CHAPTER 30

473 35 8
                                    

***Galaxy's POV***

"Hello sir? Hmm, ok thank you, please inform us if you find something" pinatay ko na ang tawag at lumapit ulit sa lamesa kung saan naroon ang mga kaibigan ko

"Where's creed?" Napatingin ako kay aaron

"Sabi nya may bibilhin lang daw sya" wika naman ni marco at busy na ulit sila

Mag t-two weeks na simula ng mawala si kris at hanggang ngayon walang tumatawag sa amin para humingi ng pera kung kidnap in ransom man ito, pero wala parin kahit isa

Sabay sabay kaming napatingin sa pinto ng bumakas ito at si franco ito kasama si Nick at may dalang mga plastik

"Ito kumain muna tayo" nilapag nito lahat ng binili nila sa kabilang lamesa "bumili na lamang kami ni nick dahil busy tayo lahat at wala ng pagkakataong magluto" nagsing-ayon kami dito

At mula ng mawala si kris ay pinauwi muna nila tita ang mga katulong dito sa bahay nila kris para sa privacy at dahil busy kaming lahat wala na sa aming nakakaalala minsan na kumain... Ganoon ka importante sa amin si kris

Napangiti ako ng mapait ng may tumulong luha sa kanang mata ko at pinahid ko agad ito at bumuntong hininga

'kaya ko ito'

Lumapit na ako sa kabilang lamesa dahil kailangan kong mag palakas para mahanap na si kris at kailangan ko ring ipaknpita na malakas ako para hindi ring matulad sa akin ang iba na nag hihina ang loob...naalala ko na naman ang huling salita ni kris sa akin

'hihintayin kita'

My lips start trembling ng maalala ko ang mukha nitong nakangiti at umaasang makikita ko sya and I will definitely gonna find him kahit na hanggang kamatayan pa ito

'hintayin mo ako kris'

Sabay sabay na kaming kumain lahat at minsan may bumabasag ng katahimikan namin at maya maya ay parang dumaan na naman ang anghel sa katahimikan naming lahat

"Lalabas muna ako" napatingin naman silang lahat sa akin

"Galaxy, alam mo namang delikad--"

"I know Nick and Aaron" ngumiti ako sa kanila "gusto ko lang sanang mag libot at mag-isip isip-- don't worry maaga pa naman sa labas at hindi rin ako lalayo masyado" pagpapaliwanag ko

"Pero--"

"Let him" pagputol ni marco dito at ngumiti "I know he can take care of hes self" napabuntong hininga naman dito si aaron at ngumiti naman ako dito... I want to rest for a while and also thinking of coming back to harriam, just in case I find something

Kinuha ko lang ang cellphone ko at wallet at lumabas na rin at narinig ko pa ang pagpapa-alala nila sa akin at hindi ko rin hahayaan na may mangyari sa akin dahil kailangan pa ako ni kris, gusto ko lang maramdaman sya ulit kasi I really miss him

Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar na ito palabas sa village nila kris at papuntang harriam at dalawang oras lang rin ay nakarating narin ako at pinagbuksan rin ako ng guard na pansin kung bago na at wala na yong dating guard...pinarada ko na ang sasakyan ko at naglakad papaunta sa bahay namin dalawa ni kris

Minuto lang rin ay nakarating na ako sa bahay at hindi ko na napigilan ang sarili ko na maluha...kinuha ko ang susi ko at nanginginig na binuksan ang pinto at pagkabukas ay madilim at tahimik na living room ang bumungad sa akin

Napapikit ako ng maalala lahat ng moment namin ni kris dito, bawat habulan namin at paghahalikan...napasandal ako sa pinto at dahang dahan napaupo sa lapag

"Aaaahhh!!!" Malakas kung binato ang susi "b-bakit!? Bakit kailangang mangyari ito!??" Tanong ko sa sarili ko at tumayo ulit ako "b-buong buhay ko p-puro bulakbol ang g-gingawa ko" wika ko "b-babaero pa" binuksan ko ang pinto sa kwarto namin "p-pero napaka bait parin ng t-tadhana at pinagkaluoban nya ako ng i-isang taong magmamahal sa akin, minahal ako s-sa ugaling ayaw ng iba sa akin" umupo ako sa kama at hinaplos ito "pero bakit? B-bakit hinayaan mong mangyari ito? B-bakit yong mahal ko pa? Bakit kami pa?? Kala ko ba sang-ayon ka tadhana para sa amin ni kris, pero bakit ganito na?" Sunod sunod na tanong ko sa sarili ko

✔️Androgynous Return (gayxstraight)Where stories live. Discover now