CHAPTER 41

169 30 0
                                    

Zimmy's POV

"Hindi mo dapat sinabihan ng ganun si Zhoe! Kevin wala siyang kasalanan!" halatang galit na ang Mama ni Kevin dahil sa nangyari.

Basang basa sila ng ulan pero wala siyang ginawa.

"Dapat lang sakanya yun, hindi naman mangyayari lahat to kung hindi namin siya nakilala." Galit na sabi ni Kevin.

Nalulungkot ako, kaibigan namin si Ayen at hindi namin inaasahan na mangyayari to. Ramdam ko kung bakit galit na galit si Kevin pero mas nalulungkot ako kay Zhoe, gusto ko rin naman siyang sisihin pero sa paanong paraan? Maging siya ay hindi alam na mangyayari to at nararamdaman ko ding nasasaktan din siya dahil sa nangyari. Pare-pareho kaming nasasaktan.

"Tama si Tita pre, wag mo isisi kay Zhoe lahat..hindi niya alam na mangyayari to." sabi ko.

Inis siyang tumingin saakin. "Kakampi kana rin dun sa babaeng yun?!" inis na tanong niya.

Hindi ko alam kung bakit ang laki bigla ng galit niya kay Zhoe dahil lang sa namatay si Ayen. Mahirap din naman para kay Zhoe ang nangyari, nandun sila ni Allie pero namatay parin siya.

"Wala akong kinakampihan, isipin mo muna. Isa pa, hindi rin niya gusto ang nangyari." sabi ko.

"Hindi gusto? Kaya pala wala man lang luha ang pumatak sakanya......galit ako sakanya."

Hindi na ako nagsalita. Naiintindihan ko si Kevin, pero dapat mas maintindihan ko din kung bakit ganun lang ang reaksiyon ni Zhoe..siguro nga hindi ko alam kung magagalit din ba ako sakanya o iintindihin kong hindi rin siya makapaniwala sa nangyari.

Allie's POV

Naging maayos na ang lagay ni Zhoe. Naikwento ko na sakanya kung ano nga ang huling sinabi saakin ni Zero bago siya mawalan ng hininga.

_FLASHBACK_

Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko. Wala akong balak sundan si Zhoe pero ito lang ang tanging paraan at ito ang gusto kong mangyari.

Pass 12 na ng tuluyan akong makarating sa ruta ng main location ni Clyde at isa pang organisasiyon.
Sa malayong area. Bumaba ako ng sasakyan dahil panigurado ay matatanaw nila ang kotse ko.
May malaking abandoned building ang nakatayo sa gilid bago pa ang Abandoned Factory sa medyo kalayuan dito.

Rinig na rinig ko ang malakas na sigaw duon sa Building, samantalang tahimik naman na nag-iikot ang mga bata ni Clyde sa Factory. Dahil sa ang Abandoned building lang ang katabi ng matatalahib na damo ay yun muna ang inuna ko..mukha kasing yun muna ang kailangan kong puntahan.

Nakita ko na ang itim na sasakyan. Kay Zero.

Dahil sa matataas na damo ay nakalapit agad ako. Madilim at walang ilaw sa likod ng building. Tanging sigaw lang ng kung sino ang naririnig ko.

Sinubukan kong lapitan at silipin kung anong nangyayari sa loob.

Nanlaki ang mata ko ng makitang walang pang-itaas si Zero na nilalatigo ng matandang lalaki.

Si Mr. Clyde.

"Magsalita kana," lumapit siya kay Zero at hinawakan pa ito sa panga.

Nakaside view sila kaya kitang kita ko kung gaano naliligo ang katawan ni Zero sa dugo. Malakas ang katawan niya dahil sa ensayo, yan ang purpose niya.

"---Nasaan na si Zhoe?!" sigaw niya rito.

Nakangisi lang niyang tiningnan si Clyde saka binugaan ng dugo.
Panibagong latigo nanaman ang ginawa sakanya.

The Mafia's Daughter | ✔Where stories live. Discover now