CHAPTER 8

1.1K 59 10
                                    

Dedicated to seanveluzcristobal

**Kris POV.**

"Masarap ba ito--"

"Mas masarap ako" agad naman akong napatingin kay hilaw at nakangiti pa ito sa akin

"Bwisit ka!" Natatawa kung sabi dito at nilagay na sa cart ang mga pinili ko "ok na siguro ito" wika ko dito at tumingin naman ako sa relo at 5:50 na at nagdidilim narin siguro

"Wait" napatingin ako dito at bigla itong yumuko at naramdaman ko na lang na
Nakalapat na ang labi nya sa akin ganon rin ang kamay nyang nakayakap na sa akin... lalayo na sana ako dahil naalala ko mga tao sa paligid ngunit nadadala ako sa sarap ng halik ni hilaw

'Sinimulan mo ito!'

Naramdaman ko ang pagngiti nito ng ilingkis ko ang braso ko sa kanya at ginantihan ang masasarap nitong halik

"Please maawa kayo!"

"Junior pa po kami!"

"Sarap naman!"

Ako na ang naghiwalay dahil pansin kung napupunta na sa amin ang attention ng lahat

"Umaabuso ka na" hinalikan ako nito sa noo at hinawakan na na ulit ang cart

"Tara" tumango naman ako dito at pumunta na kami sa counter, kaso mahaba rin pala ang mga pila ngayon kaya nakipila nalang kami at 6:26 na kami nakalabas ng mall at ang dilim na sa labas kaya naman bukas na ang mga ilaw sa buong campus at naghiram rin kami ng cart dahil dalawang box ang dami ng aming pinamili at mabibigat pa "tulungan mo akong magluto, para matuto ka narin" napatingin naman ako dito

"Marunong narin naman ako, kasi yong nasa USA ako, salit-salitan kami ni ashton sa pagluluto, kaya nasasanay narin ako kahit papaano" nakangiti kung wika dito at sya rin ang nagtutulak ng cart namin

"Mabuti naman naging masaya ka doon" tumango naman ako dito

"Yon naman talaga ang pinunta ko don ang maging masaya ulit ako, at naging mas masaya pa ako nong nakabalik na ako dito kasi meron ng ikaw" napangiti naman ito sa sinabi ko at tinulak pa ako ng mahina

"Wag ka ngang magpakilig!" Natawa naman ako dito

"Naku si hilaw, hindi ka ba marunong magtago ng nararamdaman mo?" Tumigil naman ito at ganon rin ako at nagkatinginan pa kami

"Sinabi ko naman sayo, bakit kailangan ko pang itago kung pwede ko naman ipakita, at isa pa hindi ko naman kayang itago ang nararamdaman ko ngayon" wika nito "katulad ngayon kinikilig talaga ako!" masayang sabi nito at niyakap pa ako

"Hahaha gabi na malandi ka pa rin!" Niyakap ko rin ito pabalik

"Gabi na pero maharot ka parin!" balik nito

"Gabi na pero ang fresh mo parin!"

"Gabi na pero maganda ka parin!"

"Gabi na pero ang gwapo mo parin!"

"Gabi na pero ang bango mo parin!"

"Gabi na pero ang hot mo parin!"

"Gabi na pero ang sexy mo parin!"

"Gabi na pero nakaka-attract ka parin!"

"Gabi na---"

"Gabi na pero naglalandian parin" napahiwalay naman kami ni hilaw at sabay naman kaming napatingin sa may kaliwa at napangiti naman ako na si Aaron pala yon at mas napangiti rin ako na si Marco ang kasama nya at lumapit naman ako dito

✔️Androgynous Return (gayxstraight)Where stories live. Discover now