CHAPTER 15

273 36 1
                                    

Kevin's POV

DUMAAN PA ANG ISANG ARAW. Natapos ang paghahanda naming lahat para sa darating na festival bukas, nagpasiya kaming umuwi na ng tanghali. Sinundo si Zhoe ng itim na kotse, hindi ko kilala kung sino yung lalaking kasing edaran lang namin pero nagkaroon agad ako ng inis ng makita ang pagmumukha niya, masama ang tingin niya kay Alligator pero hindi niya ito pinansin. Bagaman ay nagtaka ay hindi na namin siya nagawang tanungin, malilito lang kami sa sasabihin niya kaya hindi na kami nagbalak pa. Nagsiuwian na rin lahat ng nasa building, nagpaiwan ang Food club para sa food bazar kaya naman pinauna narin kami ni Justine, sasabay nalang daw siya sa mga seniors. Hindi na kami pumilit kaya naman ay umuwi na rin kami.

"Paghahanda palang pero ang dami agad experience, nakakatuwa!" masayang sabi ni Zimmy.

"Nakakapagod nga lang, haaaay!" walang ganang sambit naman ni Ayen.

Tinitingnan ko lang silang nangunguna sa paglalakad.
Sobra ngang daming nangyari kaagad sa paghahanda palang, marami pang events ang mararanasan ni Zhoe at inaabangan ko ang Festival Ball Night. Para yun sa mga graduating na at gusto ko siyang maisayaw sa araw nayun, gusto kong sabihin sakanya ang nararamdaman ko habang nagsasayaw kaming dalawa sa gitna ng dance floor.

"Good luck bukas!" sabi ko.

"Ah---nga pala, kailangan tayo sa gaganaping role-play, walang gaanong nabigyan ng tsansa kaya naman akuin na natin habang walang nakakuha." sabi ni Zimmy.

Napaisip naman ako sa ideyang yun, kung sasali kami nina Zhoe malamang exciting din yun.

"Teka, sino pala ang napili niyong gaganap?" tanong ko. Sila kasi ang magpaplano kung sino sino ang mga kasali.

"Balak naming kunin si Zhoe bilang Sleeping beauty, at si Justine ang Prince Charming." sabi ni Ayen. Napangiwi ako sakanilang dalawa.

"Si Justine? Mukha bang may Charming ang isang iyun?"

"Awsus, selos ka naman!"

"O----Hindi kaya, I mean pumili naman kayo ng babagay sa role!"

"Suggest ng mga bata na makita si Zhoe sa play, grabe mukhang magiging sikat siya sa ganitong pamamaraan haha! Inaasahan din naman namin na ibibigay ni Zhoe ang best niya." sabi ni Zimmy.

"Nakapagdecide na rin naman, siya ang sa Sleeping beauty at si Ayen ang kukunin sa Snow white." sabi pa niya.

"Ikaw? Ano namang alam mo sa role-play? Marunong kalang pumalo ng bola tapos papasok ka sa role-play! Tsk!" Ang sport niya ang tinutukoy ko...Kasali siya sa Tennis Club kung saan binuo yun para sa gaganaping Inter-High Next month.Malapit lapit na rin kaya pagtapos nitong festival ay diretso na sila practice..ganun din kaming mga basketball club, balita ko nga ay may bago nanamang recruit na member..medyo malakas naman siya kaya hindi kami mahihirapan, lalo na kung magkapantay ang lakas naming dalawa.

"See you guys, dito na ako!" paalam ni Zimmy. Malapit na rin kami maghiwalay ni Ayen ng daan pero wala naman kaming ibang pinag-uusapan kundi si Zhoe at ang darating na Festival bukas.

At naghiwalay na nga kami ng daan....

"Sana masaya ang Festival this year, madidisappoint si Zhoe kapag boring...Ha! siguradong masaya---------"

"KEEEVIIIIIIIINNNN!"

Natigilan ako sa paglalakad at nilingon ang isang malakas na tinig na tumawag saakin. Nilingon ko kung sino yun at nakita kong mabilis na tumatakbo si Ayen palapit saakin.

"Ayen.." tawag ko sakanya. Hingal na hingal siyang nakalapit saakin at pagtingin ko sa likuran niya.....

Nanlaki ang mata ko ng makilala ko silang lahat.

The Mafia's Daughter | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon