CHAPTER 43

425 29 3
                                    

**Kris POV**

Pagod na pagod akong tinakbo pabalik kung nasaan ako kanina dahil sa mga naririnig kung sigawan at agad rin sumiksik ng makarating ako..nagulat ako ng nakatutok sa ulo ni creed ang baril

"NO CREED--"

Bang!!"

Napatigil ako sa pagsigaw ng binaril na nito ang sarili nya at nakatulala lang akong nakatingin sa bumagsak na si creed at napaiyak ng marinig ko ang lahat ng daing ni michael na walang tigil na umiiyak sa harap ni creed..napaluhod naman ako at napatabon sa mukha ko

'sorry'

"Sorry kasi hindi ko kayang ibalik yong nararamdaman mo" mahina kung wika "sorry kasi iisa lang ang puso natin at pinipili kung sino ang mamahalin natin"

"Kris" nanginginig ang labi ko na tumingin sa tumawag sa akin at sila aaron ito kaya agad akong tumayo at mahigpit na niyakap si aaron

"Aaron si c-creed" wika ko "sorry"

"Shhh wag mong sisihin ang sarili mo dahil lang sa minahal ka nya at hindi mo naibalik yong nararadaman ni creed para sayo" bigla itong umiyak "n-nakakalungkot lang na sa dami daming taong pwedeng gumawa nito b-bakit sya pa?" Hindi agad ako nakasagot dito dahil hindi parin matanggap ng buong sistema ko na wala na si creed

"Sir?"

Nababitaw kami at napatingin sa naka hospital gown na lalaki

"B-bakit po?"

"Nakita namin sa lalaking nagpakamatay" kinuha ko ang binigay nitong pink na sobre at napatingin ako sa mga kaibigan ko at binukan ko na ito at sabay naming binasa lahat

Dear, Kris

Matatanggap mo lamang itong sulat na ito kapag namatay na ako, at kung nababasa mo man ito, siguradong I'm in peace.... una sa lahat I want to say na Mahal na mahal kita kris at wala na akong balak na mag mahal pa ng iba, dahil mula ng magkakilala tayo doon ko lang napagtanto kung anong ibig sabihin ng pagmamahal, Nakakatawa man pakinggan pero naniniwala kasi ako sa love at first sight..gusto ko lang malaman mo na ikaw ang pinaghahawakan ko mula noon hanggang ngayon, dahil hindi ako nakakaramdamn ng pagmamahal galing sa pamilya ko na tulad ng sayo, kaya nangako ako sa sarili ko na babalikan kita pero hindi sa paraan na nangyayari ngayon..kasi ang balak ko lang naman palaging nasatabi mo kasi doon nagiging masaya ako at nakakalimutan kung ano bang buhay ang binigay sa akin ng tadhana, pero dahil sa selos hindi ko namamalayan na nagiging kagaya na pala ako ng mga taong ayaw na ayaw kung gayahin, ang pamilya ko...Kris pasabi narin kila aaron, franco at ashton na isa rin sila sa mga taong nagpaparamdam sa akin ng pagkalinga ng kaibigan kahit na umaabot sa pananakit ni franco HAHAHAHA..gustong-gusto kung sabihin sa lahat na hindi totoo lahat ng pinakita ko sainyo, pero tanga na ako kung itatanggi ko pa sa sarili kung napamahal na kayo sa akin..wala akong ibang nais sa buhay ko kundi makaramdam lang ng pagmamahal, pero dahil hindi ako nakuntento, gumawa ako ng paraan para kunin ang lalaking mahal ko na nauwi sa pagkakasira nating lahat...Kris I'm really sorry kasi masyado akong naging obsessed sayo, at nasasaktan akong makitang nasasaktan ka dahil sa mga ginawa ko.. I hope na maging masaya ka, sorry kung may nagawa man akong mali sa iba pa... I will pay it with my own life...Mahal na mahal kita kris

✔️Androgynous Return (gayxstraight)Where stories live. Discover now