Chapter 27

494 30 3
                                    

**Kris POV**

"Kris Sandoval?"

"Kris Sandoval?" tanong ulit nito at agad akong hinila kahit hindi pa ako sumasagot at nagulat ang lahat lalo na mga kaibigan ko

"b-bakit!? No bitawan nyo ako, ano ba!!" sigaw ko dito at dalawa na ang humawak sa braso ko at agad na lumapit sa amin si Creed at Franco at sinuntok ang dalawang may hawak sa akin at inalalayan akong makatayo ni ash ng matumba ako

Nakarinig naman ako ng sunod sunod na suntok at pagkatingin ko ay nakatumba na si creed at franco at may dugo ang mga labi

"mga p*tangina nyo!!" galit kung sigaw sa kanila at sinuntok ang isa sa kanila "ano bang kailangan nyo--aaaahhh!"

"Kris!!"

Rinig ko ang sabay sabay na pagtawag sa pangalan ko ng sikmuraan ako ng lalaki at parang mahihimatay ako sa sakit at hinawakan ulit ako ng dalawa sa braso ko at hindi ko narin alam kung saan napunta ang sobreng hawak ko kanina

"SIGE SUBUKAN NYONG MAGLABAN, KUNDI MAY DUGONG AAGOS DITOO!! nagsidapa ang mga kaklase ko ng magsilabasan ng baril ang mga lalaki" "WALANG SUSUNOD!!"

"Kris"

"tara na pre"

"NOOO!!" napatingin ako kay Aaron at bigla itong lunaoit sa amin at sinuntok ang may hawak sa akin "AAHHH"

"AAROON!" nagpapadyak ako ng paluin ng baril si aaron sa ulo at kita ko ang dugo nito sa ulo ng matumba "MGA Y*WAAA KAYOOOO"

Lahat ng mga kaklase ko ay kita ko ang takot at galit naman sa mga kaibigan ko na may mga nakatutok na baril sa kanila

Nakalabas na kami at napatingin ako sa glass window sa classroom nila hilaw at busy ito sa pakikinig sa guro at t*ngina ngayon ko lang napatunayan kung gaano ka sound proff ang bawat classroom dito..

Napatingin ang dalawang lalaki sa mga kasamahan nya na kakalabas palang at doon ako naka kuha ng tyempo, agad akong kumalas dito at pumunta sa glass window at pinaghahampas ito ng malakas

"hilaw" mahina kung bigkas at nakuha ko naman lahat ng attention nila at napatingin sila lalat sa window at mga nagtataka

'yes!'

"sh*t!" Rinig kung mura ng lalaki at nakita kung lumapit si sir albert at bigla may humila sa akin at sinampal ako ng malakas dahilan ng pagkatumba ko, kinabahan ako dahil may nakatutok na na baril sa pinto at pagkabukas ng pinto ay gulat na gulat si Sir Albert sa sumalubong sa kanya at may humawak ulit sa dalawa kung braso at pinilit akong patayuin

"s-sino kayo? Paano kayo nakapasok dito!?" Matapang na wika ni sir kahit nakikita ko ang takot sa mga mata nito at nabaling ang tingin nito sa akin "Kris!!" malakas nitong pagtawag at doon biglang may tumakbo na lalaki at halos bumalik ang sigla ko ng makita si hilaw at pinalitan rin ng kaba ng walang sabi sabing sinugod nya ang dalawang lalaking may hawak sa akin

"KRISS OK KA LANG!? T*ANGINA ANONG NANGYAYA--"

"HILAWWW!" sigaw ko ng hilahin ito bigla at pinagsusuntok ng lalaki. "TAMA NA! ANO BAA!! PUTA KA TIGILAN MOO!!" tinulak ko sa gilid ang lalaki at agad na nilapitan si Hilaw "Galaxy" mahina kung pagtawag at agad na niyakap ito

"w-wag ka aalis sa t-tabi ko--NOOO!" sigaw nito ng pinipilit akong kunin ng lalaki pero mahigpit ang pagkakayakap namin dalawa

"HINDI, AYAW KO! DITO LANG AKO!!" sigaw ko sa kanila "natatakot ako hilaw" mahina kung bigkas at alam kong rinig nya yon dahil magkayakap parin kami

"hindi ka nila makukuha sakin" matapang nitong wika

"kunin nyo na!! Isang oras lang ang inutos sa atin!!" rinig naming wika nila

"saktan nyo na!" mas lalo kung hinigpitan ang pagkakayakp kay hilaw ng sabihin nilang sasaktan nila kami at t*ngina ang dami nila at may mga baril pa kahit sila sir hindi kami matulungan at kita ko sa mga mata ng mga kaklase ni hilaw ang takot at awa sa amin

'oh God help us'

"AAAAHHH" napapasigaw ulit ako ng hinihila na naman ako "ANO BANG GUSTO NYOO!! KUNG PERA T*NGINA IBIBIGAY KO LAHAT!!" inis kung sigaw sa kanila at napatayo na kami no hilaw

"matigas!"

"please tama na, kung pera nga magbibigay rin ako" pakiusap rin ni hilaw dito "please wag nyo sya sasakta--AHHH!"

"AAAHHHHUHUHU"

"edi ikaw na lang, madali naman akong kausap HAAHAHAHAH"

Nagtaka ako ng dahan dahang bumababa si hilaw sa pagkakayakap sa akin at tumingin ako dito at nakahawak na ito sa binti nya at doon ko nakitang may tama ito

"P*TANGINAAA KAYOO!!" naiiyak kung sigaw sa kanila "ano bang gusto nyo!? Mga hayop kayo!!" lumuhod ako at nanginginig na hinawakan si hilaw at mabilis ang paghinga nito "H-hilaw" napatabon ako sa bibig at napayukong umiyak

"o-okay lang ako kris" mahina nitong wika.. May tama ng baril si hilaw sa binti at hindi ko ito narinig dahil silencer ang gamit nilang baril

"sumama ka na kasi para wala ng masasaktan" nagulat ako ng itutok na naman nya ang baril kay hilaw

"TAMA NAAAA!" naiiyak kung wika at tumingin ulit kay hilaw at umiling naman ito at nanginginig na hinawakan ang kamay ko

"ok lang ako, wag kang s-sasama" nakita ko ang pagtulo ng luha sa mata nya at kita ko ang galit na galit nitong mga mata dahil wala itong magawa sa situation ngayon.. Hinawakan ko ang dalawang pisnge nito at pumikit ito

"mahal na mahal kita" mahina kung wika at umiling iling ito

"wag, please, wag mo kung iwan, h-hindi ko kaya"

"hindi ko h-hahayaan na may mangyari sayong masama" hindi ito tumitigil sa pag-iling at pumikit pa ito at tinabunan ang mukha para hindi ko makita ang pag-iyak nito "sinabi ko naman sayong, gagawin ko ang lahat wag ka lang masaktan"

"nangako akong hindi ka pababayaan, pero t*ngina wala akong magawa!!" napaluha ako sa sinabi nito "dahil dito sa gagong tama na ito, gago, gago!!" nagulat ako ng pinagsusuntok nya ang binti nya

"w-wag!! please hilaw" kinuha ko ang kamay nitong puno ng dugo at parehas kaming nanginginig ang mga kamay "hilaw may pinaghahawakan ako ngayon" tumingin ito sa mga mata ko at puno ng galit, inis, awa ang mga mata nito "pinaghahawakan ko ang pamilya ko, kaibigan at lalo na ang pinakamamahal ko, at naniniwala akong mahahanap mo ako" niyakap ko ito bigla at humagolgol dito

"tsk! Kunin nyo na nga yan, tumatagal na tayo eh"

"si Michael" panimula ko "ito ata ang balak nya" nagpahila na ako sa mga lalaki at sa huling pagkakataon tumingin ako kay hilaw na nakatulala at nakakuyom ang mga kamay "hihintayin kita" wika sa tono na maririnig nya

"Krisss!!"

"si Gakaxy"

Sunod sunod na nagsilabasan ang mga kaklase ko at ganoon rin si sir Albert na tinulungna si hilaw

Pinasok nila ako sa ban na nakaparada sa labas ng building namin at napatingin ako kay kuya alen ang guard namin sa dorm gate at naalala ko pa yong time na binibigyan namin sya ng meryenda, napaluha akong tumingin dito at yumuko lang ito at t*angina kasama sya

nilagyan narin ako ng puting tali sa mata at hindi ko na alam kung anong nangyayari pero ramdam kung umaandar na kami

"pre, may parak!!"

"barilin nyo!"

"t*ngina tumawag pa ng mga parak mga tarantadong mga bata na yon!!"

"PATAYIN NYO MGA PUTA!!"

"ahh" napayuko ako ng sunod sunod ang putukan na naririnig ko

"mas magandang matulog ka na lang muna" naramdaman kung may dumampi sa labi ko at nawalan na ako ng malay

____________

✔️Androgynous Return (gayxstraight)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz