68

3 0 0
                                    

“Nakatulog ka ba ng maayos?”

Tumango ako sa kaniya. Naging sunod-sunod ang ginawa kong pagsulpak sa mga pagkaing inihain ni Manang Lucy. Nakalimutan kong kumain kagabi dahil hinila na ako ng antok.

“Narinig kong acquaintance party niyo bukas. Mayroon ka na bang isusuot?”

Yari ako! Hindi pa ba alam ni Havier ang bagong issue ko sa school? Batay naman sa itsura niya, mukhang hindi pa nakakarating sa kaniya. Teka… Ang sabi ni Madame Aika, ipapaalam niya raw kay Papa. Eh, kung nagsumbong na iyon. Dapat kahapon pa lang tinatalakan na ako ni Havier. Sana hindi siya magsumbong! Anak naman niya ang may kasalanan!

I shook my head and swallowed hard.

“Mamayang uwian ko na lang aasikasuhin. Mag-aarkila na lang ako kay Tita Dawn.”

“Do you have extra-money for that?” tanong niya. Sasagot pa lang sana ako nang may binigay siyang credit card. “Use it, bumili ka ng mga kailangan mo para sa party.”

“May pera naman ako, Havier. Hindi ko matatanggap ‘yan.”

“Just in case. Take it.”

I nodded.

“May pasok ka ba ngayon?” tanong ko. Nagtaka naman ako ng biglang nagbago ang ekspresyon ng mga mata niya. “May problema ba sa kumpanya mo?”

“Maraming proposal ang kailangang gawin ngayong araw.”

“Hindi kita nakitang nag-day off.”

“I have a lot of work to do. I have no time for that.”

“Sayang pala…”

“Why?” Nagpunas siya ng bibig gamit ang table napkin.

“Inaaya ako ni Gariel na sumama sa kanila ni Tita Ginnie, pupunta sila sa Tagaytay. Gusto mo bang sumama tayo sa kanila?”

“Kailan naman ito?”

“This weekend, Sunday.”

“I’ll check my schedule,” tugon niya.  “If I can’t, you should join them. I’m sure you will be okay with them, right?”

Tumango ako. “Pag-iisipan ko pa kung sasama ako.”

“May iba ka bang balak?”

“Aalis ako ng bansa,” sagot ko sa kaniya. Gulat ang rumihistro sa kaniyang mukha. “Hindi ako sa Japan pupunta. Sa ibang lugar kung saan ako lang ang nakakaalam.”

Nagsalubong ang kilay niya. “Are you serious?”

“Sinasabi ko sa ‘yo ito para hindi ka mabigla kung sakaling mawala ako bigla.”

“Bakit ka aalis? You’re not okay. I need to take care of you, Valentina.”

“Kaya nga ako aalis para maging okay ako, Havier. Kailangan kong mapag-isa.”

“Where are you going, then?”

“Somewhere,” I answered. “Where I’ll no longer have painful nights...”

He looked confused. Hindi na ako nagsalita pang muli. Gaya ko nagpatuloy siya sa pagkain pero alam kong marami siyang gustong itanong. Nahalata niya lang sigurong hindi ko rin naman sasagutin ng maayos mga iyon.

Nagpasalamat ako kay Kuya Teo pagkababa ko ng sasakyan. Pagdating ko sa loob ng school, hindi muna ako umakyat sa classroom. Tinungo ko ang malawak na field, hinagis ko ang bag ko sa madalas kong tambayan at saka nagsimulang tumakbo.

“Why are you running, Sane?”

“’Wag mo ‘kong kausapin. Hihingalin ako.”

“It’s too early, Sane. Umagang-umaga, mag-aamoy araw tayo nito!”

MADNESS IN LIFEWhere stories live. Discover now