18. Art of Keeping up Disappearance

9.9K 426 219
                                    

Art of Keeping Up Disappearance

Alexandra Alarcon

"Aray! Aray! Christine!"

"Aw! 'Wag yung tenga ko Ate Sam!"

Puro atungal namin ni Troy ang maririnig dito sa loob ng office. Ramdam ko pa rin ang mga kuko ni Ate Sam sa tenga ko habang pinapanood ko si Ate Sam na hawak-hawak na ngayon ang kaliwang tenga ni Troy.

After ng OJT namin kanina kasama si Captain Marudo, nakatanggap kami ng tawag galing kay Ate Sam. She was waiting for all of us here dito sa Campus Press Office.

After kasi ng mangyari kahapon sa pagitan namin ni Jonathan, hindi na kami bumalik ng office.

"Aray!"

"Tangina niyo ni Troy! Potangina niyo talagang dalawa!" Malutong na mura saamin ni Christine habang nililinis niya ang sugat ko sa kamao gamit ang betadine.

Hindi naman masakit pero diniinan niya kasi ang sugat ko.

"Buti nalang hindi umabot sa admin yung kalokohan niyo. Pa'no nalang pag sinumbong kayo ni Jonathan, ha?!" She said habang winawagayway ang kamay niya na may hawak na cotton balls sa eri.

She then intentionally rub my wounds again with much pressure kaya puro aray ako sakanya habang ginagamot niya ang tuyong sugat ko.

Siya lang ata ang nursing student na mapanakit sa pasyente niya.

"He won't. Pagtatawanan siya pag kumalat na babae ang bumugbog sakan— aray!"

Sapol sa mukha ni Troy ang bote ng betadine na binato ni Christine.

"Ba't ka ba namamato?!"

"Ewan ko sa inyo ni bunso! Ginamit niyo pa talaga ang fraternity niyo sa kagagaguhan niyo! Hindi kayo mga gangster fyi! Sumali ba kayo diyan para may mga makakasama kayo sa pakikipagbasag-ulo? Sabi ko na wag kayong sumali ng mga ganyan! Hindi naman kasi nakakatulong 'yang brotherhood-brotherhood niyo! Anong napala niyo diyan? Basag-ulo?"

"Hoy! Brotherhood and sorority ang fraternity namin. Hindi kami mga gangster! Tsaka maraming kasama yung gagong ex mo, alangan naman na hindi ako magtawag ng back-up? Tsaka we didn't interfere in their fight. Nakabantay lang kami in case they would pull some dirty tricks. Fare and square."

"Fare and square mo mukha mo! Alexandra almost broke his face!"

"And he deserves it for hurting you!"

"Tama na nga 'yan." Kunot-noong saway ni Darwin sa pagsisinghalan nila Troy at Christine habang nakahawak sa noo niya.

Agad silang nag irapan.

"If I was there that time, sasamahan ko si Alex. Bagay lang kay Jonathan ang nangyari sakanya." Hadji took our side habang naka akbay si Troy sakanya.

"Isa ka pa Hadji. Shut up." Inis na usal ni Ate Sam at masamang tinitigan ako.

"Bunso.."

"Ate," I said in my weak voice while looking at the floor.

I flinch when I felt her hand on my shoulder.

"Does it hurt?"

"Po?"

"I was talking about your ears. Masakit pa ba?"

Hinaplos ko naman ang nag-iinit na tenga ko habang nakanguso at mahinang umiling. To be honest, masakit pa rin talaga ang tenga ko. Halos humiwalay na nga sa ulo ko ang tenga ko kanina.

I heard her sigh at naupo sa harap ko.

"That behavior of yours is unacceptable and I won't ever tolerate that. Not in my watch. Alexandra, what you did to Jonathan is out of the line."

Odin Cassiopeia Zafeiriou [INTERSEX]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum