CHAPTER 45

174 29 1
                                    


ZHOE'S POV

Talagang hindi ko na siya malalapitan pa. Hindi ko na siya kayang harapin.

Pero ipapangako kong hindi dito magtatapos ang lahat.

Ipaghihiganti ko si Ayen.

Habang naglalakad palapit sa sasakyan ay natigilan ako ng marinig ko ang pagtawag saakin ni Allie sa cellphone.

"Allie."

[ Where are you? I'm here.]

As i expected. Magaling ka ngang talaga, Allie.

"Papunta na ako."

Yun lang at ibinaba ko na ang tawag. Bubuksan ko palang ang pintuan ng kotse ko ng may humila sa kanang kamay ko.

Ng magharap kami ay nanlaki ang mata ko ng malaman ko kung sino yun.

Si Kevin!

"I'm right, you were the woman standing next to the tree earlier." sabi niya.

Nanlaki ang mata ko. Hindi ko alam na nakita pa niya ako kahit sobrang layo ko na kanina.

Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero mas humigpit pa ang hawak niya.

"K-Kevin..."

He looked at me in the eye. Seryosong seryoso lang siya.

"Bakit?"

"Huh?"

"Bakit hindi ka nagpapakita saakin.....saamin, kay Ayen?!" malakas na pagkakasabi niya.

"..burol ni Ayen. Kahit man lang sa burol niya mapasalamatan mo siya."

Nagbaba ako ng tingin. Tama siya, kailangan ko siyang pasalamatan dahil niligtas niya ang buhay ko. Pero.....pero ito ako ngayon at nagtatago sakanila.

"Kevin, hindi ito ang panahon ng pag-uusap...."

"At kailan naman ang tamang panahon? Zhoe naiintidihan kong nagmula ka sa pamilyang hindi mo---------"

"HINDI!"

putol ko sakanya. "..H-Hindi mo 'ko naiintindihan....hindi."

Naramdaman ko ang dahan dahan niyang pag-alis sa pagkakahawak saakin kaya napatingin ako sakanya.

"I------------I'm sorry.."

Para akong tinusok sa sinabi niya. Narinig ko naman ang sinabi niya pero para akong nabingi ng tuluyan.

"..Hindi dapat kita sinisi dahil hindi ko alam ang totoong nangyari. Pero masisisi mo ba ako? Kaibigan ko si Ayen at sobrang dami ng pinagsamahan namin. Simula pagkabata magkaibigan na kami tapos magiging ganito lang. Simula nung nakilala ka namin naging ganito na ang sitwasiyon!"

Gusto kong umiyak. Nasasaktan ako dahil kasalanan ko na dumating sila sa buhay ko. Hindi, dumating pa ako sa buhay nila.

Ang sakit! Ganito pala ang pakiramdam na lahat ng sisi nasa'yo.

"Ang bagay na 'to ay hinding hindi ko basta makakalimutan pero wala akong magawa kundi ang tanggapin dahil nangyari na."

"Kevin..."

"Sobrang sakit mawalan ng kaibigan na sa hirap at ginhawa nakasama mo siya. At wala akong nagawa para iligtas siya nung kinuha siya ng mga tauhan nung----Clyde. Gusto kong magwala. Wala naman siyang kasalanan."

Naiintindihan ko.

Naiintindihan ko ang pakiramdam.

Hinarap ko si Kevin. "Kabilang ang mga.....magulang ni Ayen saamin." sabi ko.

The Mafia's Daughter | ✔Where stories live. Discover now