SIMULA

160 10 7
                                    

“Rosane, may tumapong softdrinks sa second floor! Paki-linis!” Huminga ako nang malalim at saka tumango sa babaeng iyon. Ako na naman ang nakita niya.

“Bilisan mo,” nanlalaking matang saad niya. “Baka may madulas doon!”

“Oho,” tanging naisagot ko.

Nagmadali akong kumilos dala-dala ang mop at ang balde. Medyo nahirapan pa akong umakyat sa hagdan dahil nakikipag-unahan sa pag-akyat ang mga bagong dating na customers.

Nang marating ang second floor ay kaagad kong inasikaso ang sahig kung saang may tumapon na mga pagkain.

Napailing ako. Mga hindi marunong magpahalaga sa pagkain!

“Bagay na bagay sa ‘yo ang pagiging alipin,” dinig kong wika mula sa aking likuran. Sinundan pa ito nang pagtawa kaya napahinto ako sa aking ginagawa at nilingon ito. “What? Why are you staring me like that? Ano? Lalaban ka na ba ngayon?”

“May ibubuga ka na ba, Beindz?” sunod namang hirit nitong kasama niyang alipores. Mukhang ewang ang putcha.

Hindi ko malaman kung natutuwa ba o naiinis. O sadyang gano’n lang ang ekspresyon ng mukha no’n.

“Hey! I want you to listen carefully, I will only say this once,” Mariah step forward and crossed her arms. “Nakakaawa ka, Rosane. Matapang ka lang naman kapag kasama mo ang mga kaibigan mo!”

I sighed.

Wala akong panahon para makinig sa mga hinaing nilang walang kwenta. This is wasting my time.

Mariah laughed sarcastically, sinundan iyon ng mga alipores niya.

“What now, Rosane? Are gonna stood up there like an idiot? Say something, dimwit! Matapang ka, ‘di ba? Bida-bida ka, hindi ba? Feeling entitled ka, ‘di ba?”

Ngumisi ako. “Kailan nga ba akong lumaban sa inyo, Mariah?”

Mukhang mga kurimaw! Nanlaki ang mga butas ng ilong niya, iyon pa lang naman ang sinasabi ko, parang sasabog na ang ulo niya sa galit. Naglilitawan ang mga ugat niya sa mukha.

“Nagtanong ka pang makapal ang mukha!” tumaas na ang tono ng pananalita niya.  “Eh, hindi ka nga lumalaban sa amin dahil mahina ka! Mahina ka! Nakaasa ka sa kaibigan mo! You’re such a loser! Feeling rich, mukha ka namang basahan!”

Naramdaman ko ang dagliang pagtingin ng customers sa gawi namin kaya napairap ako.

Punyetang mga iskandalosa!

“Bakit hindi mo na lang aminin na takot ka sa ‘kin? And you still don’t have the guts to fight with me! Nagmamatapang ka lang, nag-iinaso!”

“Hindi ako takot sa ‘yo, Mariah,” diretsong sabi ko. “Sadyang hindi lang ako lumalaban sa mga taong kawawa.”

“W-What?!”

“Magmumukha pa akong masama kung lalabanan pa kita,” I stared at her from head to toe. I shook my head slowly. “Sayang ka… Sa ating dalawa ikaw ang nakakaawa. Imbis na ubusin mo ang oras mo sa pagpapabuti sa sarili mo, ito ka at nag-aaksaya ng panahon sa akin. Bakit? Gano’n ba ako ka-importante sa ‘yo para pagtuunan mo ng atensyon?”

Tumalikod na ako sa kanila bago pa ako tuluyang maubusan ng pasensya sa mga kurimaw na iyon. Mahirap na, baka magkagulo pa rito at pagalitan pa ako ng boss ko sa oras na hindi ko mapigilan ang sarili ko.

“Naku talaga, Rosane! Kina-career n’ya talaga ang pagiging peste sa buhay mo, ‘no?!” Sumalubong sa akin si Jorja pagdating ko sa staff room. “Tapos ‘yang si Madeth, feeling boss! My gosh! I’m so stressed with that bitch! Isa ring nagmamagaling, eh, wala namang alam!”

MADNESS IN LIFEWhere stories live. Discover now