Chapter 33

4.7K 235 27
                                    

-Hi mga bhebhe loves out there😘
-Sorry sa slow update ha, busy talaga ang author niyo. Pero ginagawan ko naman ng paraan para makasulat. Hindi daily pero nakakapag update ako kahit papaano. It's better slow than never. Ika nga. Siyempre hindi ko kayo matiis.
-Sana maenjoy niyo ang chapter na ito.

-Lovelots,
Author Mizzyrhonne

Pamela

"Yes, My Kamahalan? Namiss mo agad ako?" Kinikilig na turan ko pagkasagot ko sa aking telepono.

"Of course, My Disaster. Sino pa ba ang hindi makakamiss sa 'yo. I wish, I am that close to you right now. Kung hindi---nayapos ko na ng mahigpit na yakap ang Disaster ko." Napakagat labi ako para pigilan ang kilig na mag uumapaw sa aking sistema.

"Ene bey, my Kamahalan." Iniipit ko pa ang takas kong buhok sa aking tainga. "I think my heart will explode any moment now, My Kamahalan. Sobrang kinikilig ako."

"I am happy to know that, My Disaster." Halatang masaya nga ito sa kabilang linya. I can't see him but his words made me feel it.

"Kanina ka pa daw tumatawag, My Kamahalan? Bakit? May nakalimutan ka bang sabihin?" Tanong ko ng maalala ko na tumawag ulit ito.

"Is Lira with you?" Malambing nitong tanong sa akin.

Napatingin muna ako kay Lira na nakatingin din pala sa akin na para bang naghihintay.

"Yes, she's with me, My Kamahalan. Any problem with that?" Nakataas ang kilay na tanong ko.

"Wala naman, My disaster. Can I just talk to her for a minute?" Mas tumaas ang kilay ko.

"Why don't you call her? May phone naman siya?"

"She's ignoring my call, My Disaster. I've been calling her so many times. Pinapatay niya lang ang tawag." So, siya pala ang tumatawag dito kanina. Now I know why kung bakit ayaw niyang sagutin.

"She's enjoying her food kaya hindi niya sinasagot." I lied.

Nakita ko kasi ang pagsenyas ni Lira sa gawi ko.

"Can I talk to her for a bit?" Tanong nito.

I handed the phone to Lira. Parang ayaw pa nitong tanggapin, tinanguan ko siya kaya wala na itong nagawa pa. She can't just ignore her Kuya.

Hindi ko naririnig ang sinasabi ni Kamahalan, but based on her facial reaction. Pjnapagalitan ata siya.

"But Kuya---" nagmamaktol na saad nito tapos nakikinig lang sa kabilang linya. "I am not distracting her. I'm willing to wait for her till her shift ends Kuya."

Mas sumama ang mukha nito na para bang hindi nito nagustuhan ang sinabi ng nasa kabilang linya.

"Why are you making it a big deal kuya? You didn't tell me where she is, but I found her. Just spare this day. I wanna be with my future sister in law Kuya." Napapanguso pa ito habang nagpapaliwanag at the same time ay nakikinig sa kabilang linya.

"She promised me that we will eat balot after her shift, Kuya. That means she choose me not you." Nangiti ako ng biglang nagliwanag ang mukha nito at handa na atang  mang asar. She's smirking.

Nakikinig siya and the suddenly tumingin ito sa akin at biglang inabot ang phone ko.

" Kuya wants to talk to you. I think he's jealous of me because you choose me over him. " Sayang saya pa itong nagsasabi habang ako naman ay naiiling.

Kinuha ko ang phone at itinapat ito sa aking tainga.

"Yes, My Kamagalan?" Ang sweet pa ng pagkakasabi ko. I didn't expect what will I heard from him.

My Destined Love [FOUR SISTERS SERIES II]Where stories live. Discover now