My Destined XXII

4.4K 296 33
                                    

Sorry mga bibilabs sa matagal na walang update. Just aomething cme up again. Hirap kapag hindi mo talaga hawak ang oras mo.

But--- the good news is... I will be having an update since today. Sana maenjoy niyo po.

And thank you for waiting mga bibilabs😘😘😔

Join me on my fb group (Bhebhe Love's Fam)
Tiktok😁😁 baka gusto niyo lang ako ifollow😁😁
(Mizzyrhonne)
Insta: MizzyRhonne
Fb account?: you will know kapag nasa loob na po kayo ng fb group ko😊😘😘😘

Enjoy reading mga bibilabs😘😘😘

Aiden

NAKAHIGA ako sa sofa at nanonood ng tv. I don't have any plans for now. Mas gusto ko munang magpahinga para masulit ko naman ang paggaan nang pakiramdam ko dahil sa pag uusap namin ng aking mga magulang.

I was busy watching when my phone began to ring. Wala sana akong balak sagutin ito pero makulit ang tumatawag. 

"Kagagaling mo lang dito and your calling me. Tsk!" Inis na sambit ko sa pag aakalang si Keanne ang tumatawag. Inabot ko lang kasi ang phone ko sa lamesa at sinagot na ito kahit hindi ko pa nakikita kung sino ang tumatawag. Wala naman kasing ibang tatawag sa ganitong oras. Lalo na kung nandito din ito sa Manila.

"May hindi ka pa ba sinasabi Keanne at tumawag ka pa talaga?" iritadong tanong ko dito. Pero napakunot ang noo ko sa sumagot.

"CAn I ask you a favor?"

Hindi si Keanne ang tumatawag that'a for sure.

Agad kong tinignan ang screen ng phone ko para makita kung sino ang kausap ko. Pero number lang ito at hindi ito nakasave sa aking contacts. But---her voice is familiar.

"Who's this?" Sa pagkakaalam ko kasi ay walang ibang nakakaalam ng numero ko bukod sa dalawang  tao.

"Ouch naman, kamahalan. Hindi mo na ako kilala?" Nagulat ako. Isa lang ang babaeng tumatawag sa akin ng kamahalan. That's when I remember. Binigay ko pala ang number ko last time.

Napangiti ako at naisip kong pagtripan ito. Hindi naman siguro siya magagalit. I just want to tease her.

"I don't think--- I know you. Where did you get my number, Miss?" Ang lawak na ng ngiti ko. Gusto kong marinig ang reaction niya.

"Huwag ka diyan kamahalan. May amnesia ka na ba at nakalimutan mong ibinigay mo sa akin ang number mo?"

"I don't remember giving my number to someone." Itinaas ko ang aking paa  sa mesa. I am enjoying this. "Who's this? Kung ayaw mong magpakilala. Then fine. I just end this call."

"Wait!" Sigaw nito sa kabilang linya na mas nagpangiti sa akin. "Fine! Fine! Fine! Magpapakilala na ako. Just don't hang up. I just needed your help."

"Galit ka?"

"Hindi, ah!"

"Bakit ka sumisigaw?" Hindi mapatid ang ngiti ko.

"Hindi ako sumisigaw, kamahalan. Ngpapaliwanag lang." Biglang huminahon ang boses nito. "Just badly needed your help.

Bigla naman akong nakonsensiya sa sinabi nito. I am making fun of her but she needed my help.

"Okay, I'm listening."

Narinig ko ang paghinga nito nang malalim bago nagsalita.

"Si PAmela ito. Pamela Macabagbag, 'yong nakadisgrasya sa 'yo sa mall. Ako 'yong nag alaga sa 'yo as your nurse for how many days." Believe na talaga ako sa babaeng ito. Ang akala ko magpapakilala lang pero hindi ko alam na ikukwento nito ang mga nangyari noong nakaraan. "Kilala mo na ako?"

My Destined Love [FOUR SISTERS SERIES II]Where stories live. Discover now