7

33 6 4
                                    

“Miss, pa-follow up naman nung order ko!”

Lumingon ako sa gawing likuran nang may humiyaw. Ibinaba ko muna ang tray na hawak ko bago lumapit doon.

“Ano pong waiting number, Ma’am?” pasensyadong tanong ko.

“Number 12, kanina pa ako naghihintay dito!”

“Sige po, sasabihin ko po sa ‘baba. Pakihintay na lang po.”

Muli kong dinampot ang tray at dinala iyon sa washing area dito sa second floor.

Sunod naman akong tumungo sa counter para hanapin ang number 12. Naka-ready na ang food kaya ako na lang ang nag-insist na i-serve.

“Sorry for waiting, Ma’am,” turan ko. Inarapan lang ako nung babae matapos kong ibaba ang tray sa table niya.

The fuck, ang attitude ng kingina…

Nang bumalik ako sa ground floor sumalubong naman sa akin ang isang ka-trabaho ko.

“Sabi ni Madeth, doon ka raw muna sa counter.”

“Sige.”

Pumihit ako ng malalim na paghinga at saka nagpatuloy sa paglalakad papunta sa counter. Alas otso pa lang ng umaga ngunit dinagsa na kami ng mga tao.

“What’s your order, Ma’am?” pilit na ngiting tanong ko.

“Mango smoothie.”

“Anything else, Ma’am?”

“None.”

“Just wait a minute, Ma’am.”

Kinuha ko ang bayad niya at mabilis na prinuseso ang order niya.

“Here, Ma’am. Thank you for order!”

Tumango lang ang babae sa akin bago tuluyang umalis. Hindi pa natatapos ang umaga na iyon ng gano’n-gano’n lang.

Ilang oras rin akong nakatayo sa counter para mag-take ng mga orders, idagdag mo pang maraming customers ang dumarating kaya hindi ako nagkakaroon ng pagkakataon na umupo.

“Luka, break time mo, ako naman d’yan,” si Jorja ang pumalit sa akin. “Kumain ka na muna, Rosane. Hindi ka pa nagbe-breakfast.”

“Doon muna ako sa tapat, babalik ako after 30 minutes.”

Kaagad akong nagtungo sa convenience store at bumili ng energy drink.

“Pagod ka na?” tanong ng kahera. Natatawa akong umiling sa kaniya.

“Hindi p’wedeng mapagod, wala akong aasahan!”

“Jusmiyo! Parang may anak ka na sa lagay na ‘yan!”

“B-Bakit? Gano’n na ba katanda ang itsura ko?”

“Sira, hindi!”

Ibig ko pa sanang magtanong, ngunit may pumasok na customer sa shop. Umupo ako sa isa sa mga benches. Habang nagpapalipas ng oras binuksan ko ang fb account ko.

Iilang messages lang ang bumungad sa akin at ilang friend requests.

Gabrielle Rey Aeñoso:
4pm, pupunta ako d’yan sa Area 16!
Dadalhin ko ‘yung laptop ko para makagawa na tayo ng presention sa Literature.

10-SIMPLICITY

Edward: Pengeng load.
Gensene: Ano ka? May sponsor?
Ashio: Lolo mo sponsor!
Marga: Pa-send nung answer sa math!
Jiesel: Mangongopya pa nga!
Nicole Cy: Taena kayo! Hindi n’yo madadala sa hukay ang mga medalya niyo!
Persus: Hindi rin madadala ang mga make up mo sa hukay. Kukupas rin ang makapal mong mukha na puno ng kolorete.
Ashio: Bars!
Emma: @Nicole Cy, uso kasing magbasa hano!

MADNESS IN LIFEWhere stories live. Discover now