CHAPTER 38

401 24 0
                                    

*Creed's POV*

12 years before

"Ayaw ko po! Ayaw ko pong sumama" umiiyak kung wika sa mga lalaking kumukuha sa akin

"Make it fast!" Napatingin ako sa babaeng nagsalita at nakawala namn ako sa humahawak sa akin at yakap sa binte nito ng babae

"Nagmamakaawa po ako wag nyo po akong ilayo sa nanay ko" naiiyak kung wika, ngumiti naman ito at hinaplos ang buhok ko

"I'm your real mother" nakangiti nitong wika at natakot naman ako sa kakaibang tingin nito "your nanay is just your yaya before, nagkaroon lang ng problema kaya pinaalagaan kita muna sa kanya" paliwanag pa nito

"G-gusto ko pong magpaalam sa kaibigan ko--"

"No need" mabilis nitong wika at napabitaw na ako dito ng maglakad ito "mula ngayon" lumingon ult ito sa akin "kakalimutan mo na lahat ng mayroon sa lugar na ito, your my kid at hindi ka nababagay sa lugar na ito" napaluha ako sa sinabi nito

"H-hindi" mahina kung wika "magagalit sya, alam kung magagalit sya" pagmamakaawa ko pa dito

"Wag ka ng makulit!" Sigaw nito at nagulat naman ako kaya mas napaiyak ako at bigla naman itong lumapit sa akin at mahigpit akong hinawakan sa braso

"A-aray ko po"

"Walang mahina sa Casper! Walang umiiyak na casper! Kaya ito na ang uling beses na makikita kitang umiyak!!" Sigaw nito at naintindihan ko naman ang sinabi nito kaya hikbi na lamang ang naririnig sa akin at ngumiti naman ito "very good" binitawan na ako nito at tumalikod na ulit "lets go"

May humawak naman sa balikat ko at tumingin ako dito at isa itong babae na kasing edad lang ni nanay teseng

'si nanay'

"S-si nanay po?" Mahina kung tanong sa babaeng nakahawak na ngayon sa kamay ko

"Wag kang mag-alala ok lang ang nanay mo" wika nito at hindi na lang ako nagsalita at sa huling pagkakataon lumuha ulit ako dahil maiiwan ko ang taong importante sa akin..my first friend and first love, maliban kay nanay si kris lang ang nagparamdam sa akin kung ano ang pagmamahal

"Pangako babalik ako, Krizy" mahina kung wika at kinuha ang nakatuping picture namin ni kris mabuti na lang hindi ko inalis sa bulsa ko ito noong binigay nya sa akin kanina

8 years before

"Aahh!"

"Ano! Apat na taon ka na nag iinsayo hindi mo parin na kukuha ng ayos ang tinuturo sayo!!"

"Sorry po dad" mahina kung wika at hindi hinahayaan na tumulo ang luha sa mga mata ko..nakaluhod ako ngayon sa asin habang nilalatigo ng sarili kung ama

Apat na taon na ang nakalipas simula ng umalis ako sa pilipinas at dinala sa USA kung saan naroon ang pamilya namin na nalaman kung namumuno sa isang malaking mafia at bilang anak nila kailangan kung maging perpekto sa paningin nila lalo na sa ibang tao kaya pinatanggal nila ang balat sa mukha ko

"I promise dad, I will make it perfect the next time I will do bomb" wika ko dito at hindi pinapakita na nasasaktan ako dahil hindi pwede iyon mas lalo na ang mautal dahil kahinaan yon

"Then prove it! Ayaw kung may nagkakamali, lalo ka na" tumango ako dito at inikot na nito sa kamay nya ang latigo at tumalikod na at ng makalabas na ito ay agad namang lumapit sa akin si yaya Nina ang babaeng tinanungan ko dati kung nasaan ang nanay teseng ko

"Jusko ko, halika ka na dito! Yang daddy mo talaga, isang pagkakamali lang grabe na mantrato" ngumiti namn ako dito ng alalayan nya ako at inupo sa isang sofa at tinaas ang damit ko sa likod "jusko!"

✔️Androgynous Return (gayxstraight)Where stories live. Discover now