47. Safety Net

14.5K 487 647
                                    

Safety Net

Third Person

"Oh my god. Is that you, Doc. Christine?"

"What are you two doing here, Doc. Fiona and Doc. Madison?"

Gulat na napatingin sila kay Madison pagkababa nila ng suites. Agad na lumapit si Christine sa mga colleagues niya at kinamusta ang mga ito. Naka two piece rin ang dalawa habang may suot na cardigan.

Iisang ospital lang naman sila nag tatrabaho, pero mas ahead sakanila si Madison dahil natapos na nito ang Fellowship Training niya while Christine and Fiona was still doing their Internship Trainig at Helheim-Sinclair Medical Group.

And yep, they were quite close.

Nagkamustahan muna silang tatlo ng ilang minuto bago lumapit kina Jeno na nakatanga hindi kalayuan sakanila.

"Guys! Si Doc. Fiona pala, one of my colleagues at Helheim-Sinclair Medical Group. She specializes in internal medicine. Doc. Fiona, mga kaibigan ko pala," Pakilala ni Christine sa kaibigang doctora sa mga kasamahan.

Kumaway at palitan ng 'hi' at 'hello' naman sila pagkatapos ipakilala ni Christine ang kaibigang doctora.

"Naging close kami nito during pre-med school. Magkasama kasi kami sa iisang ospital nung nursing ojt pa 'ko. Medtech kasi yung pre-med course niya tas ang hilig niya manguha ng tourniquet noon saakin..."

"Hoy! Ang tagal na no'n, hindi ka pa rin maka move on? Tsaka hindi rin namin alam kung bakit nawawala namin 'yung mga tourniquet niyo." Natatawang usal ni Fiona pero inirapan lang siya ni Christine na may ngiti sa labi.

"And you already know Madison. She's a urologist..."

"How are you guys, especially you, Alex?"

Nagkatinginan naman silang magkakaibigan at malisyosong nilingon si Odin na katabi ngayon si Freya. Humalukipkip naman si Freya sa tabi niya and didn't bother to show any emotions on her face na siyang nagpakaba lalo kay Odin.

"I-I'm great, uhm, yeah? ..."

Nauutal na anas ni Odin habang binibigyan ng tingin ang nobya sa gilid niya na siyang napansin naman ni Madison. Hindi naman siya ipinanganak kahapon para hindi malaman ang ibig sabihin ng mga tingin ni Odin sa dalaga.

"O, dear. Naikwento na rin saakin ni Doc. Christine kung bakit ganon 'yung reaction mo no'ng huling nagkita tayo. But I'm glad to know na bumalik na lahat ng alaala mo ngayon, Odin or Alex? Well, whatever. So if it's okay with your girlfriend, would you like to go on a coffee date with me? You know, catching up? Also if I may add, testicular and prostate cancer is on the rise right now, and maybe, I can check you over if you want. For free." She said smirking.

Odin's eyes almost bulged out of her sockets at what she said.

"First of all, putangina ka ba?"

Gulat na napatitig naman ang lahat kay Freya dahil sa malutong na mura nito. Nakataas rin ang isang kilay niya habang nakapamewang sa harapan ni Madison.

"Second, hindi ako boba para payagan ang girlfriend ko na sumama sa isang hitad na katulad mo." She added, sharply.

Her electric blue eyes glaring dangerously as if she's going to skin Madison any minute right now.

"Wow, nakakaintindi at nakakapagsalita ka pala ng Filipino."

Namamanghang anas ni Madison bago napangisi. Hindi niya rin pinagbigyan pansin ang mga maaanghang na patama nito sakanya at tinapatan pa lalo ang ugali ng blandidang nasa harapan.

Odin Cassiopeia Zafeiriou [INTERSEX]Where stories live. Discover now