CHAPTER 25

204 31 1
                                    

Ayen's POV

NAGSIUWIAN NA ANG IBANG BISITA NG SCHOOL. Tanging ang mga booths nalang ang nakabukas para mag-ayos maging ang Food Club, maagang natapos ang mga clubs maging sa Role-play. Binago namin ang gaganap, umayaw si Kevin bilang Prince, ewan ko ba kasi sa lalaking iyun..ang lalim ng iniisip niya at kapag naman kinausap mo nganga lang isasagot niya..masyado siyang naapektuhan simula nung nag-usap sila ni Allie sa taas, gustuhin ko man ang kausapin siya tungkol duon ay hindi ko magawa dahil busy rin naman ako.

Nandito na kami sa backstage, dahil malawak ang likuran ay doon kami nagpasiyang tumambay..sa labas naman ng malaking pinto niyon ay ang ibang club na gumagawa ng bonfire sa may malapit sa kakahuyan sa likod ng school. Walang harang ang University pagdating sa likuran pero may nagbabantay duon kaya hindi ka pwedeng makapunta sa kakahuyan basta basta.

Ng mapansin ko nanaman na tahimik si Kevin na kaharap ang bonfire ay nilapitan ko na siya dala dala ang isa pang cup ng salad.

"Oh," bigay ko sakanya. Hindi naman niya ito tinanggihan, kasunod nuon ay umupo ako sa tabi niya at sinabayan siyang tumingin sa bonfire. "--Napapansin kong tahimik ka simula nung nagkita tayo pagtapos ninyong mag-usap ni Allie." sabi ko.

Napayuko naman siya saka mahigpit na hinawakan ang baso. Hindi ko mabasa kung anong nasa isip niya ngayon pero may kutob akong hindi maganda ang napag-usapan nila kaya siya ganyan.

"Ayen.."

Sa wakas, nagsalita ka rin. "B-Bakit?" tugon ko.

"Anong gagawin mo kung bigla nalang akong mawala." hindi ko inaasahang tanong niya.

Gulat akong napalingon sakanya. Wala saakin ang paningin niya pero bakas sa mukha nito ang pagkalungkot. "A-Anong ibig mong sabihing bigla kang mawala?" tanong ko ulit.

"I mean....mamatay ganun, mawala sa mund------"

"Tigilan mo nga yan! Hindi ka nakakatuwa Kevin!" inis na putol ko sa sasabihin niya.

"Ano ngang gagawin mo kung mamatay ako?" pilit niya parin.

Wala akong ideya kung anong klaseng takbo ng utak meroon siya pero kahit natatakot ay alam kong tanong lang yun at hindi ko kailangang seryosohin. "Hmp! kapag namatay ka, hindi kita iiyakan Kevin." mataray na sagot ko.

Ayoko ng ganitong usapan, nakakapanlumo!

"Imposibleng hindi ka iiyak, iyakin ka kaya."

"T-Tumigil ka, Kahit iyakin ako hindi ako iiyak kapag namatay ka!" giit ko.

Sa tuwing pinag-uusapan ang ganitong bagay ay may naalala ako sa nakaraan.

"Di nga?"

"Pwedeng.....huwag nalang nating pag-usapan ang ganitong bagay?" pakiusap ko. Napayuko nalang siya.

"Ano bang problema? Pwede mo namang ishare saakin." sabi ko.

Bumuntong hininga siya. Baho ah? Charot!

"H-Hindi ko kayang layuan si Zhoe." dire-diretsong sabi niya.

Hindi naman nakakagulat iyun, sa simula't simula palang ay may kakaiba na talaga siyang nararamdaman kay Zhoe..pero...isa yun sa mga nahihirapan akong tanggapin. Ang magkagusto siya sa iba at gusto ko din siya...Tsk, pag-ibig nga naman.

"Bakit mo naman siya lalayuan?"

"N-Nalaman ko na ang totoo...totoong pagkatao niya, pero kahit ganun ay hindi ko parin maisip na layuan siya." kwento niya.

The Mafia's Daughter | ✔Where stories live. Discover now