CHAPTER 28

170 32 0
                                    

Allie's POV

Araw parin ng festival, kung saan wala nanaman si Zhoe dahil sa hindi pa masyadong magaling ang sugat niya. Kanina lang ay nabalitaan ko kay Sec. Tina na papunta na siya ngayon sa ospital para sunduin si Zhoe kaya naman hindi na ako nag-alala. Alam kong wala namang mangyayaring masama sakanila.

"Allie."

Napalingon ako sa taong lumapit saakin. "Ayen..." pagkilala ko.

Seryoso siyang nakatingin saakin, hindi ko nagugustuhan.

"May alam kaba sa mga nangyayari saamin?sabihin mo." sabi niya.

Sabi ko na nga ba't itong ito rin ang itatanong niya. Ganito rin ang itinanong saakin ni Zimmy nung makausap siya.

"May alam ako pero hindi parin kayo ligtas kahit na malaman niyo," humarap ako sakanya. Kumunot ang noo niya at mukhang hindi niya nakuha ang sinabi ko. "Una palang, dapat hindi na kayo lumapit kay Zhoe." sabi ko.

"Oo, pinagsisisihan ko ngang lumapit pa kami sakanya, hindi ito katanggap-tanggap, maging ang mga katulad naming inosente ay nadadamay!" inis na sabi niya.

Napangisi nalang ako. "Kung nagsisisi ka, mas nagsisisi naman si Zhoe.." sabi ko dahilan para matigilan siya. "Hindi kayo idadamay ni Zhoe sa gulo ng buhay niya kung hindi niyo sinimulan."

"Akala ko ordinaryong babae lang siya, tahimik at mabilis pakisamahan..pero...nagkamali ako sa pagkilala sakanya!"

"Ano pa bang magagawa mo, nadamay na kayo..ang ibang kalaban nila ay kilala na kayo kaya wala naring mababago kung lalayo kayo sakanya." Tumingin ako sakanya ng seryoso ang reaksiyon. Mata sa mata, bahala na kung sino ang unang mailang.

"May magbabago kung gagawan niya ng paraan!" sigaw niya saakin. Maraming tao ang napatingin dahil sa pagsigaw niya pero tanging seryosong reaksiyon ko lang ang nakatingin sakanya.

Nilapitan ko siya. Nakakainis!

"Don't ever say a word againts Zhoe, you don't know a thing." sabi ko.

"Tama, ang mga katulad niyong mga tao ay dapat hindi nabibilang sa lugar na ito." sabi pa niya.

"Eh, paano? nakapasok nga kaming dalawa sa School niyo kahit na kriminal kami?! Pare-pareho lang tayong tao rito..ang kaibihan nga lang, masyado mong ginagawang malinis ang sarili mo at dinudumihan ang ibang tao para lang may pagbuntungan ng inis mo."

Sasampalin niya sana ako pero nasangga ko yun saka hinigit ng mariin.

"Don't test my patience, lady..nananakit din ako ng babae, lalo na kung sasaktan niya rin ako." nakangiting sabi ko.

"How uncool.." insulto niya.

Binitawan ko siya mismo sa ere saka kusa niyang ibinaba ang kamay niya saka ako sinamaan ng tingin.

"Imbis na makipag-away ka saakin, bakit kaya hindi mo nalang isipin na ang taong sinisisi mo sa lahat ng ito ay siya rin namang magliligtas sayo bandang huli." sabi ko.

"I don't know, wala sa mukha niya na matutulungan niya kami." mataray na sabi niya.

Tinalikuran niya ako saka naglakad palayo.Hindi ko maintindihan ang mga babae, masyado silang mahirap kumbinsihin. "Yun ang akala mo." napabulong ako saka naisipang bumalik na rin sa backstage.

Habang naroon ay pumasok naman sa isip ko bigla si Kevin....Wala nga pala siya dito, nasaan naman kaya ang isang iyun?!

_____________________________________

The Mafia's Daughter | ✔Where stories live. Discover now