Extra Chapter II: In Another Parallel Universe

12.4K 394 119
                                    

Parallel Universe

"Oi! Herrera! Labas na! Nandyan na 'yung sundo mo!" Singhal ni Police Corporal Mendez sa binatang pansamantalang nakapiit ngayon sa selda nila dito sa Station 6.

Kakamot kamot naman si Troy sa batok niya at saka tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. Nakabusangot na binuksan naman ni Althea ang maliit na selda dito sa loob ng station nila na siyang napansin ni Troy.

"Ang ganda mo. Police ka ba talaga, Sarge?"

"Oo, Salamat at ang pangit mo," Taas kilay na anas naman niya.

Puno kasi ng bangas ang mukha ni Troy. Nakipagsuntukan daw ito sa Dionysus Bar kagabi ng Linggo at dahil hindi bukas ang opisina ang PNP tuwing weekends kaya pinag overnight stay siya dito sa selda sa station 6 at ngayong Lunes ng umaga pa mailalabas ng private lawyer ng binata.

"Labas!"

"Ang sungit mo naman." Nakangusong usal ni Troy sa dalagang police pero hindi siya nito pinansin.

Pagkatapos maisara ni Althea ang selda ay walang imik na tumalikod ito. Nakasunod naman si Troy sa likod niya habang pinagmamasdan ang magandang hubog na katawan ng babaeng police.

She's totally his type. Too bad, parang taken na ang dalaga dahil sa singsing na suot nito ngayon sa palasingsingan.

"Thank you again, Police Major Mohammad."

"Walang anuman, Atty. Laroscain. Mag ingat kayo at sana hindi na maulit pa ito."

Pormal na tinanggap naman ni Hadji ang kanang kamay ni Atty. Laroscain.

"Ate Sam!" Nakangising tawag ni Troy sa nakakabata ng matanaw niya ito sa front desk.

"Maiwan ko na muna kayo, Atty. Laroscain at may gagawin pa ako sa opisina." Paalam ni Hadji dito.

Tumango naman si Samantha sa Hepe ng Police Station 6.

"Go ahead, police officer. Thank you again for taking care of Mr. Herrera last night."

"Walang anuman."

Tumalikod si Hadji kay Samantha at agad na nagtama ang mata nila ni Troy.

"Salamat, Chief! Hehehe~" Troy goofily said to Hadji.

Kemeng ngumiti naman si Hadji at mahinang tinanguan ang binata bago mapadpad ang mata niya kay Althea na nakaupo na ngayon sa frontdesk.

"Mendez, kung may maghahanap man saakin, sabihin mo lang na nasa opisina ako."

Mabilis na tumango naman si Althea sa paalala ni Hadji.

"Sige po, Hepe."

He again excuses himself to them before turning his heels. Napabuntong-hininga naman si Samantha habang tinititigan ang buong mukha ni Troy.

"My god. You look like a mess," mahinang usal nito. "Let's go. Sabi ni Tito Timothy, pumunta ka agad sa office niya after natin dito."

"Sabihin mo kamo sa kanya, wala akong pakialam."

Troy then clicked his tongue in utter annoyance at naunang lumabas ng police station, kasunod niya naman si Samantha sa likuran. Mabilis na binuksan niya ang shotgun seat at pabagsak na isinara ang pintuan ng kotse.

Napailing nalang si Samantha sa ikinikilos ni Troy habang binubuksan ang driver's seat. Busy siya sa trabaho niya lalo na at may bagong kaso na hinahawakan siya ngayon pero hindi niya naman matitiis si Troy. Para niya na rin nakababatang kapatid ang binata kaya siya na mismo ang umasikaso ng gulo na ginawa na naman nito.

Odin Cassiopeia Zafeiriou [INTERSEX]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon