CHAPTER 7

400 39 0
                                    

Kevin's POV

-SA BAHAY-

Nakauwi na ako. Hindi rin maganda ang takbo ng isip ko ngayon, puro nalang din si Zhoe ang nasa isip ko. Nastuck na siguro siya sa utako. At ang isa pa....

Hindi ako sinundo ni Dad kanina after school.

Hindi siya dumating. Kung nagkataon siguro na nag-antay pa ako ng ilang oras doon ay malamang mag-isa akong uuwi, buti nalang at inantay ako nina Zimmy at Ayen bago nagpasiyang umuwi nalang.

Nakapasok na ako sa loob, akmang uupo ako ng lumabas mula sa kusina si Manang.

"Nandiyan kana pala, hindi ko naramdaman ang presensiya mo." sabi niya.

Hinanap ng mata ko si Mommy.

"Nasaan si Mommy, Manang?" tanong ko. Tinuro niya ang likod ng kusina..meaning nasa garden siya.

"Babalik din siya kaagad, may kinausap lang..kain kana."

"Pupuntahan ko muna siya dun."

"O sige."

Hindi ako nagdalawang isip na puntahan siya sa garden. Nadatnan ko nga siyang may kinakausap, agad naman niyang napansin ang pagdating ko kaya sakto ay pinatay na niya ang tawag ng malapit na ako sa gawi niya.

"May kinakausap daw po kayo?"

"Ahh..Oo, yung boss ko..nagtanong lang siya kung pwede ba daw akong pumunta sakanila ng ganitong oras emergency lang, pero hindi ako pumayag kasi anong oras na din naman.." sagot niya.

"Okay lang naman kung aalis ka ngayo------"

"No, it's fine..sinabi niya na rin naman na okay na, ang boss ko kasing yun ay lahat big deal sakanya..yung maliit na bagay lang ay natataranta kaagad siya." sabi ni Mommy. Hindi ko pa kilala ang boss niya pero sa palagay ko naman ay mabait siya at mapagkakatiwalaan, kung ganitong ngiti ang nakikita ko sa araw araw sakanya ay malamang hindi lang magandang paikitungo ang pwede kong isipin. Masasabi ko rin naman na naalagaan siya ng mabuti sa trabaho niya.

"Hindi ba talaga ako pwede sumama doon?"

"Where?"

"Sa trabaho mo."

"Bawal doon ang hindi nagtatrabaho, Kevin..masyadong malaki ang lugar nayun, baka mawala ka." sabi ni Mom.

Gaano ba kalaki ang lugar na pinagtatrabahuhan niya para mawala ako?

"Pero kapag nagkaroon ng oras ay isasama kita doon, pero sa tamang panahon, baka kasi hindi pumayag ang amo ko kapag isinama kita." sabi niya.

"O-Okay lang naman kung ayaw nila, di naman ako mapilit..kapag may oras Mommy, picturan mo naman for me." sabi ko. Yan ang matagal ko ng hinihiling sakanya, pero limit lang ang mga litrato na pinapakita niya saakin. Ang gusto ko kasi ay yung kabuuan.

"Mommy, nasaan si Dad..hindi niya ako sinundo kanina."

"Ahh, I'm very very sorry Iho, nagkaroon ng biglaang seminar ang Daddy mo kaya naman bumalik siya kaagad sa Company..iniisip ko naman na may mga kasabay ka naman."

Pero sana dapat nagtext ka man lang saakin na hindi makakapunta si Dad para naman nakauwi agad ako ng maaga. Pinag-antay ko doon sina Ayen para lang kapag wala si Dad ay maisasabay nila ako..inaasahan kong magtitext ka pero wala..nakakatampo.

"O-Okay lang, pwede naman niya akong sunduin anytime he wants..tara na, Mommy nagluto si Manang ng dinner..panigurado ay masarap ang luto niya ngayon." masayang sambit ko saka tumayo sa kinauupuan.

The Mafia's Daughter | ✔Where stories live. Discover now