CHAPTER 10

1K 60 12
                                    

**Kris POV.**

Nagmadali na akong lumabas ng bahay at hindi ko na sinara yon at napatakbo na ng mabilis at napapatingin pa sa akin ang mga tao pero wala na akong paki, dahil si hilaw, si galaxy ang nasaisip ko ngayon

'My sweety pie, please!!'

Agad rin akong nakarating sa parking lot at pagkapasok ko sa sasakyan ay nag buntong hininga muna ako at pumikit.. Kailangan kong kumalma baka ako naman ang madis-grasya kapag ganito ang sitwasyon ko.. ng ok na ako ay pinaandar ko na ang kotse at ging set na ang location na sinend sa akin nong lalaki at mabuti lang rin ay malapit lapit lang yon mula dito sa harriam at siguradong pauwi na si galaxy bago sya naaksidente

Pagkalabas ng sasakyan ko sa gate ay pinatakbo ko na ito ng mabilis at mabuti nalang hindi gaano kadami ang sasakyan ngayon at napapa-iyak na ako ngayon habang palapit na ako ng palapit sa kinaruruonan ng pangyayari hanggang makarating na nga ako at hindi mo na ako lumabas ng sasakyan ko at pinagmasdan ang nakapalibot na mga tao sa isang truck at kotse na nagbanggaan at napaiyak naman ako kasi totoo pala talaga... tumingala muna ako at pinakalma ulit ang sarili at lumabas na ako ng kotse ko at hindi mo na ako umalis at nagkakagulo rin ang mga tao doon at may mga pulis narin na nandoon at may isang ambulansya narin na nandoon at umiilaw narin ito at hindi na ako nag dalawang isip na pumunta sa nagkakagulo na tao at nakisiksik doon

"Tabi!! Magsitabi kayo!! Please lang!" Inis kung sigaw at nagsisi-isugan naman sila hanggang makarating na ako sa unahan at may nakaharang pa doon na kulay dilaw palibot sa trahedya

"Sir bawal po--"

"Wala akong paki!" pumasok na ako sa loob ng kulay dilaw at nagmadali na lumapit sa wasak na kotse at napahawak naman ako doon dahil alam kung kay hilaw nga ito at napaiyak naman ako "bakit?" Mahina kung wika "hindi ko kayang tanggapin"

"Sir umalis na po kayo--"

"Nasaan sya?" Mahina kung tanong dito "n-nasaan yong lalaking nakasakay sa kotse na ito" naiiyak kung tanong dito at lumungkot naman ang mukha nito

"Nasa ambulansya na po Sir" agad naman akong napatingin sa kabilang side at nandoon nga ang ambulansya at nakatigil lang ito at nakailaw parin at walang tao doon kahit isa

"Bakit nandito pa? Bakit hindi agad dinala sa hospital?" nagtataka kung tanong dito at nagmadalai naman akong naglakad at nakisingit na naman ako sa mga chismoso at chismosa na tao

'Hilaw'

Naglakad lang ako palapit sa ambulansya at nagiging mabagal rin ang bawat hakbang ko dahil natatakot ako sa maaaring makita ko pero kailangan kong maging matapang, para sa kanya

'Sana ok ka'

Nasa tapat na ako ng likod ng ambulansya at napatingin naman ako sa likod ko at nagulat naman ako na nakatingin sila lahat sa akin... Mga chismosa at chismoso talaga gusto pa ba nila makita ang nakahigang si hilaw?

"Tangina nyo" Mahina kung mura at tumingin ulit sa pinto at hinawakan na ito at binuksan

"I found a love for me
Darling, just dive right in
And follow my lead
Well, I found a girl, beautiful and sweet
I never knew you were the someone waiting for me"

Nagulat naman ako ng pagbukas ko ng pinto ng ambulansya ay puro bola na maliliit ang lumabas dito at napaatras pa ako sa sobrang dami nito dahil natamaan pa talaga ako sa mukha pero mas nagtataka naman ako bakit bola ang laman ng ambulansya at hindi tao at may malakas pa na kanta ngayon at napatingin naman ako sa sahig at puno ng bola ang paanan ko .. Pinunasan ko naman ang luha ko at nagtataka na tumingin sa likod ko at nagulat naman ako na may nakapila na doon at may mga may hawak na Red rose

✔️Androgynous Return (gayxstraight)Where stories live. Discover now