CHAPTER 23

203 33 0
                                    

Zhoe's POV

Wala akong ideya na may ganito silang plano. Astig, palihim silang kumikilos ng maaga hangga't may panahon. Pero ang hindi ko maintindihan ay paano? Paanong nangyari?

"Zhoe, what happened, you called all the sudden." biglang sulpot ni Sec. Tina.

Kasalukuyan kaming nakapaikot sa bangkay ng isang maid na  nakadilat pa ang mata. Hinahanapan namin ng clue kung saan nanggaling ang lason.

"Sino ang nagluto ng ulam?" tanong ni Papa. Tumaas ng kamay ang dalawang maid na natitira, maging ang isa ay itinuro din nila.

Katabi ko ngayon si Zero pero may hindi ako magandang napapansin sakanya.

"I'll go to my room." tipid na sambit ko.
Hindi nila ako nagawang pigilan. Lumabas ako ng dinning room pero agad rin namang sumunod saakin si Sec. Tina.

"Zhoe." tawag niya. "--We need to talk!" medyo inis na sabi nito.

Ano naman kayang problema niya?!

"Talk....about what?" tanong ko.

"About. you...the crime you did!" madiing sambit niya.

Bigla nalang nanlaki ang mata ko ng malaman niya ang tungkol doon, napaiwas ako ng tingin pero agad siyang lumapit saakin saka hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"Tell me what happened." sabi niya.

"How did you....."

"Hour ago, your friend Allie told me." sabi niya.

Tss, That idiot. Sinabi niya pa talaga?!

"Don't worry, sabi niya ay tulungan lang kita at wag sabihin sa daddy mo." sabi niya.

"Sabihin ang ano?"

Pareho kaming napalingon ng makita naming nakatayo doon si Papa. Natigilan kaming pareho at hindi alam kung anong idadahilan.

"Wala yun, Dad." tipid na sabi ko.

"Is there a problem that you didn't tell me?" tanong niya.

"I said it was nothing, I'm going to my room." paalam ko.

Narinig ko pa ang pagtawag nilang dalawa saakin pero hindi ko sila pinansin. Ayoko na ulit pag-usapan ang tungkol pa doon. Isa yun sa mga desisiyon na pinagsisihan kong gawin. Alam na ni Sec. Tina ang tungkol doon at dahil duon sa madaldal na si Allie.

Kinuha ko ang cellphone ko para idialed ang number ni Allie.Tumunog pa siya ng ilang beses bago niya ito sagutin.

[Hello, Zhoe.]  tawag niya.

"Nabalitaan kong may sinabi ka raw kay Sec. Tina." seryosong sabi ko.

[Yeah, i told her what happened earlier, pero ginawa ko yun para ipakombinsi ka na pumasok ka bukas.] dahilan niya.

"Wala akong pakialam sa dahilan mo, ayokong may sinasabi ka sakanya na dapat tayong dalawa lang ang nakaalam!" inis na sabi ko.

Ang dami ko ng problema ngayon. Ayokong may madamay pa sa problema kong yun.

[Naiintindihan ko, hindi na mauulit.] sabi niya.

"Dapat lang, this is your last chance.." mahinang sambit ko.

Ibinaba ko na ang tawag matapos nun ay agad akong nahiga sa kama ko saka napaisip. Sa dami ng nangyari ngayon ay para bang lahat may rason na hindi ko maintindihan, simula nung bumalik ako galing sa America ay ganito na ang nangyari. Pero, kahit naman noong nasa America ako ay may nagtangka na rin sa buhay ko..hindi ko aasahan na magagawa din nila yun kahit nasa loob ako ng bahay, Nakakatawa sila! Nakakaengganyo sila kung ganun.

The Mafia's Daughter | ✔Where stories live. Discover now