22

19 3 0
                                    

"What is this again, Miss Beindz?"

Padarag na binaba ni Mrs. Delman ang hawak niyang mga papel. Sinuri niya ang buong kabuuan ko. Napaiwas naman ako ng tingin.

"And you, Miss Santos!" dinuro niya si Irish na magulo ang buhok, may iilang pasa sa mukha at putok ang pang-ibabang labi. Nakahawak siya ngayon sa balikat niya.

It serves you right!

Bumukas ang main door, sumalubong ang masasamang tingin ni Mrs. Nalandress. Pagkalapit na pagkalapit niya sa gawi ko ay inihampas niya sa akin ang hawak niyang di-tiklop na pamaypay.

"Ano na naman ito, Miss Beindz?" Pinandilatan niya ako ng mga mata. "Nakikigaya ka na rin ba sa mga kaklase mong mga basagulero?! Nakakahiya kay Mrs. Sandoval! Nagrambulan pa kayo sa loob ng classroom na parang wala roon ang inyong guro! Kay kakapal ng inyong mga mukhang gawin iyon!"

Paanong 'di magra-rambulan? Eh, sinampal ako ni Mrs. Sandoval. Ako pa ang may mali. At saka, mga loko-loko ang mga kaklase ko kung kaya't nakisali sila sa away namin ni Irish. Mga papansin at kinulang sa aruga!

"Mrs. Nalandress, maghunos dili ka," si Mrs. Delman. "Umupo ka, paparating na ang mga magulang ni Miss Santos."

Sumunod naman si Mrs. Nalandress, umupo siya hindi kalayuan sa pwesto ko. Bumukas ulit ang pinto, lumitaw ang isang babae at lalaki.

Magulang na siguro ito ni Irish.

"Good morning, Mrs. and Mr. Santos," isinenyas ni Mrs. Delman ang mga upuan. Tumabi naman ito sa anak nila at kunot-noong pinagmasdan ang anak nilang masama ang itsura.

Gaya ng inaasahan ko, nagtapon ng tingin ang nanay ni Irish sa aking gawi.

"Anong ginawa mo sa anak ko?" mariin niyang pagkakasabi.

I remain silent. I didn't bother to talk.

"M-Mommy, sinuntok niya po ako," maluha-luhang saad ni Irish. "Hinamon n'ya po kasi ako ng away."

"Hinamon mo ang anak ko?" pinigilan ko ang sarili kong umirap kay Mrs. Santos. Ano bang klaseng tanong 'yan? "Anong tingin mo sa anak ko? Basagulerang katulad mo? At anong tingin mo sa paaralang pinapasukan mo? Boxing ring? Battle field? Anumang oras ay pwedeng makipagbangayan? You gotta be kidding me, hija..."

Hindi ako sumagot, nagbaba lang ako ng tingin. Mama mo, boxing ring!

"Ano ba, Miss Beindz?!" Tinapik ni Mrs. Nalandress ang balikat aking balikat gamit ang kaniyang pamaypay. "Naputulan ka ba ng dila at ayaw mong sumagot?! Kinakausap ka, huwag kang bastos."

Pumihit ako ng malalim na paghinga. Nagpalit-palit ang tingin ko sa kanila, lumipas ang ilang segundo, hindi pa rin ako nagsalita.

"Miss Beindz," pagtawag ni Mrs. Delman. I turned my gaze on her. "I want to hear your side. Ano ba talaga ang nangyari kanina?"

"Sandali nga," si Mr. Santos ang nagsalita. "Nasaan ba ang mga magulang ng batang iyan? Hindi ba pupunta?"

Narinig ko ang nanunuyang tawa ni Mrs. Nalandress. "Parents? Walang mga magulang 'yan. Mag-isang lang 'yang naninirahan sa isang apartment. She's a part timer at Area 16..."

Tsismosa ka na pala ngayon?

I smirked. Tingnan mo nga naman, pati buhay ng ibang tao, inaalam.

"Kaya naman pala gan'yan ang ugali ng bata iyan!" mahihimigan ang pagkadismayado sa tinig ni Mr. Santos. "Paano na ito ngayon kung wala ang parents or guardian ng batang 'yan?!"

MADNESS IN LIFEWhere stories live. Discover now