69

5 1 0
                                    

Kung gusto mong malaman ang lahat ng sagot sa katanungan mo, pumunta ka sa fourth floor ng Drama Club. 'Wag kang pupunta ng mag-isa.

Mag-iingat ka, Rosane...

Ilang beses akong napabuntong hininga para pakalmahin ang sarili ko. Matapos mabasa ang binigay na sulat ni Jova, kumabog ng pagkalakas-lakas ang pintig ng aking puso.

Tanga naman ni Jova! Hindi na lang sinabi sa akin kung sino talaga ang nag-utos sa kaniya! Ako pa ang paghahanapin! Kapag ako napahamak sa pagpunta sa lugar na iyon, tapos na-tegi ako ng maaga, aba! Mumultuhin ko siya!

“You're spacing out again,” iyon na naman ang paboritong lintanya ni Ohne.

“May sasabihin ako.”

“What is it, woman?”

“Nakausap ko si Jova,” hininaan ko ang boses ko. “Sabi niya kung gusto ko raw masagot ang lahat ng mga tanong ko, pumunta raw ako ng Drama Club.”

“I can't hear you, woman.”

Hindi ko na inulit ang sinabi ko dahil napapagod na akong magsalita simula kanina. Syiete! Nangangati pa ang lalamunan ko at parang magkaka-sore throat ako.

“Sorry, woman. What did you say?”

Umiling ako. “Marumi na ang sapatos mo dahil sa kakatapak ko.”

“It's okay.”

Hindi na siya muling nagtanong, mukhang nahalata niya sigurong tinatamad akong magsalita. Gano'n din yata siya, medyo malayo ang tingin niya at wala sa hulog makipag-usap.

Hindi nagtagal, pinatapos na kami sa practice namin. Wala pang alas dos ng sabihin ng isang teacher na p'wede na kaming umuwi para makapagpahinga na.

“We'll see each other tomorrow, woman,” Ohne uttered. He smiled a bit then he left.

Nagtataka man, hindi ko na lamang pinansin at bumalik ako ng classroom para kunin ang bag ko. Palabas na ulit sana ako ng classroom ng tumunog ang cellphone ko sa bulsa.

Syrone:
Where are you?

Ako:
Room, bakit?

Syrone:
I will wait for you downstairs.

Nahagip ng paningin ko si Charmagne, tahimik itong nagwawalis kasama ang ilang mga alipores niya. Napatingin siya sa akin, pinanlisikan niya ako ng mga mata kaya naman inangat ko ang kamay ko at pinakita ang gitnang daliri ko.

“Bawal 'yan, Miss Beindz.”

“Oh!” bahagya napaawang ang bibig ko. Pinababa ko ang kamay ko at nilagay sa likuran ko. “'Wag mo akong ipapa-guidance! Sorry na!”

He chuckled. “I won't sue my girlfriend. Don't worry...”

“Sus!” angil ko. “Akala ko ba hihintayin mo na lang ako sa baba? Bakit nandito ka na?”

“Sinusundo ko ang prinsesa ko.”

“Prinsesa?” muli akong napatingin sa loob ng classroom. “Sinong prinsesa ba? Eh, puro mga bruha ang nandito.”

“Miss Beindz...”

Hindi ko alam kung bakit biglang tumawa si Syrone kaya agarang nangunot ang noo ko. Natigil siya nang mapansin ang reaksyon ko.

“You're quite witty, huh?” ngumisi siya, nang-aasar. “I like that.”

Sasagot sana ako nang makaramdam ako ng kakaiba sa paligid. Ito na naman ang pakiramdam na parang may nakamasid sa bawat paggalaw ko.

“Let's go, Miss Beindz.”

Agarang napatango ako sa kaniya. Mabuti na lang naisipan niya nang mang-aya dahil kundi baka umatake na naman ang pagkabalisa ko at mawala ako sa hulog.

MADNESS IN LIFEWhere stories live. Discover now