2. The Carpal Tunnel of Love

17.4K 632 192
                                    

The Carpal Tunnel of Love

Alexandra Alarcon

Ilang araw na rin ang lumipas at heto kami ngayon sa department kasama pa ang ibang mga criminology students na nagpapractice ng chant. Every college department kasi ay required na may chant sa opening ng first day of the university intramurals.

I was sitting with my thesis group mates at one of the benches of our department corridor. We were talking about our chapters 3 to 4, ako kasi ang ginawang leader nila.

"Sige, Alex. E-sesend namin sa email mo mamaya pagkatapos namin ma edit yung pinapaulit mo."

Pinaningkitan ko sila ng mata kaya nakangiwing ngumiti sila saakin.

I heave a sigh.

"Make sure to do it, asap. Ang gulo-gulo pa naman ng rrl niyo."

Tumango naman silang dalawa sa mga paalala ko. They know how thorough I am when it comes to every bit of smallest details of my work. May improvement naman yung ginagawa nila pero hindi pa rin sapat.

Marami pa kaming napag-usapan about sa thesis namin, and after few more questions ay nagpaalam na rin sila saakin at may gagawin pa daw sila.

"Alex!"

I tilted my head sideways.

Althea Mendez was smiling as she approached me. She was also one of the few people aside from Hadji na close ko. Criminology student rin siya at siya ang auditor naming mga Interns.

"Tara sa food court?"

Napatingin naman ako sa relo ko.

"10:14 AM pa lang, a?"

"Hindi kasi ako nakapag breakfast. Sige na, mag early lunch ka na rin."

"May baon ako." I flatly refuse her.

May binabasa pa kasi akong article na isa-submit ko kay ate Sam.

"Ililibre kita."

"Tara."

"Pesti ka talaga, Alex!"

Tinawanan ko lang siya at nauna ng maglakad. Sumunod naman siya saakin at saka pinaikot ang kamay sa braso ko. Medyo clingy kasi si Althea saakin. Palibhasa kasi, tinuturing akong nakababatang kapatid niya. Only child lang siya at ako ang nagawa niyang pagdiskitahan. Mas matanda kasi sila ni Hadji saakin ng 3 years kaya ganon nalang sila na e-baby ako.

"Later at exactly 3 PM daw ang practice ng mga Interns after ng klase natin kay sir Escoval."

"Sila Cor ba ang nagha-handle ng mga juniors?"

Kakamot-kamot naman itong napatingin saakin saka mahinang bumungisngis. Iba talaga ang tama niya sa utak pag nalilipasan ng gutom.

"Ata?"

Hindi siguradong anas niya na nagpangiwi saakin.

"Diba officer ka? Ba't ka tumakas? Patay ka kay Cor mamaya."

Umismid naman ito sa tabi ko.

Odin Cassiopeia Zafeiriou [INTERSEX]Where stories live. Discover now