Chapter 55

3.5K 254 55
                                    

Ewan ko ba kung bakit nag eenjoy ako sa nakikita ko. Halata sa mukha nito ang galit. Sobrang sama ng tingin niya kay Tristan.

"What will you gonna do, Aiden?" I murmured.

Mas kumapit pa ako sa kamay ni Tristan habang nakangiti. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni Caine pero nginitian ko lang siya.

"He's a friend, Caine. Don't worry," I assured him kasi sa tingin nito ay parang kakaliskisan niya din  ng buhay si Tristan, kawawa naman siya. Pakana ko pero parang siya ang madedehado.

"Make sure, he's only a friend. Kasi parang may nakikita akong world war." Sambit nito sabay tingin din kay Aiden pabalik kay Tristan.

Natawa ako, "I know he won't dare, Caine. Ayaw niyang mabahiran ang reputasyon niya. He's a married man now. I'm sure, he'll do what's right."

"Are you sure about that? Kasi sa nakikita ko parang any minute now may sasabog na bulkan bigla. At kawawa ang hawak hawak mo." Natatwang sabi pa nito sabay tapik sa balikat ni Tristan na nangingiti din lang. He knows what he was doing. "Ingat pare, baka hindi ka na makalabas ng buhay."

"Caine!" Natatawang saway ko dahil parang namutla si Tristan. "Huwag kang makinig sa kanya. He's only joking. Huwag mo seryosohin."

"Para kasing nararamdaman ko din iyon, Pamela. See that?" Tanong niya at kulang na lang ay ituro niya si Aiden. Tawang tawa naman si Caine sa tabi namin.

"Wala pa nga tayong ginagawa. Suko ka na agad? Akala ko ba game ka?" Inismiran ko siya na ikinakamot nito ng batok.

"Parang binabawi ko na ata, Pamela. Wala pa nga tayong ginagawa pero kung makatingin na sa akin parang paulit ulit niya na akong sinasaksak sa dibdib. May girlfriend pa akong naghihintay." Bulong nito sa tenga ko. Hindi ko talaga mapigilan ang aking tawa, maski si Caine.

" Know the consequences of your action, Pamela. You're old enough, so, alam ko na alam mo din ang ginagawa mo. Maybe, he needs a lesson too. Suportahan kita, back up lang ako. Pero kapag nabugbog na yang kasama mo---I won't join. Manonood lang ako." Wika ni Caine at kumindat pa sa amin. Okay na sana sa suportahan, eh. Kaso---legwak pala sa huli.

"See, Tristan? Ang suportive ng bayaw ko, noh? Talagang gusto ka niyang mabugbog in time. Pero, huwag ka mag alala---sagot kita. Labas ang tapang, Tristan. Halos tumalon ka nga noon sa rooftop, ang tapang mo that time. Ngayon mo ilabas. Help me with this. After nito---I'll treat you and your girlfriend a tour in any country you want. Just name it. Kaya tulungan mo na ako ngayon, pambawi lang bago ako lumimot. " Saad ko para kumbinsihin siya. Kasi parang nababahag na bigla ang buntot niya.

He sighed and breathe.

" Okay, okay, you're my saviour that time kaya ako naman ang magsasave sa'yo ngayon. Iilag na lang ako kung saka-sakali. "

Ngumiti ako at tuningin kay Caine na busy na sa pakikipag usap sa mga kasamahan namin. Kami naman ni Tristan ay naglakad na palapit sa kanila. Habang nakahawak ako sa braso nito ay inihanda ko na ang pinakamatamis kong ngiti.

I'll serve you right, Aiden. Kahit ngayon lang---I'll make you feel what I feel in this past few years. Kahit konting sakit lang kumpara sa mga sakit na nararamdaman ko until now.

Alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang magalit sa kanya. Kahit anong gawin ko ay hindi ko kaya. Tinuruan kami ng mga magulang namin na huwag magtanim ng galit sa kung sinuman kahit na nakasakit pa sa amin. Instead, patawarin daw namin sila dahil hindi namin alam ang pinagdadaanan nila. Every person ha their pain. My parents are right. But before that---gusto ko lang malaman kung may epekto pa ba ako o wala na sa buhay niya.

"Will it change a thing, Pamela? " Tanong ng aking isip. May magbabago nga ba kung sakali? Hindi ko masagot ang sarili kong tanong.

Napabalik ako sa aking huwisyo ng bumulong si Tristan.

My Destined Love [FOUR SISTERS SERIES II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon