#HCH09

36 3 0
                                    

#HCH09

Mga huni ng ibon ang tanging naririnig ko na dumadaan sa ulap habang naghahalo na ang liwanag at dilim, ibig lang sabihin nito na kailangan ko na talagang tumigil sa pagiyak at ayusin ang sarili dahil pagabi na.

Tumuwid ako ng upo. Mahigpit ko paring hinahawakan ang panyong inabot saakin ni Hiago na may luha at konting sipon ko na yata.

Tinignan ko siya ngayon na seryoso lang nakatitig sa mga kandilang sinindihan niya kanina na ngayon ay palusaw na.

Bilib din ako sakanya buti napag tyagaan niyang pakinggan mga hikbi ko at hindi niya ako ininis, inistorbo sa pag iyak o iniwan man lang mag isa dito.

O baka naman wala talaga siyang magagawa since ako ang naunang nandito?

I can't blame myself, I really need to maintain and have a high grades. Dinibdib ko talaga masyado ang zero kong score. Maiintindihan naman niya din siguro yun kasi parang grade concious din siya since kakapanalo niya lang nung isang araw sa ginanap na quizbee sa buong Paydaian.

Tumikhim ako. "Lola mo?" paos kong sabi ng makita ang pangalan na nakaukit sa lapida.

Olivia (Oling) D. Fulgencio

Tumango siya ng hindi tinatanggal ang tingin sa mga kandila. "Today is her Death Anniversary."

'Ah Kaya pala nandito siya ngayon! Akala ko talagang sinundan niya ako para bwisitin. I assumed! Okay I accept I was wrong.

Tinignan ko muli ang nakaukit sa lapida at nakitang two years ago lang simula ng namatay si Lola Oling. Ngayon ko lang din nakita na Fulgencio din ang surename na nakalagay doon. Bakit ngayon ko lang napansin since ang tagal ko ng napupunta dito?

All this time ang Lola talaga ni Hiago ang kinakausap ko eversince na natagpuan ko ang payapang lugar na to?!

"Kayo lang ni Lolo Alas ang nakatira sa bahay niyo saka mag isa mo lang na apo?'' I asked him curiously since walang tao bukod sakanilang dalawa ang nadatnan ko nung nag punta ako sa bahay nila.

"Hm." he said and nodded once. "Sila Lolo at Lola na din ang halos nagpalaki saakin."

Ibig bang sabihin nito..nasaan ang magulang niya? Wala namang ibang lapida pa ang nandito.

''Nasaan ang Papa mo?"

He shrugged. "I don't know."

"'Eh ang mama mo?"

"Working abroad."

I pouted. Suddenly I felt sad for him. Halos parehas lang kami. Is he okay? I hope so. Buti nalang may Lolo Alas pa siyang kasama.

Napalunok ako. "I have a broken family. Mag isa ko lang na anak sa part nina Mama at Papa." panimula kong sabi sakanya, he didn't show any reaction so I continued. "My Papa is in manila with his other family while my Mama is here with me but she also have another family."

Hindi pa rin siya umimik o kahit na lingunin man lang ako kaya naglakas loob pa rin akong nag patuloy. "Alam mo Hiago, I feel left behind eventhough I am with my Mama." malungkot na sabi ko. "Nakikita kong masaya si mama kasama ang stepfather ko at si Dadang feeling ko parang panira lang ako sakanila, I mean hindi naman ako against doon masaya nga ako dahil masaya si mama pero masakit lang sa part ko na si Mama parang nakalimutan na ata ako."

"Atleast you are happy to see that your mom is happy." Hiago lowly said without looking at me.

Tipid at pilit akong ngumiti kahit hindi niya kita. "Alam mo ba kung bakit ako umiyak kanina?"

He simply smirked and look at me. "Hindi po,"

Ang galing talaga niyang manira ng seryosong usapan!

"Nang aasar ka ba? Baka gusto mong ma pektusan ng wala sa oras?"

Mahina siyang natawa at umayos ng upo.

"Bakit ka ba umiyak kanina?"

I rolled my eyes that makes him smirked a bit. "Ang babaw lang sa iba o pwede din sayo kung maririnig mo to kaya sana don't judge!"

Simpleng umiling siya at hindi pa din ako tinatantanan ng mga mapang asar na ngiti niya.

"Nazero lang naman ako sa long quiz kanina! Biruin mo yun hindi ko lang nabasa yung note na capslock pala lahat ng sagot tapos mazezero lang ako? May matino akong sagot bawat number complete pa yun tapos grabe lang, lahat ng hirap at puyat ko nasayang lang dahil sa score na zero, bwisit na capslock yun! Naiintindihan mo naman siguro ako diba?"

He nodded. "Laiseya we cannot learn from our mistakes kaya ang gawin mo next time, before answering read the instructions carefully."

Infairness may point siya dun! Ang galing niya dun ah, kaunti nalang iisipin ko ng ako talaga ang mas bata sa aming dalawa o talagang ganito talaga siya since matalino siya? Pero, is this really how smart people can talk?

Oo top two nga ako sa klase pero hindi ako ganun ka smart katulad niya, natyatyagaan ko lang talagang mag sipag sa pag aaral, yung kailangang mag puyat para pumasa yung todo effort ba, ganun ako kaya once na tinamad na ako paniguradong sa kangkong-an ako pupulutin pero siya talagang nakikitang inborn na ang pag kagaling niya pero hindi ko sasabihin yun sakanya baka lalo lumaki ang ulo! Pero tingin ko alam na niya yun since matalino siya.

"You're right with that point. Pero alam mo Hiago kailangan ko talagang i-maintain grades ko para makakuha ng scholarship, gusto ko din kasing makapag college pero tingin ko hindi na kaya ni mama na pag aralin ako kaya ako nalang gumagawa ng paraan."

"Atleast you make way," he seriously said. "Hindi mo naman ikakabagsak agad ang pagkakuha ng zero kanina."

"Hindi nga pero sayang din yung points na yun 'no!"

"Kaya ikaw pag gusto mong hindi mazero next time wag excited sumagot." pangangaral niya saakin habang natatawa.

Umirap ako at mahinang natawa. Pinapa-gaan talaga niya ang lahat. "Oo na, oo na! Noted na!"

"Yan kasi sobrang excited mong magsagot!"

I glared at him with disbelief. Natawa siya doon habang umiling saka tumayo mula sa pagkakaupo sa damuhan. Pinagpagan niya ang kanyang sarili.

"Uwi na tayo?" tanong niya saakin.

Tumango ako kasi medyo madilim na din. Inilahad niya ang kanyang kanang palad sa harapan ko. Ngumiti ako at walang alinlangang kinuha yun. Inalalayan at hinila niya ako patayo sa kinauupuan.

He grinned. "Ang bigat mo pala!"

Naitayo niya ako ng maayos kaya sinapak ko siya sa braso niya na, umiwas pa siya pero naunahan ko siya. "Wag ka ng magreklamo kung ayaw mong hugutin ko yang mahaba mong pilik mata!"

"Tss, you're always angry with my eyelashes. Nanahimik dinadamay mo pa."

Natawa ako saka binalingan siya na ngayon tinitignan na ang wala ng sinding kandila sa harap ng lapida ni Lola Osing dahil sa sobrang lusaw na.

"Uuwi na po kami Lola Osing." aniya na ginaya ko din at nagpasalamat pa.

Naglakad na kami palayo. Nauuna ako habang nakasunod lang siya sa likuran ko. Tumigil ako ng may naalala. "Bakit hindi mo pala kasama si Lolo Alas?"

"Dumalaw na siya kaninang umaga. Hapon na ako dumaan kasi may pasok kanina."

Tumango ako. "Nga pala lalabhan ko muna panyo mo bago ko ibalik may konting sipon lang naman."

Nilingon ko siya para tignan ang kanyang mukha na parang nagulat na natatawa na nandidiri. Basta hindi ko maexplain! Grabe siya sakin!

"Oi Aisak Hiago ang arte mo diyan 'ha!"

He quickly shooked his head as if I didn't saw him giving some different expressions!

"Gusto mong masapak ha?!" hamon ko sakanya, tumigil pa ako sa paglakad para ambahan siya ng suntok na ikinatawa niya lang.

"Hindi po ako papalag."

I cried too much earlier but look at me now, laughing with Aisak Hiago as if nothing had happened in my long quiz. Am I still okay? Why am I acting weird? I also can't blame how Aisak Hiago makes the situation lot easier for me.

TWENTYONE

Her Cold HeartWhere stories live. Discover now