Chapter 35

4.1K 248 26
                                    

-Happy valentines day mga bhebhe loves.
-Here's another uodate. Slow man, atleast nakakagawa pa din kahit papaano.
-Very thankful ako sa mga naghihintay lagi sa uodate ko. Sana hindi kayo magsawang suportahan ako.
-Hope you all enjoy reading this chapter.
---lablab mga bhebhe loves😘😘😘


Pamela

I requested a three day day off dahil sunod sunod na din naman ang mga straight shift ko nitong mga nakaraang araw. Gusto kong bumawi kay kamahalan ko, alam ko na nagtatampo na ito sa akin hindi lang siya nagsasalita. For a week halos tawagan or chat lang ang usapan namin. Yes, sinusundo niya ako lalo na kapag madaling araw na ang uwi ko. Pero, nakakatulugan ko siya pagkasakay na pagkasakay ko pa lang sa sasakyan nito. 

Hindi ko nga alam kung saan niya kinuha ang kotse niya. Simula ng straight ang shift ko. Napansin ko na kotse na lagi ang gamit nito. Madalang na nitong gamitin ang motorsiklo niya. Lalo na kapag sinunusundo niya ako.

I'm on my way to his apartment. Gusto ko siyang yayain for a three day vacation kahit saan niya gusto. Makabawi man lang sa mga pagkukulang ko these past few days.

Tinawagan ko siya. Agad niya naman itong sinagot at halata sa boses nito na nagising lang siya dahil sa tawag ko.

"Nasaan ka kamahalan ko?" Kahit obvious naman kung nasaan siya eh nagtanong pa rin talaga ako. Alam niyo naman ako. I shrugged to my thought.

"Apartment disaster ko." Ang sarap pa lang marinig ang boses nito kapag kagigising niya. Parang gustonkang hilahin sa kama at maahiga kayong dalawa. Parang nag iinit ang pisngi ko sa mga naiisip ko.

"Are you free for a few days?" I asked smiling at itinataboy sa aking isip ang mga senaryo na magkatabi kami sa higaan habang yakap yakap niya ako.

Oh my Pamela. Ang laswa na ng utak mo! Bigla na lang akong napalunok ng marinig ko na naman ang boses nito.

"It depends disaster ko." Bigla akong nalungkot sa isinagit niya. Paano na lang kapag madami pala siyang lakad? Eh di pahiya ang weekend escapades namin. Hay naku! Hindi na naman ako nag isio bago lumarga 

"Bakit naman depende kamahalan ko?" Mahihimigan sa boses ko ang panghihinayang. "MAy lakad ka ba na hindi mo alam? Or mga meetings na aattendan?"

Agad naman itong sumagot.

"Hindi naman sa ganoon disaster ko. Bigla biglaan na lang kasi ang mga meeting ko nitong nakaraan mga araw na wala sa mga schedules ko. Hindi ko alam kay Stephen. Pwede ko siyang kausapin. Why ask disaster ko?" Naririnig ko sa kabilang linya na bumabangon ito at naglakad sa kung saan. Tila nacurious na ito sa mga tanong ko.

Nag alangan tuloy ako kung yayayain ko pa ba siya o hindi na. Paano kung yayain ko siya tapos biglaang may meeting pala siya? Eh di pahiya naman ako. Tapos nasa bakasyon kami at may biglaang meeting, eh, di, mapapauwi kami kg wala sa oras?

Napakamot na lang ako sa aking noo. Nagdadalawang isip na talaga ako kung yayayain ko pa ba siya.

Pero, mas nanaig naman ang kagustuhan kong makasama siya at makabawi.

"Wanna come with me?" kagat kagat ko ang aking pang ibabang labi habang nakacross finger ang aking daliri. Nagdadasal na sana ay pumayag ito na sumama sa akin.

"Where to disaster ko?" Ang bilis sumagot ng kamahalan ko. Parang excited.

Natauhan ako sa itinanong niya. Saan ngaa baa kami pupunta?

Napakamot ako sa aking batok. Bakit hindi ko yon naisip? Basta nangyaya na lang ako ng wala kaming deatinasyon. Susmiyo ka Pamela! Bilib na talaga ako sa sarili ko. Surprise lahat pero kulang sa detalye.

My Destined Love [FOUR SISTERS SERIES II]Kde žijí příběhy. Začni objevovat