41

16 2 0
                                    


“Wake up!”

Napadaing ako. Hindi ko man maidilat ang aking mga mata, alam ko namang nakatanggap ako ng mag-asawang sampal.

“I said, wake up biatch!"

Tuluyan akong napadilat ng maramdamang may bumuhos na malamig na likido sa buong katawan ko. Napaubo ako ng walang sa oras.

"How was your sleep, my dear friend?"

Napakurap-kurap ako, medyo nanlalabo pa ang paningin ko. Kahit hindi ko makita kung sino ang nasa harapan ko, alam ko naman kung sino siya. Boses pa lang, kilalang-kilala ko na.

Napakuyom ako ng palad. Doon ko lang din naramdamang nakatali ang mga kamay at paa ko.

"I'm asking you! How was your sleep, Rosane?!"

Muling dumapo ang palad niya sa pisngi ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano sa tingin mo, Mayen?" nakataas-kilay na tanong ko. "Gusto mong malaman? Tara at magpalit tayo ng katayuan!"

"Ano ako? Tanga?!"

Dumapong muli ang palad niya sa pisngi ko. I gritted my teeth.

Putcha! Masakit 'yon, ah!

"Bakit mo sa 'kin ginagawa 'to? Ano bang nagawa kong masama para ganituhin mo ako, Mayen?" Tinitigan ko siya sa mata. "May kinalaman ka rin ba sa nangyayari sa akin?"

Tumawa siya. "Why am I doing this to you?" Hinila niya ang buhok ko. "Dahil pabida ka! Masyado kang atribida! Puro na lang ikaw, ikaw, ikaw! Nakakasawa na!"

Hinila-hinila niya ang buhok ko. Hindi ko naman magawang manlaban. Napaaray ako. Mukhang matatanggal na ang anit ko.

"Pusanggala, kingina ka!" Sinubukan kong iangat ang mga kamay ko at nagbabakasaling makalas ang lubid, pero hindi. Masyadong mahigpit ang pagkakatali. "Ewan ko sa 'yo, Mayen! Nababaliw ka na!"

"Baliw na nga siguro ako!" Muli itong tumawa na parang naluluka. "Kung hindi niyo lang pinaramdam sa akin 'to! Ang pagiging walang kwenta... Hindi ito mangyayari sa 'yo!"

Binitawan niya ang buhok ko. Kitang-kita ko ang sunod-sunod na paglandas ng kaniyang luha.

"Si Gabrielle... He's always choosing you! Gano'n din si Jahm and Jorja. Parang kayo-kayo lang ang magkakaibigan! Kahit si Dianaya! Laging ikaw ang binabanggit niya! Ano bang meron ka na wala ako?!"

She slapped me for the nth time. Napapikit na lamang ako ng mariin.

"Inggit na inggit ako sa 'yo, Rosane! Inggit na inggit… I-Ikaw lang naman 'yan, but everyone seems like you! Anong meron ka at humaling na humaling ang lahat sa 'yo?!"

Tanging pagdaing na lamang ang aking nagagawa sa tuwing patatamaan niya ako ng sampal.

Tangina mo!

Kapag ako nakawala rito, patay ka sa akin!

Namamanhid na ang mukha ko. Pilit ko namang tinitiis ang hapdi. May nalalasahan na rin akong dugo mula sa labi ko.

"Die, bitch. Sumunod ka na kay Gabrielle!"

Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumalikod na siya sa akin at sinara ang pintong nilabasan niya. Narinig ko pang ni-lock niya iyon.

Inilibot ko ang buong paningin sa loob ng kwarto. Mga sirang painting lang naman ang nakikita ko at mga basura na sa tingin ko ay mga pinaggamitan. Hindi ko alam kung nasaan ako. Wala na yata ako sa school.

Pinilit kong hilahin ang kanang kamay ko para maalis ang pagkakatali pero nagagasgasan lang ang balat ko.

Sinubukan kong tumayo para makuha ang nail cutter sa bulsa ko. Huminga ako nang malalim at muling sinubukang tumayo. Umabot naman ang kamay ko sa bulsa ng jacket ko. Nakuha ko naman ang nail cutter at muli akong napaupo.

MADNESS IN LIFEWhere stories live. Discover now