CHAPTER 40

158 29 0
                                    

Kevin's POV

Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwalang bigla nalang kaming nilayasan ni Allie at hindi man lang kami sinama!

At ngayon, nag-aalala na rin ako sakanya.

Ano ba Kevin, bakla ka yata!

"Gusto kong matulog pero nag-aalala ako." sabi ni Zimmy.

"Pwede ka namang matulog. Gigising-------------"

"Andyan na si----------la." Bigla naman akong napalingon.

Namilog ang labi ko sa gulat ng makitang dala dala ni Allie si Ayen ng..........duguan.

"O my goodness.."

"AYEEN!" sigaw ni Zimmy.

Nakatulala lang ako. Napapalunok.

Gusto kong isipin na panaginip lang ang nakikita ko...isang bangungot.

Pero hindi eh.......totoo!

"Allie, anong nangyari sakanya?!"

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Para akong napako sa pwesto ko habang tinitingnang humagulgol si Zimmy habang hawak si Ayen.

Nalaman ko nalang na tumulo na pala ng sunod-sunod ang luha ko.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, galit, lungkot, sisi ba?! Kasalanan ko to! Wala akong ginawa para iligtas siya!

Dahan dahan akong lumapit sa katawan ni Ayen. Lumuhod ako at sinubukan siyang hawakan pero nabigo ako.
"Bakit?..." bulong ko.

"A-Allie....nasaan si Zhoe?" dinig kong tanong ni Mom sakanya.

Tsk, si Zhoe pa nga pala.

Umangat ako ng tingin. Duon ko nakitang naglalakad si Zhoe palapit saamin.....ng walang reaksiyon!

Nakita ko naman na agad siyang niyakap ni Mom.
Nagtama ang paningin naming dalawa, wala parin siyang reaksiyon..Nakakainis!

Tumayo ako saka lumapit sakanya. Galit akong tiningnan siya.

"Wag mong asahan na yayakapin kita dahil kasalanan mong lahat to!" galit na sabi ko habang umiiyak.

Napapikit ako ng maramdaman ko ang biglang buhos ng malakas na ulan. Wala akong narinig mula sakanya kundi ang tingnan niya lang ako ng blangko ang mukha. Gusto ko siyang sapakin kung magbabago ba ang reaksiyon niya, gigil akong makita ang pagmumukha niya ngayon! Pero bakit?! Hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito pero......ang sakit!

Kaibigan ko yung nawala!

"K-Kevin, don't talk to her like tha------"

Pinutol ko ang sinasabi ni Mom."Kakampihan niyo to?! Eh, kung hindi naman dahil dito hindi aabot sa ganito ang sitwasiyon naming magkakaibigan!" dinuro ko siya. "--Nagsisisi ako na nakilala pa kita!" sigaw ko sakanya.

Nagmadali namang pumagitna si Allie. Malamang kaibigan niya yan eh, magsama-sama sila.

"Wag mo siyang sisigawan." matigas na pagkakasabi niya.

Matunog akong tumawa. "Magbestfriend nga kayo, pareho kayong kriminal." sabi ko.

Nanatiling tahimik si Zhoe nung mga oras na yun. Wala akong nakitang patak ng luha o masaktan sa mga sinasabi ko. Bakit?! Bakit wala ka paring reaksiyon?! Bwisit!

Galit naman na hinatak ako sa kwelyo ni Allie habang matalim na nakatitig saakin. Hindi niya ako matatakot kung magsuntukan man kami ngayon.

"Allie huminahon ka, Kevin..tama na, walang kasalanan si Zho---------"

The Mafia's Daughter | ✔Onde histórias criam vida. Descubra agora