CHAPTER 25

666 43 4
                                    

**Galaxy's POV**

mabilis lang rin natapos ang weekend at nasa harriam na ulit ako at kasama si Kris na nag-aayos ng ibang gamit nya, nag halumbaba ako at nakangiting tumingin dito, ewan ko lalo ata syang gumanda ngayon, I didn't know na may baklang ganito ka ganda

"isa na lang at ibabato ko na ito sayo!" natawa ako dito, kahit kailan talaga napaka amazona

"bilisan mo ma l-late na tayo" tumango lang ito sa akin at ilang saglit lang rin ay tapos na sya at kinuha ko na ang bag sa kanya at ako na ang nagbitbit

"thank u Mr. Gentleman" napangiti ako sa sinabi nito at nilock na nito ang bahay at mag-ka holding hands kaming naglakad at hindi lang rin kami dahil marami ring naka holding hands

Minuto lang rin ay nakarating na kami sa building namin at hinatid ko na si andro E sa room nya at nandoon narin sila Aaron, pumasok na ako sa classroom at kumaway ako sa iba pati kila nick at tumabi ako kay Dave at nag-inat ng katawan

'Sana naman ngayon wala ng mangyari'

"tol, kamusta?" tanong ko kay dave at tumingin ito sa akin

"ayos lang" maikli nitong wika, as always tahimik ulit sya, napasandal ako sa upuan ko at nag crossarm, napatingin ako kay dave at seryoso lang itong nagbabasa sa libro nya

Hindi nya man sabihin pero na fe-feel ko na parang may problema ito, hindi ko lang alam kung ano at sana totoo ang sinabi nyang naka move on na talaga sya at hindi na naaapiktuhan sa amin ni Kris, kung tutuusin kasi ako naman talaga ang naunang nag kagusto kay kris

Natigil na ako sa pag-iisip ng dumating na ang guro namin at pansin ko ring wala si Nicko at Marco, siguro binabantayan parin si Nicko

"pre saan ka pala galing kagabi? Late ka na bumalik sa dorm natin" napatingin ako kila nick

"may pinuntahan lang" maikling sagot lang nito

"so saan nga?" pangungulit pa ni nick dito

"jaan lang" napailing ako sa dalawa at nakinig na lang sa discussion ni sir

Dalawang oras lang rin ay natapos na rin ang klase at snack time na

"mauna na ako sa inyo" paalam ko sa dalawa

"sige pre"

Nauna na akong lumabas sa lahat at nakangiting si andro E agad ang bumungad sa akin

"hi!"

"hi, maaga kayo pinalabas?" tumango ito sa akin at sabay na kaming naglakad at pansin kung sila creed at ashton lang ang kasama namin "saan sila Aaron?"

"wag mo na hanapin, malamang nasa mga jowa nila yon HAHAHA" inakbayan ko ito at binilisan na ang paglalakad namin at agad rin kaming nakarating at umupo sa pwesto namin, ako na ang tumayo at kumuha ng order namin ni andro E

"set of D and F" tumango ito at ilang minuto lang ay binigay nya na ang order ko at bumalik na sa pwesto namin at nandoon narin si Aaron at kasama si Marco at nagtaka naman ako kung bakit nandito ito "here" ngumiti sa akin si Kris

"thank u hilaw!"

"Marco" pagtawag ko dito at tumingin naman ito "bakit wala ka kanina?" tanong ko dito

"kakabalik ko lang galing sa hospital at nandoon narin naman ang nanay ni Nicka kaya nakapasok na ako ngayon" sagot nito

"o-ok na ba sya?" tanong ni kris

"oo bes, siguro makakalabas narin sya bukas or sa isang araw" tumango naman si kris dito "dumalaw ka ba sa kanya kagabi?" umiling si kris dito

"hindi na ako nakabalik mula nong umalis ako ng tanghali" napatango naman si Marco dito "bakit mo natanong?"

✔️Androgynous Return (gayxstraight)Where stories live. Discover now