48. Dancing With Our Hands Tied

16.5K 474 815
                                    

Author's Note: Naalala ko lang yung isa sa mga lutang moment ko noon. Debate namin and I think the other party was asking me if sumasang-ayon ba daw ako sa principles ng grupo nila.

Ako naman itong si lutang at bangag, instead of saying no ay oo yung sinagot ko. Tawanan yung klase namin, buti nalang friendly debate lang talaga yung ginawa namin kundi sisingko ako sa prof namin. Nakakahiya talaga. Yung ka-party ko halos sakalin niya ako sa sobrang tawa at bwesit niya saakin.

Anyways, what's your lutang moment guys?

▪︎▪︎▪︎

Dancing With Our Hands Tied

Third Person

"Christine, minsan 'yung boses ko parang nagiging husky."

"Husky? Ano 'yon? Parang aso?" Singit naman ni Jacob.

"Hindi! Parang ano, ano bang ibang tawag do'n? Parang hoarse, ganon."

"Parang kabayo?"

"Hindi! Ano ba 'yan Hakob! Puro hayop 'yung nasa isip mo!" Singhal sakanya ni Mars habang naka kunot noo dahil sa inis.

Sensing the incoming bloodshed ay agad na sumingit si Christine sa kanilang dalawa.

"Ang ibig mo sabihin, parang minamalat ka?"

Napapitik naman sa daliri niya si Jacob nang ma gets ang sinabi ni Christine.

"Ah, kasi minsan naman parang hayop umasta yang si Mars eh."

Jeremiah giggled beside Christine kaya mabilis na siniko niya ito para matigil sa kakatawa. Namumula naman ang mukha ni Mars at ngayon ay naniningkit na ang mata na nakatitig kay Jacob.

"So kailan nagsimula 'yon?" Christine sigh as she asks for further diagnosis.

Hindi pa nakakasagot sa tanong niya si Maria ay sumingit ulit si Jacob para sumagot.

"Yung pagiging hayop ni Mars?"

"Hindi! 'Yung malat!" Mabilis na iling ni Christine.

She then scans the things that can be used as a weapon in their surrounding. At baka saksakin nalang bigla ni Mars ng patalim si Jacob dahil sa uri ng tingin na pinupukol ng dalaga sa kaibigan.

Napailing nalang si Odin habang pinagmamasdan ang mga kaibigan na nakikipagkulitan. Nagpagdesisyonan rin nila na mag bonfire nalang ngayong gabi at dito na sa may buhangin maupo para mag-inuman.

"Hey, loves. Gotta go. I need to talk to my production team and staff right now. Just tell Freya that she has to show her face tomorrow morning outside my hotel room or I'm going to send her abroad the very next day. You understand?"

Odin facepalm. "Cut her some slack, Ate."

"Shut up. Work is work and she's not an exemption."

Mabilis na dumikit ang labi ni Colleen sa pisnge niya at nakangiting nagpaalam sa mga kasamahan ng kapatid. Hindi pa nakakasampung hakbang si Colleen paalis sa lugar ng mabilis na tumayo si Samantha sa gilid ni Odin na ikinagulat niya.

"Ate Sam? Saan ka pupunta?"

"I'll be right back."

Tatawagin niya sana ulit ito ng biglang sumingit si Hadji sa harapan niya para mag-abot ng alak.

"Pwe! Putangina. Ano ba 'tong chaser mo Hadji?" Nauubong anas ni Odin saka sinimhot ang baso ng chaser na hawak niya.

Tanduay Rhum 'yung iniinom nila ngayon pero 'yung chaser nila beer. Natatawang inakbayan naman siya ni Hadji at halata ang pamumula sa pisnge ng kaibigan.

Odin Cassiopeia Zafeiriou [INTERSEX]Where stories live. Discover now