CHAPTER 24

209 29 2
                                    

Kevin's POV

TUESDAY AT PANGALAWANG ARAW NG FESTIVAL..Nadischarge kami ni Ayen ng madaling araw at sakto naman na pareho na kaming pinayagan na pumunta pero kasama namin ang mga parents namin. Simula umaga ay hindi ko nakita si Zhoe sa Colton, sinubukan ko siyang tawagan dahil ngayong araw lang ako nagkaload pero wala akong natanggap na sagot sakanya..nakapatay ang cellphone niya.
Maging si Allie ay wala pa rin akong bakas ng katawan niya na nandito siya, hindi siya nagpapakita pero ang sabi ni Zimmy ay nakikita niya raw sa backstage si Allie. Sa tuwing pumupunta naman ako doon ay lagi ko siyang hindi naaabutan, minsan daw ay umaalis ito at may importanteng pinuntahan. Iniisip ko kung ano naman kaya iyun.

"Kevin!" tawag ng kung sino.

Nilingon ko iyun at nakita kong tumatakbo palapit saakin si Ayen. "Bakit?" mabilis na tugon ko.

"Kinorner namin si Allie sa banyo ng boys, come quick! nandun pa si Zimmy at Renzo at kinakausap siya." hingal na hingal niyang sabi.

Sumama ang apoy sa katawan ko ng marinig ko ang pangalan ni Renzo pero natutuwa parin ako ng mahanap na nila si Allie. Mabilis akong tumakbo kung saan ang banyo naming mga boys, may kalayuan man iyun dito ay binilisan ko nalang ang pagtakbo ko. Malalaman ko na ngayon kung nasaan nga ba si Zhoe, silang dalawa ang magkasama nung gabing yun at hindi na sila bumalik sa ospital..at maging ang mga tanong sa isip ko ay hahanapan ko ng sagot kay Allie!

"Ano bang ginagawa niyo-------Kevin?" gulat niya akong tiningnan ng makarating kami sa labas ng banyo ng mga lalaki.

"Allie, we need to talk!" mabilis na sabi ko.

"Talk? About what?"

"Can we talk in private? Yung tayong dalawa lang." mahinang sabi ko saka tumingin sa tatlo.

"Bakit hindi dito? May gagawin pa ako sa backsta--------"

"It's all about Zhoe." walang awat na sabi ko. Wala na akong pwedeng idahilan pa sayo, sana makisama kana ngayon...may gustong gusto lang akong malaman tungkol kay Zhoe.

"Okay, sige." sumeryoso siya bigla. Nakakatakot.

Iniwan niya sina Zimmy at Renzo maging si Ayen saka umakyat sa tabing hagdan na naroon. Nilagpasan niya ako pero punong puno ng bigat ang awra niya. Maging ang mga titig niya ay hindi ko nagustuhan, sumulyap pa ako sakanila pero mabilis rin akong sumunod kay Allie.

"Hindi ko alam kung anong naisip mo at gusto mong pag-usapan si Zhoe sa gitna ng kaganapan ng festival." nakatalikod na sabi niya. Nasa hulihan niya ako kaya hindi ko makita kung galit ba siya o nakapoker face lang.

Wala akong ibanf rason..gaya ang sinasabi ko, may gusto lang akong malaman tungkol sakanya..pero wala akong intensiyon na maghimasok sa buhay niya, kaibigan ko siya at siguro naman may ilang detalye rin akong pwedeng malaman na hindi ko kailangan hingan ng permiso."Ano....kasi.." wala akong mahanap na idadahilan.

Pero since pumayag na siya at malapit na kami sa rooftop ay baka pwede nalang namin pag-usapan ang tungkol doon.

________________________________________

Allie's POV

DUMATING ANG KINABUKASAN. Tinupad nga ni Zhoe ang sinabi niyang hindi muna siya lalabas ng bahay.Malaki nga talaga ang naging epekto sakanya ng nangyari kagabi.

At ngayon naman...

Isang nakakairitang lalaki ang nagyayang pag-usapan siya ngayon, wala naman akong nagawa..ayokong ilantad lagi ang palagi ang pangalan niya dito dahil lang sa hinahanap siya ng nakakainis na lalaking ito. Interesadong interesado lagi sa kaibigan ko.
Nasa rooftop na kaming dalawa, dito ko napili ang area para tahimik..mahangin man ay makakapag-usap kami ng maayos.

The Mafia's Daughter | ✔Where stories live. Discover now