CHAPTER 9

365 36 1
                                    

Kevin's POV

-COLTON UNIVERSITY-

Nakarating na kami sa School. Hindi ko nakita doon si Zhoe, pero may isang puting sasakyan ang nakaparada sa labas ng school, hindi ko malaman kung kanino yun pero hindi yun ang importante saakin. Nakita kong nandoon na sina Renzo, Mika, at Leslie. Sila ang makakasama namin ni Zhoe bumili ng mga kailangan sa pangdecorate, pero kulang kami. Pinalapag ko kina Ayen ang dala kong bag sa tambayan ng mga gamit, iisang kwarto lang naman nakalagay ang mga yun kaya pinasabay ko nalang sakanila.

"Nasaan si Zhoe?" tanong ko.

"Nandito na siya, may kinausap lang dun!" turo ni Mika sa hindi kalayuan.

"Tawagin mo na rin, mainit na eh." sabi ni Leslie. Sinunod ko naman siya dahil ayoko rin naman pumunta ng store ng mainit na ang panahon, ayoko ring maglakad na mainit na rin.
Sinundan ko kung saan niya itinuro ang lugar kung nasaan si Zhoe.

Mabilis akong nakapunta doon. Hindi ako nabigo sa nakita ko, nandoon si Zhoe at may kausap siyang....lalaki. Pareho silang may hawak na inumin at sobrang tahimik lang nila. Nakaharap si Zhoe sa Vending Machine, samantalang nakaharap naman ang lalaki sakanya..nakaside view siya saakin pero hindi ako nagtatago.

"Alam kong mahirap paniwalaan ang sinasabi ko ngayon, pero maniwala ka.....nagsasabi ako ng totoo." bakas sa lalaki ang pag-aalalang tono.

Ano bang totoong sinasabi niya?

Humarap naman si Zhoe sakanya. Doon lang niya napansin na nakikita ko pala silang nag-uusap.

"Ayokong nakikipag-usap ka saakin ng ganitong usapan, Allie..sa oras na may marinig pa akong paninira na galing sayo ay makakatikim kana saakin." tono ng pagbabanta naman na nadinig ko kay Zhoe. Alli? as in Alli? Hahahahaha Alligator?! Hahahahaha!
Nakita ko siyang humarap saakin bago naisipang talikuran ang kausap niya at lagpasan din ako.

Habang naglalakad siya palayo ay napako na ang sarili ko sa pwesto ko. Sumulyap naman ako sa lalaking ngayon ay malungkot na. Pero ng umangat ito at humarap saakin ay sinamaan niya ako ng tingin.

"Nasira ang usapan namin ng dahil sayo." galit na sabi niya. Hindi man pasigaw pero alam kong galit siya sa pananalita niya.

"Hindi ko alam kung anong pinag-usapan niyo pero hindi sakanya nakakabuti ang pakikipag-usap sa taong kagaya mo." lakas loob ay nagsalita ako.

"Bakit sino kaba? Kaano-ano kaba niya?" inis na tanong nito.

"Ako? Ako ang kaibigan niya, kaya kung pwede layuan mo ang kaibigan ko kung may masama kang intensiyon sakanya!" galit na sigaw ko. Humakbang siya palapit saakin, tumapat siya sa pwesto ko suot ang seryoso at nakangising labi. Habang nakapamulsa ay nakatingin siya saakin.

"Sa sarili mo dapat sinasabi yan, wala akong masamang intensiyon sakanya..at ikaw, kung ayaw mong madamay, wag mong panghimasukan ang buhay ng matalik kong kaibigan!" sigaw niya.

M-Matalik niyang.........kaibigan?! Magkaibigan sila?! M-May kaibigan si Zhoe?!

"A-Ano?!" pilit kong nilalakasan ang loob ko. Hindi ko makuha ang gusto niyang sabihin doon.

"Kung gusto mo pang mabuhay, lumayo ka sakanya...dahil hindi mo magugustuhan ang mangyayari sa buhay mo kung patuloy kang didik-------"

"ANO BANG SINASABI MO?! HINDI MO NAMAN KILALA SI ZHOE, PAANO MO NASASABI ANG BAGAY NAYAN?!"

Ano nga din bang alam ko sa babaeng yun?! Nung isang araw ko lang naman siya nakilala, samantalang itong kausap ko ang nagsasabing magkaibigan silang dalawa! Hindi ko alam kung ano itong pakiramdam na ito na nararamdaman ko ngayon pero natatakot ako, naiinis ako at hindi ko alam na dahilan ay pakiramdam ko pangalan palang talaga ang alam ko sa buong Zhoe.

The Mafia's Daughter | ✔Where stories live. Discover now