CHAPTER 4

1.6K 91 39
                                    

**Kris POV.**

"Good bye Class, see you all tomorrow!" Lumabas ang last namin na guro at nag kanya kanya naman kami ng labas at napangiti naman ako ng nasa labas na naman ng room namin si hilaw at hinihintay ako

"Hi!" Bati nito at kinuha pa nito ang bag ko at napangiti naman ako at hinalikan pa ako nito sa noo

"Thank you, tara na?" tumango naman ito at napa singhal naman ako ng hawakan nya ang kamay ko at pinag intertwined nya yon at ngumiti ito sa akin, kaya napangiti narin ako at naglakad na kami at bigla namang bumukas ang pinto ng classroom nila hilaw at lumabas doon si Marco at ngumiti naman ako dito pero nawala rin yon ng ang sumunod na lumabas ay si Nicka at deritso itong tumingin sa akin at iniwas ko naman ang tingin ko dito at tuloy lang kami sa paglakad ni hilaw

"Kris"

Narinig ko ang mahina nitong pagtawag pero hindi ko na ito nilingon at tuloy tuloy lang kami sa paglalakad hanggang makababa na kami at makalabas na ng building at sabay sabay na kaming anim lumabas as usual pantay pantay na naman na naglakad ang apat at nakapamulsa pa na akala mo talaga F4 at ilang minuto pa ay nakarating narin kami sa mga builidingg ng dorm at tumigil na si hilaw sa building ng pinagtutuluyan nya

"Dito ka rin ba?" Umiling naman ako dito

"Jaan ako sa kabila building, kaming lima" nangunot naman ito

"Kasama mo sila sa dorm?" Tumingin pa ito sa lima na nakatigil at magkakapantay parin, minsan talaga iisipin ko ng may mga sayad sila

"Hahaha oo, kahit naman ng nasa USA pa ako magkakasama kami sa iisang condo, kaya sanay na ako" nakangiti kung sabi dito at hindi parin ito satisfied "hahaha ano ka ba, mababait yang mga yan, wala silang gagawin sa akin, at kapatid lang ang turing nila sa akin, kaya wag ka ng mag selos--"

"Assuming ka jan andro E! Hindi ako nagseselos" tanggi pa nito at natawa naman ako kasi halata naman dahil nakabusangot ang mukha nya

"Hindi daw-"

"Hindi nga!" Sabay pitik nito sa noo ko at napahawak naman ako doon dahil masakit "sorry" paumanhin nito at bigla namang hinila nito ang ulo ko at hinalikan nya ako sa noo ko "ayan magaling na" nakangiti nitong sabi at kinilig naman ako sa ginawa nya

"Baliw ka talaga!" pinalo ko pa ito "sige mauuna na ako" tumango naman ito at kinuha ko na sa kanya ang bag ko at kumaway na dito at naglakad na ako at sumunod naman sa akin ang apat at sabay sabay na kaming pumasok sa loob ng building at sumakay ng elevator papuntang 4rt floor kung nasaan ang dorm namin at pumasok na kami sa loob at dumeritso agad ang apat sa kwarto at hindi man lang nag sibihisan sila bago nagsihiga, magkakasama pa naman kami sa kwarto pero tig-iisa naman kami ng kama at dahil hindi sila nagsibihisan nalalanghap ko ang mabahong pawis nila naka aircon pa naman kami, kaya inis naman akong naglakad paunahan at nag pamaywangan sa kanila

"Magsibihis nga kayo! Ang babaho nyo--"

"Ikaw lang yon" singit pa ni Creed at nag sitawanan lang sila at hindi na ako pinansin, napahilamos naman ako at sana pala nag sarili nalang ako ng dorm at lalo naman akong nainis ng kung saan saan lang nila tinapon ang mga medyas nila at nag senelpon na naman at nag laro ng putik na ML nayan at ayaw ko ng maging katulong uli nila, dahil noong nasa USA pa kami palagi nalang ako ang na-aayos ng mga nakakalat nilang damit at hindi ko na ulit gagawin yon, kaya aalis na ako dito "bahala kayo dito!!" Inis kung bulyaw at hinila na ang dalawa kung maleta

Nandito na lahat ng mga gamit ko at gamit rin nila, pinadala ni kuya kyle ang mga gamit namin kaya naman laking pasalat ko kay kuya

"Ingat!" Rinig ko pang paalala nila kaya naman malakas kung sinara ang pinto ng kwarto at iniwan ko muna ang maleta ko sa sala at lumabas at pupunta akong Prinsipal Office, para kumuha ng isang dorm ng pang-isahan lang

✔️Androgynous Return (gayxstraight)Kde žijí příběhy. Začni objevovat