot para pigilan ang kasal. Ako ang mahal niya at wala ng iba.

My Destined Love [FOUR SISTERS SERIES II]Where stories live. Discover now