Chapter 54

3.1K 279 40
                                    

PAMELA

Last photo shoot namin and I don't have any idea kung saan. Buti na lang ay dininig ng Diyos ang panalangin ko na huwag na kaming magkita ni kamahalan. Mag iisang buwan na kami dito and all our photo shoot is successful. Buti na lang ay magagaling din ang mga kasamahan ko kaya kahit papaano ay hindi kami nahirapan. Pero, I was wondering bakit sa akin lang ang naiiba?

Sexy dresses sa kanila tapos ako---for wedding themes. Kakaiba noh? I have photo shoots naman with dresses but not like them na revealing. Ewan ko ba kung sobrang conservative ang theme ng sa akin dahil kulang na lang ay magtalukbong nalang ako ng kumot. Pero---I must say na ang gaganda pa din ng mga kuha ko even if less skins ko lang ang nakikita. They are all perfect and magandang tignan. Nakakaakit in a way na wala kang nakikita maliban sa mapang akit kong mga mata at labi.

Buti nalang ay ipinanganak akong maganda. Thanks to Inang at Tatang. Hindi naman din kasi hahamakin ang kakisigan at kagandahan ng mga magulang ko. Kaya alam kong nagmana ako sa kanila ng kagandahan. Lahat kaming magkakapatid.

"Okay, guys! Magready na kayo and were leaving in ten minutes. At alam niyo naman siguro na this is our last day at sa isang araw ay babalik na tayo sa Pilipinas for Pamela's last photo shoot. Kahit siya na lang dahil tapos naman na ang lahat. You can come to watch." Napamata ako.

After nito? Meron pa? Aba! Ang gara naman. Hindi matapos tapos na photo shoot.

" Siguro naman malaki ang kita ko dito dahil parang ako ang pinahirapan mong Caine ka? " Saad ko. " Mahigit isang buwan na photo shoot at wala akong trabaho sa hospital. Aba! Siguraduhin mong sasaya ako dito. Dahil kapag hindi---" Inirapan ko siya. "Hindi ka na makakaulit. Hmmp! Masyado ka ng abusado, huh? Porke't pamilya kita, akala mo ah."

"Don't worry, it will totally benefit you at the end. Okay?" Imbes na tumango sa sinabi nito ay inirapan ko na lang siya.

"Tara na nga," aya ko na lang at nagpatiuna nang maglakad palabas ng hotel. Naka make up naman na ako at magpapalit nalang ng damit sa venue ang gagawin ko.

"And oh by the way, may party tayong pupuntahan bukas ng gabi. It's a thanks giving party for all of us. Sagot lahat ng kliyente natin and you can shop your dresses too. We'll go there tomorrow to find what to wear." Anunsiyo ni Caine na ikinasaya ng lahat. Except me, pf course. Hindi naman ako mahilig sa mga ganyang party. "And no exemptions. Lahat pupunta as our clients request." Habang sinasabi niya ito ay nakatingin talaga ito sa akin. Maski ang mga kasamahan ko.

Naparoll eyes na lang ako sa kanila at wala ng nagawa kung hindi ang tumango bago sila iniwanan sa hallway. Nauna na akong pumunta ng sasakyan. Kahit kailan talaga---sinigurado ng lalakeng ito ang pagpunta ko. Hay naku! Kung hindi lang siya asawa ni Isabela. Kanina ko pa tinapon sa pacific ocean ang lalakeng iyon.

Ilang minuto lang ang lumipas bago kami makarating sa lugar. Awtomatiko akong napabalik sa sasakyan sa nakikita ko. How did this happen? Bakit dito pa? Bakit sa simbahan pa na ito? Nananadya ba ang tadhana? Bakit tila gustong gusto nitong ipaalala sa akin ang lahat?

Senyales na ba na kailangan ko ng huminto sa paghihintay at mamuhay ng wala siya?

This church reminds me of the pain I've gone through this years at hanggang ngayon. Seeing this place makes me more sad at gustong umiyak ng puso ko.

"Pam, nasa tent na ang susuutin mo. Magbihis ka na daw sabi ni Manager. Magsisimula na daw tayo." Wika ni Angel sa akin at may kinuha lang sa sasakyan. Hindi din ito nagtagal at umalis din. Nakatulala akong nakatingin sa harap ng simbahan.

Naalala ko kung paano kami tumakbo papunta dito mula sa kalyeng iyon hanggang sa tuluyan kaming makapasok. And that scene---is the most painful scene that my heart can't forget. Nakikinita ko pa din sa isip ko ang paglalagay nito ng singsing sa kamay ng babae.

My Destined Love [FOUR SISTERS SERIES II]Where stories live. Discover now