CHAPTER 12

1K 59 7
                                    

**Kris POV**

Monday na ngayon at pasukan na ulit at nandito ako sa kwarto ngayon at nag bibihis ng uniform at nasa kusina naman si hilaw at sya ang nagluluto ng aming breakfast

Napahawak naman ako sa aking puwet at kumikirot parin ito pati kasi linggo pinatos nya pa at iisa pa sana sya kagabi kung hindi ko pa sinipa sa ano nya pero nilambing ko naman pagkatapos dahil alam kung masakit talaga masipa

Tumingin naman ako sa salamin at ready na ako, kinuha ko na ang back pack ko at lumabas ng kwarto at nilapag ko muna ang bag ko sa sofa at naglakad papunta sa kusina at napangiti naman ako na nakaready na ang mga pagkain at tinatanggal na ni hilaw ang kanyamg apron at naka uniform narin ito

"Hi!" Masigla kung bati dito at ngumiti naman ito at lumapit sa akin at binigyan ako ng halik sa labi

"Busog na ako" luko nitong sabi at pinalo ko naman ito ng mahina

"Baliw! Tara kain na" umupo na ako sa lamesa at umupo naman sya sa tapat ko at nagsimula na kaming kumain

"Ok ka na ba?" Napatingin naman ako dito at tumango

"Ok narin naman" ngumiti naman ito at nagkagat labi pa "wag kang ano jan, sa next year ulit ang sunod" biro ko dito at ngumuso naman ito at padabog na kumain

"Ugh! Ang sama mo!" Natawa naman ako dito at kumain na ulit kami ng tahimik

Ilang minuto pa ay natapos rin kami at naglalakad na kami papunta sa building namin at magka intertwined pa ang aming mga kamay at hinahalikan nya pa yon at natatawa naman ako kasi hindi man lang sya nahihiya sa mga tumitingin sa amin, iba talaga nagagawa ng pagmamahal

Katulad ng dati ay sinamahan parin ako nito sa tapat ng classroom ko kahit magkatabi lang naman ang room namin

"Sabay tayo recess mamaya" tumango naman ako dito at humalik na sa pisnge nya

"Bye hilaw" kumaway naman ito sa akin at pumasok na ako sa loob at nandito narin mga kaklase ko kasi 7:10 narin at 5 minutes nalang magsisimula na ang klase at pati yong mga asungot nandito narin.. Naglakad na ako papunta sa likod at kumaway naman ako kila Creed at ganon rin sila at umupo na ako sa tabi ni Aaron "Good Morning" masaya kung bati dito at tiningnan naman ako nito ng masinsinan at nagtataka naman ako "bakit??" Napailing naman ito at tiningan pa ako mula ulo hanggang paa

"Parang may kakaiba sayo?" Napangiti naman ako dito

"Ahh itong buhok ko?" Tanong ko pa dito "naisip ko kasing pagupitan na at gawing korean style para naman hindi ako ang naiiba at para rin hindi ako habulin ng lalaki" makapal kung sabi dito peri seryoso parin itong nakatingin sa akin

"Hindi yon" wika nito

"Ehh ano?"

"Bakit parang nag-iba ang lakad mo ngayon, parang nahihirapan ka?" nagulat naman ako sa sinabi nito "at wag kang umangal kilala kita" habol pa nito at nahihiya naman akong ngumiti dito "don't tell me-"

"Na ano lang ako, ng, na laglag sa hagdan--"

"Walang hagdan sa tinutuluyan mo ngayon"

"Pano mo naman nalaman? Hindi ka pa naman nakakapunta doon" niliitan naman ako nito mg mata

"Pupunta kami doon mamaya" humarap na ito sa unahan dahil pumasok na si Sir

"Hindi pwede, it is for the daughter--"

"Son" pag correct nito at tinrayan ko naman ito

"It is for the SON of the owner" sabi ko dito "kaya hindi kayo pwede-"

"Bakit si Galaxy?" Tanong pa nito

"Eh boyfriend ko sya eh" nakangiti kung wika dito

"Sus! Pangiti-ngiti na ang may boyfriend" nagkibit balikat naman ako at natatawa

✔️Androgynous Return (gayxstraight)Where stories live. Discover now